Miss?

101 0 0
                                    

DASH's POV

Bigla lang...

"Dash pauwi daw si grandda sa Pinas, kita-kita daw tayo sa Lunes bago sya bumisita sa mga offices nya." Sabi ni ate habang lumalamon sa kusina ko.

"Bat nga pala naisipan ni grandda na umuwi, di na ba sya galit sa akin?" Sabay agaw ko sa kanya ng icecream ko at ibinalik sa ref.

"Akin na yan! Di ko alam kung galit pa sya sayo. Sabi na kasing wag mo ng pakasalan si Jo-...hay tapos na yan! Wag mo akong inisin!!!"

"At ako pa ang may kasalanan? Ate may sarili kang icecream sa bahay nyo." Kukunin na ulit yung sana yung ice cream.

"Hay sige na nga uwi na ako, basta ha sa lunes punta ka sa mansion."

---
Halos mag-iisang taon na din simula nga iwan nya ako sa ere. Pero anong magagawa ko, mahal ko sya.

At hanggang ngayon nasa puso ko pa rin sya.

Mahal ko pa rin ba o ang memorya nya lang? Yung mga dati, yung nakaraan, yun ata ang mahal ko, kasi pagpinipikit ko ang mata ko si Bea ang nakikita kong nakangiti! Hahaha pero baka memorya lang din nya ang namimiss ko. Hahaha miss nga ba? Tsk! Naguguluhan na ako!!

Ano kayang balak ni grandda?

Biglaan naman sa pag-uwi.

Friday pa lang ngayon so marami pa akong araw para makapag-handa.

Habang nag-iisip ng pwedeng magawa ngayong hapon, di ko napansin na kinapa ko pala yung leeg ko at naramdaman ko yung kwintas ko kung saan dating nakasabit yung singsing ni lola.

Di nya pa pala naibabalik sa akin yung singsing ni lola.

Hay grandma safe naman yun sa kanya, pwera lang kung sa katangahan nya mawala yun, clumsy pa naman.

Napatawa na lang ako bigla.

Na-imagine ko kasi na pinipilit nya pa ring tanggalin yung singsing, parang mahal na sya nun at ayaw patanggal eh. Naalala ko kung gaano kadali naisuot yun sa kanya ang sya namang hirap tanggalin hahahahahahaha.

"Kailangan ko na bang tumawag ng ambulansya?"

"Huh?" Natigil ako sa pag-iisip ng biglang magsalita si Ned.

"Kasi kanina ka pa nakangisi dyan tapos tawa ng tawa, nababaliw ka na ata. Bat ka pala tumatawa? Share naman dyan, kababasted lang sa akin baka matawa naman ako. Puh-lesh!" Tapos nagkunwaring nagmamaka-awang ewan.

"Aminin mo Ned, bakla ka ba? I mean okay lang kung bakla ka pero sana naman wag kang magsesekreto."

"G*go ka! Tang*na mo!"

"Hoy wag mong idamay si mommy dito!!! Ta3 kang g*go ka!"

"Ikaw naman kasi nangunguna."

"Ako pa talaga, ikaw dyan nagmumukhang ewan dyan may pa 'puh-lesh, puh-lesh' ka pa."

"Ah ako pa ang mukhang ewan eh ikaw mukhang engot! Tumatawa mag-isa, baliw!!!"

"Tsss parang bata!"

"Ano na kasi?"

"Wala, may naalala lang ako."

 Handsome and the BEA.S.T. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon