SIYA

97 1 0
                                    

DASH's POV

Ilang minuto na rin akong nakaupo sa kotse sa labas ng bahay.

Ayaw kong ipasok ang kotse kasi baka tumakbo sya pag nakita nya ako, at least madali ko syang mahahabol.

Tsk!

Nababaliw na ba ako?

Ano ba tong pinag-iisip ko.

Anong sasabihin ko pag nagkaharap kami?

Lalo pat sinabi nyang hindi nya ako kailangan.

Pero maaari ding ito na lang ang nag-iisa kong pagkakataong mabawi sya.

Mabawi...

Bakit naging akin ba sya?

Diba pagpapangggap lang ang lahat?

Pagpasok ko ng pinto...

"Sean!!!!!"

Ang boses na yun.

"J-josephine?"

"O bakit hindi ka masaya na andito na ako?"

Nakayakap sya sa akin ng mahigpit.

Si Josephine nga ito.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Bakit? Ayaw mo bang nandito ako?"

"Wag mo ngang sagutin ang kapatid ko ng tanong!"

"Eh~naman kasi ate parang ayaw nya na nandito ako, samantalang nung paalis ako dito halos ayaw nya akong bitawan eh."

"Noon yon! Ikakasal na sya ngayon, kaya lumayu-layo ka sa kapatid ko."

"T-totoo ba Sean?"

"H-ha?"

"Diba ako lang ang mahal mo? At nangako ka na aantayin ang pagbabalik ko? I am back Sean!!!"

Tapos niyakap nya ako ulit.

"Ikaw ha!!! Tawag ng tawag ako sayo di mo man lang sinasagot!"

"Ha?"

Kinuha nya ang phone nya sa bag at nagring naman ang cellphone ko.

+63917902----

Kanya pala yun.

Si Josephine, ang kaisa-isang babaeng minahal ko, walang kahit sinong babae ang makakapantay sa kanya.

"It is you!"

"Of course!"

"Pero pano yung fiancé mo?"

Si Beast??

"W-wala na k-kami..." Bakit ba ako nauutal?
S-siguro kasi magagalit si ate.

"DAMIEN ANONG PINAGSASABI MO????? ASAN SI BEA???"

"Wala na kami ate."

"AT HINDI MO MAN LANG SUSUYUIN??? Ganun lang ba kadali ang iwan ang isang katulad nya ha?"

Hindi na ako nakasagot.

Hindi ko din naman alam ang isasagot kay ate eh.

Siguro nga kaya natapos na ang pagpapanggap namin kasi babalik si Josephine, pagkakataon nga naman.

"Let's go out for a while?"

Tumango naman ako.

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon