*RYAN POV*
Isang buwan na ang lumipas mula no'ng iniwan kami ni Jayson.
Ang daming nagbago kahit isang buwan pa lang siyang nawala.Si Kyla, ang laki na ng pinagbago. Hindi na namin nakakausap at madalas siya nalang mag-isa. Ang dating masayahin, malakas tumawa, makulit at madaming alam na kalokohan. Nagiging isang babaeng tahimik.
Kapag kakausapin mo, 'di sumasagot pero kung ang pwedeng isagot ay oo o hindi. Tatanguan lamang kami kapag oo at iiling kapag hindi.
Ang paborito niyang tambayan ang malaking bato sa likuran ng library.
Doon niya binubuhos lahat ng kanyang sakit na nararamdaman. Doon namin siya pinagmamasdang umiiyak. Doon namin siya naririnig na parang kinakausap niya ang kuya niya.
Palihim namin siyang sinusundan. Dahil ayaw niyang nakikita namin siyang nahihirapan. Ayaw niya na damayan namin siya.
Masakit.
Masakit na makikita naming nahihirapan si Kyla. Pero wala kaming magagawa. Wala kaming alam kung paano siya icomfort. Kasi alam namin, kahit anong gawin namin hindi mawawala ang sakit na nararamdaman niya. Tanging ang kanyang kuya lamang ang kailangan niya.
Kahit si Melvin, 'di niya kinakausap pero hindi naman ito iniiwan ni Melvin. Naaawa ako sa kanya, kay Tol Jake at sa parents nila. Si tita, nanghihina. Walang ganang kumain kahit si tito 'di rin niya kinakausap.
Kaming mga lalaki, pinipilit magpakatatag para sa mga babaeng mahal namin."Sa'n ka pupunta tol?" tanong ko kay Jake nang tumayo na ito. Tumingin lang ito sa'kin na blangko ang expression bago sumagot.
"Sa labas lang." matipid nitong sagot at tuluyan nang umalis. Tumango lang ako kahit hindi na niya makita at nagkatinginan kami ni Philip.
"Nahihirapan na ako sa sitwasyon natin. 'Di ko alam kung paano sila pasasayahin." matamlay kong sabi. Tila kinukurot ang dibdib ko. Nasasaktan din ako sa pagkawala ni Jason pero hindi ko pinapakita.
Kailangan magpakatatag eh. Hindi pwedeng manghina kaming lahat. Mas kailangan kami nina Jake at Kyla. Kaya hangga't kaya ko, gagawin ko ang lahat para mapasaya sila.
"Me too. Nahihirapan na din ako. Pero hayaan muna natin sila, ang gawin natin ngayon bantayan at protektahan sila. Lalo na si Kyla. Mas kailangan niya tayo ngayon." sagot ni Philip kaya napatango naman ako.
"I miss her. I miss her voice." -l napalingon naman ako sa babaeng biglang nagsalita at umupo sa tabi ko.
It's Jeralyn.
"Me too. I miss her. Namiss ko 'yong pagiging strict niya." sabi naman ni Jeline at umupo sa tabi ni Jeralyn. Ang laki na ng pinagbago ng dalawang ito. Kahit hindi nawala pagiging maarte nila, pero bumait na. Hindi na bully at pa-bitch.
"Sino bang hindi nakakamiss sa kanya?Sino bang hindi nakakamiss sa nag-iisang babaeng nagbibigay ng saya at ingay dito sa ating classroom? Hindi lang dito kundi sa labas o sa lahat. Ang nag-iisang babaeng nagpapaalis ng lungkot." napatingin kaming apat sa babaeng kakarating lang. Tumayo naman ako at sinalubong siya.
"Babe." I greeted her and kiss her forehead. Ngumiti lang ito ng tipid. Even my girlfriend, affected sa lahat ng nangyari. Sa pagbabago ni Kyla. Maliban kasi kay Jane, my girlfriend is her close friend.
"Maybe we can do something to make her happy. Kahit one day lang." napatingin naman kami kay Jeralyn.
Iginiya ko si Marga sa isang upuan na nasa right side ko at pinaupo.
BINABASA MO ANG
MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)
HumorHighest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! Love ya! 💙 Sabayan at samahan niyo akong mabaliw sa kalokohan ni KYLA MAE SERRANO. Ang babaeng di nauubusan ng kalokohan at kabaliwan na man...