WEDnesday

106 1 3
                                    

BEA's POV

Hindi ko akalain na kahit isang simpleng kasalan lang ang daming ginagawa o baka naman ako lang ang nag-iisip na marami ang ginagawa o iba lang ang definition ng mayayaman sa simple.

Ang totoo kasi nyan halos wala naman talaga akong ginagawa pero yung mga taong nakapaligid sa akin ang daming ginagawa, daming pinapatikim, pinapapili, lahat rush. Kailangan ora mismo.

Kailangan lahat ng nasa plano masusunod.

Nung isang gabi nakita ko si Dash sa study room nya, pabalik-balik ang lakad.
Ano bang problema nito?
Papasok na sana ako ng bigla kong narinig ang sinabi nya.

"Yes we are getting married, yes...no need for your friend's daughter to force herself in marrying me." Pero hindi yun ang rason kung bakit natigil ako, yung sunod nyang sinabi at ginawa.
Nilagay nya kamay nya sa dibdib nya at tumingala ng nakangiti, "Oh you don't know how happy I am." Tapos tumawa sya ng buo.

Aba nababaliw na ata ito!
Pero nga naman sinong hindi magiging masaya? Syempre di mo kailangang pakasalan ang di mo gusto at ang pakakasalan mo ay pwedeng mong i-divorce after 3 years diba?

Pakakasal ako sa isang baliw na lalake, kahit ayaw ko.

Sya na ang rich kid at ako ang hobo.

Universe parang awa mo naman oh, wag mo naman akong ipakasal sa isang baliw.

Umalis muna ako saka nagpalamig, para kasing biglang uminit eh.

Pagbalik ko naka-upo na sya sa kama.

Kumatok ako, saka sumilip sa pinto, agad naman syang lumingon at pinapasok ako.

"Doon tayo sa balcony," sabi nya, sabay kuha ng kung ano sa side table nya at sumunod na din sa akin.

Makikita mo ang view ng city galing sa balcony.

Brrrrrrrr...ang lamig, pero di ko niyakap ang sarili ko, kasi di na kailangan.

Bago pa man kasi makareact ang katawan ko sa lamig na nanuot sa makapal kong damit ay may naglagay na ng makapal na kumot sa balikat ko at aba eh dumadamoves ang loko denerechong pagyakap ang paglagay ng kumot, bigla nanamang uminit.

May mag-flashback sanang scene namin ni Anthony pero biglang nawala.

Pansamantalang lumuwang ang yakap nya at may kung anong kinuha namansa gilid namin, sa ibabaw ng mesa.

Inabot nya sa akin ang isang mug ng hot chocolate na may nakalitaw na maliliit na marshmallow.

Saka naman nya ako niyakap ng mas mahigpit pa at inilagay ang kanyang baba sa balikat ko, medyo nagulat ako dun...saka nakiliti.

Hay sobra naman ata ang kapal ng kumot na toh, may sarili pa atang heater, ang init!
Lumayu-layo ka muna Dash mainit na!!
Pero di ko nasabi kasi bigla na lang syang nagbuntong hininga.

"M-may problema ka?"

"Hmmm?" Parang antok nyang patanong na sagot sa akin.

"Tinatanong ko kung may problema ka?"

"Meron..."matamlay nyang sagot.

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon