The City of Angels

102 1 2
                                    

Start writing your story

DASH's POV


Habang nasa loob kami ng private plane ni grandda, iniisip ko na kung paano ko masasagawa ang aking plano.

Desperado na kung desperado na pakinggan pero gagawin ko ang lahat hindi lang mahiwalay sa akin si Bea.

Akin lang sya.

Akin lang siya?

Akin nga ba siya?


Hanggang ngayon hindi pa din nagigising si Bea at wala syang alam kung saan kami pupunta.


Wala ring alam ang mga magulang ni Bea sa tunay nyang kalagayan. Siguro kung magaling na si Bea. Saka ko na sasabihin sa nanay at tatay nya.


Pati ako wala akong alam kung saan kami patungo ngayon ni Bea.

Ang sabi lang sa akin ni grandda doon muna kami sa isa sa mga bahay nya at sya na daw ang bahala sa kompanya sa Pilipinas.


Nakatulog ata ako habang pinagmamasdan ang natutulog na mukha ni Bea.

Hindi ko napansin na nagising na pa la sya at may sobrang pagtataka kung saan sya naroroon.

"I am sorry ma'am but Mr. Hemingway insisted that he tells you personally."

"I have the right to know where I am now!"

Yan ang narinig ko bago ko pa man imulat ang aking mga mata.

"Bea?!"

"Dash ano ang ibig sabihin nito?"

"Bea!!! Gising ka na!!!" Napatayo ako ng makita ko syang nakaupo at nanggagalaiti.

"ANO SABI ANG IBIG SABIHIN NITO?"

"Para ito sa iyong kaligtasan." Sa kaligtasan mo at kagustuhan ko. Patawad.

"ANO ANG IBIG MONG SABIHIN?"

"Wag kang sumigaw...magpahinga ka muna."

"At saan tayo papunta?"

"Kailangan mo munang umalis ng bansa hanggang hindi pa natin alam ang dahilan kung bakit may naganap na pasabog sa cafe mo."

"Bakit umalis agad ng bansa?! Hindi ba ako pwedeng umuwi na lang muna ng probinsya?"

"Wag ka na ngang maraming tanong."

"Asan si Anthony? Ano ang sabi nya?"

Bigla kong naalala ang kasinungalingan sinabi ko kay Anthony. Ng dahil lang sa gusto kong akin lang si Bea, isang napakalaking kasinungalingan ang aking nasabi.

"Umalis sya."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Basta umalis sya. Wag ng maraming tanong." Umiinit ang ulo pagnaririnig ko ang pangalan ni Anthony. Dapat kalimuntan na sya ni Bea!

"Anong basta umalis? Hindi sya basta basta aalis!! Ano ang ginawa mo kay Anthony? Tinakot mo ba sya? ANO?!"

"Wala syang sinabi basta na lamang syang umalis. Ang huling sabi nya lang sa akin ay alagaan kita."

"Pero bakit?" Nagsisimula na syang umiyak.

Bea wag kang umiyak, pwede ba? Dahil baka ako ang mapasuko sa iyo at ayaw ko.


Pano ko ba magagawang kalimutan mo na lang siya?


"Bakit Dash?" Umiiyak na tanong ni Bea, saka sya humagulgol.

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon