Dedicated to qwertyktln Thanks for reading and voting my story bhe.😊
**KYLA MAE POV**
Nasa labas na ako ng gate ngayon, nagdadalawang-isip na papasok at naging apat na. Okay, alam kong 'di nakakatawa. Haist!
Honestly, nagdadalawang-isip talaga ako kung papasok ako. Kasi naman, baka pagpasok ko ng classroom, sasalubungin ako ng kamao nina kuya. Nakakatakot pa naman sila dahil ang lalaking katawan. Except Ryan, payatot 'yon eh. Waahh! Bahala na, papasok na ako. Baka mapagkamalan pa akong baliw dito kung 'di pa ako papasok, imbes na sa school ako papasok. Baka sa mental hospital na.
Nakayuko lang akong naglalakad sa pathway, kasi baka nandiyan lang sila pati ibang members nila kaya ayaw kong tumingin kahit saan.
"HOY!"
Napatalon pa ako nang may sumigaw sa right side ko. Kaya tiningnan ko ito ng masama.
"Ba't ka ba sumigaw sa tabi ko?" singhal ko dito. Naalala ko 'to, ito 'yong sinapak ko no'n sa quadrangle.
"PAKIALAM MO BA?" sigaw na naman niya kaya lalong sumama tingin ko sa kanya at sinuntok siya sa tiyan.
"ARGH! SHIT KA!" sigaw niya habang namimilipit sa sakit. Sinampal ko naman siya ngayon.
"Siraulo ka ba? Gago ka ah! 'Di naman kita inaano diyan sinisigawan mo ako at minumura pa! GAGO!" sabay talikod pagkatapos kong maglitanya sa kanya.
Tiningnan ko naman ng masama ang mga estudyante sa paligid.
"Anong tinitingin niyo diyan? Pakulam ko kayo eh!" ayun! Nagsipagyukuan at umalis naman ang iba. Anong akala nila, tatahimik ako? Kung noong bata pa ako, nabubully ako, ngayon hindi na. Pagod na ako sa pagpapakumbaba, ayaw ko nang maulit 'yong dati.
Dumiretso ako sa classroom saka ibinagsak ang bag sa upuan saka lumabas ulit at pumunta sa likod ng classroom.
I sat down on the rock and heaved a sigh. Naalala ko na naman 'yong nangyari noong bata pa ako.
---
^Flashback^
Kakauwi ko lang galing school. Grade 4 na ako ngayon, so 10 years old na ako. Nagbihis agad ako ng damit-pambahay saka kumain. Nakasanayan ko na kasing kumain pagdating ng bahay.
Pagkatapos kumain, nagsaing ako at saka naghugas ng pinggan. Pinagsabay ko na. Pinakain ko na ang mga alaga naming manok. Marami kaming manok. Saka Province 'tong lugar namin at nasa malapit na bundok kaya marami kaming alagang hayop.
Kaming magkapatid, may alagang manok, ako 'yong may pinakamaraming alaga kasi inaalagaan ko talaga ng mabuti saka kinakausap ko pa sila.
Iyong ate ko? Ayun, nasa kwarto niya, baka gumagawa ng love letter. 'Di naman kami magkasundo noon eh, lagi pa nga akong sinasaktan. Siya ang pinakaunang nanakit sa'kin kahit wala akong ginagawang masama sa kanya. Kahit na ako na halos lahat gumagawa ng mga gawaing-bahay kasi wala dito parents namin, nasa farm nila. Kaya kapag nagtatalo kami, ako lagi ang napapasama kasi magsusumbong agad na ako raw ang nag-umpisa. Ang tamad-tamad ko raw, siya raw ang gumagawa ng mga gawaing-bahay. Haist!
"Hala! Huwag 'yang sisiw!" sigaw ko sa isang inahing manok. Paano ba naman, hinabol niya 'yong sisiw kaya hinabol ko rin. Ayon, naghahabulan kami.
Medyo malayo na napuntahan ko kasi di ko mahuli-huli ang sisiw.
"ATE!" sigaw ko sa ate kong prinsesa.
"ANO?"
"PAKITINGNAN ANG SINAING, BAKA MASUNOG!" sigaw ko na naman habang tinitingnan ang damuhan kung saan sumuot ang sisiw.
"BAHALA KA DIYAN SA BUHAY MO! TINGNAN MO MAG-ISA!" sigaw din niya. Bweset! Para tingnan lang, 'di pa magawa. Kainis!
"SIGE NA KASI! HINAHABOL KO PA 'TONG SISIW MO, BAKA 'DI NA MAKAUWI!"
'Di ko na siya hinintay na sumagot, hinabol ko nalang ulit iyong sisiw.
Mga 5 minutes din akong naghahabol kasi ang hirap eh. Marami pang malalagong damo kaya nahihirapan ako.
Pag-uwi ko, nandito na parents namin at nagmano naman ako sa kanila."SAAN KA BA GALING KYLA MAE? KUNG SAAN-SAAN KA PUMUPUNTA! NASUNOG 'YONG SINAING MO, NAPAKATANGA MO TALAGA! WALA KA TALAGANG KWENTA!" sigaw ni tatay sa'kin. Nagulat naman ako sa pagsigaw niya at medyo naiiyak na.
"Kasi tay, hinabol ko pa yung sisiw eh." Mahinang sagot ko at yumuko.
"HINABOL? ALAM MO NAMANG MAY SINAING KA, INUNA MO PA 'YONG MGA SISIW!"
"Sinabi ko naman aky Ate Wendy eh." katwiran ko saka tumingin kay ate.
Bahagya pa itong ngumisi."Anong sinabi?! Alam mong may ginagawa ako!" singhal din niya sa'kin.
"WALA KA TALAGANG KWENTA! ANG TAMAD-TAMAD MO PA, 'YAN LANG GINAWA MO, ANG MAGSAING AT MAGHABOL NG SISIW! MAS MABUTI PANG LUMAYAS KA NA DAHIL WALA KANG KWENTA!" galit na sigaw ni tatay saka pumunta sa kusina.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko, tuloy-tuloy na sa pag-agos.
"ANO BA NOEL! SINISIGAWAN MO NA AGAD ANG BATA! 'DI MO NAMAN ALAM ANG TOTOO, BAGO KA MAGALIT, PAKINGGAN MO MUNA ANG PANIG NG ISA!" sigaw ni nanay kay tatay habang sinusundan ito.
"Bakit ate? Ano bang ginawa mo? 'Di ba nagsusulat lang naman ng love letter?" galit na sabi ko sa ate ko saka tumakbo palabas ng bahay.
Wala pala akong kwenta, mas mabuti pala na lumayas na ako. Ako na nga ang gumawa ng gawaing-bahay, ako pa ang walang kwenta. Kay ate naman 'yong sisiw na hinabol ko ah? Ako na nga rin ang nagpapakain ng mga manok niya imbes na siya ang gagawa no'n. Bakit ba gano'n si tatay?
Mula pa noon, ayaw na niya sa'kin. Kahit wala akong kasalanan, pinapagalitan ako. Si ate nalang palagi ang kinakampihan, si ate nalang palagi ang mabuti, si ate nalang palagi ang mabait at masipag. Paano naman ako? Ginagawa ko naman lahat ah? Kahit kailan, 'di niya ako sinabihan na proud siya sa'kin, na mahal niya ako. Pinapahiya pa niya ako sa harap ng maraming tao. Bakit ka ganyan tatay? Anak mo ba talaga ako? Mas mabuti pa kung 'di niyo talaga ako anak, mas tanggap ko pa kung bakit ganyan trato mo sa'kin. Sana nga 'di niyo nalang ako anak.
Nang sa gayon, maiintindihan ko kayo at mas madali kong matanggap kung bakit ganito ang turing niyo sa akin.
^Flashback ends^
---
Sumisikip na naman dibdib ko sa alaalang 'yon. Hanggang ngayon, 'di ko pa rin nakakalimutan lahat ng mga sinabi ni tatay. Nag-eecho pa nga ito sa utak ko eh. Hanggang ngayon, masama pa rin loob ko sa kanya pati sa ate ko. Lahat ng 'yon, 'di ko nakakalimutan. Nakatatak na sa puso't isip ko. 'Di na 'to mawawala.
---
Please do vote and comment your reactions. Thanks.
![](https://img.wattpad.com/cover/78226644-288-k79285.jpg)
BINABASA MO ANG
MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)
HumorHighest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! Love ya! 💙 Sabayan at samahan niyo akong mabaliw sa kalokohan ni KYLA MAE SERRANO. Ang babaeng di nauubusan ng kalokohan at kabaliwan na man...