----**KYLA POV
Nakasimangot lang ako habang kinakalikot ang phone ko. Nagtext nga si Baron pangit.
"Hala! 10 messages. Huhuhu! May pasok na 'yon ngayon. Naku! Magtatampo 'yon. Haist!" Bulong ko habang binabasa messages niya.
**From Heart**
Good morning sweet.
--
**From Heart
Sweet, di kita macontact. Bakit naka-off phone mo?
--
**From Heart
Sweet, ano ba?! Nakakainis na ha?!
--
"Waah! Naiinis na siya. Huhuhu!"
"Oy sorry na!"
"Ahy kabayo ka!" Sigaw ko nang may nagsalita sa tabi ko at sinundot pa tagiliran ko.
"Ano ba?! Ba't ka nanggugulat?!" Inis kong tanong dito. Naiiyak na nga ako kasi naiinis si Baron, tapos gugulatin pa ako.
Nagtataka kayo, bakit Heart ang nakasave na name niya ano? Kasi ganito 'yon, sweetheart tawag niya sa'kin tapos sabi ko 'wag na sweetheart. Sweet nalang tapos ako tatawag sa kaniya ng Heart. Oh diba?
"Sorry na kasi Kyla. Nagbibiro lang naman ako." Imik ng taong-Kulay sa left side ko. 'Di pa pala 'to umalis? Lumingon ako sa likuran ko, nando'n din ang bestfriend ko at 'yong tatlo pang taong-kulay.
"Sorry mong mukha mo. 'Di tayo bati." 'Di ko na hinayaan na sumagot si kuya Itim kasi tinakbo ko ang bestfriend ko saka hinila palayo sa kanila. Narinig ko pa siya na tinawag ang pangalan ko.
"Kyla naman!" Nilingon ko lang 'to saka binelatan.
"Sira ka talaga best. Takbo ka nang takbo eh bawal sa'yo mapagod." Hinihingal na sabi ni bestfriend.
"Ang saya kaya. Saka ayaw ko kausapin ang mga taong-kulay na 'yon. Nang-aasar eh." sagot ko ng nakangiti saka inaayos ang bag.
"Akala talaga nila galit ka. Hahaha!"
"Hayaan na 'yon. Hindi naman ako galit, naiiyak lang ako. Kasi naiinis si Baron pangit."
"Sira! Magpaliwanag ka nalang. I'm sure, maiintindihan naman niya 'yon." Pampalakas-loob nito sabay himas sa likod ko. Eh, 'di naman ako umiiyak.
"Talaga? Matext nga. Hihihi!"
---
**To Heart
Heart, hihihi. Bati tayo ha? Wag ka na mainis. Ni-off ko kasi phone ko kasi bawal gumamit ng phone. Baka mapagalitan ako. Huhuhu! Wag ka na magalit Heart ha?,Behave kaya ako dito. Hihihi.
Sent.
---
Ayun! Sana 'di talaga siya nagalit.
Si Baron nga pala, boyfriend ko 'yon. Hindi si Baron Geisler ha? Kasi adik 'yon, 'di naman adik boyfriend ko. Last April lang naging kami. Sabi nila, gwapo raw. Pero parang hindi naman, joke lang. Gwapo kaya 'yon, kamukha ni Gerald Anderson. Iyon ang sabi nila.
Sobrang sweet niya, kaya lang panira lagi ex niya. Inaaway ako. Tapos kapag nagkakasalubong kami, umiirap. Sarap dukutin ng mata niya, 'di naman siya kagandahan. Kamukha nga niya 'yong alaga nilang unggoy eh. Siguro nga, kapatid niya 'yon. Hala! Baka nga magkapatid sila? Waah!
BINABASA MO ANG
MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)
HumorHighest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! Love ya! 💙 Sabayan at samahan niyo akong mabaliw sa kalokohan ni KYLA MAE SERRANO. Ang babaeng di nauubusan ng kalokohan at kabaliwan na man...