Beastmode, kain tayo!

167 0 0
                                    

BEAST's POV

Ng makarating kami sa restaurant na ang pangalan 'Centaurs' pinaupo agad kami ng babae.

Nakatitig sa akin yung babae.

"Bakit miss ngayon ka lang nakakita ng panget? Sorry ha kasi itong Mr. H na lalakeng toh ayaw pa akong pauwiin, ang laki kasi ng kasalanan ko sa kanya kaya eto ako sunod-sunuran muna ang peg. Wag kangmag-alala mamaya aalis na din ako. Mabilis lang naman akonh kumain."

Nagulat naman yung babae sa sinabi ko at nag-smile pa.

Samantalang si Handsome guy eh napa-iling lang.

Eh di sige pagkatuwaan nyo pa ako.
Gutom ako kaya walang hiya-hiya, kahit pa sabihin nyang wag akong kunain at maglaway na lang kakain pa din ako!

"Miss eto yung menu namin pili ka lang. Sir yung usuals po ba ang sa inyo?"

"Oo usuals."

Ah so madalas sya dito.

Nak ng taugi!!! Ang mahal!!!

"Ah wag na lang pong miss tawag nyo sa akin Be-" Pinutol nya ako.

"Beast na lang tawag mo sa kanya." Oh di sige Beast na kung Beast.

"Ah, pie na lang po yung akin."

"Hija akala ko ba gutom na gutom ka na?" Tssss si tatay talaga pahamak.

"Eh kasi po ang mahal..." Bulong ko kay tatay.

"Wag kang mag-alala si Boss ang bahala." Nilakasan pa talaga.

Biglang nagsalita ang tahimik na si Boss Handsome.

"Centaur special para sa kanya."

"Okay sir. Be right back." Sabay kindat pa ng babae kay Mr. H. Hmmmm at kinindatan talaga pabalik.

Ganito ba basta gwapo at magaganda nagkakaintindihan sa kindat lang.

Nanlaki mga mata ko nung nakita ko yung Centaur special na sinasabi nila.

Ang dami!!!!!!

Carbonara, club house sandwich, four seasons shake, ham and dark chocolate cake.

"Pwede po bang tea na lang instead of four seasons?"

"Hindi po pwede pero pwede po kitang dalhan ng tea, anong tea po ba?"

"Earl grey?"

"Sige mam...." Pero tiningnan ko sya ng maigi, "....ah Beast po pala."

"No! Kainin mo kung ano ang nasa harap mo, wag ka ngang mag-inarte." Wow haba ng sentence ah.

"Sige na oo na kakainin na."

Pero shemz ang dami.

"Ubusin mo yan."

"Ha?! Ano toh libre o penetensya?!?"

"Uubusin mo o ikaw magbabayad ng lahat?"

Lahat?! Eh halos limang libo mahigit ang 3 meal, ang dala ko 500 lang.

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon