---
*MELVIN POV
"Ang tatanga ng mga 'to! Saan ba utak nila?!" based on her facial expression.
Totoong naiinis na ito kaya nilapitan ko siya at hinawakan ko noo niya at minassage. Bigla naman siyang napaangat ng ulo at tumingin sa'kin saka ko siya nginitian.
"Akala ko kung sino, sasapakin ko sana." Natatawa niyang saad kaya natawa rin ako at umupo sa tabi niya.
"Ano bang kinaiinisan mo diyan?" tanong ko at tiningnan ang phone niya.
"Eh kasi itong mga 'to! Parang walang mga utak!" naiinis na naman niyang sabi kaya kinuha ko cellphone niya at binasa.
Napapailing nalang ako sa nabasa ko. Tungkol pala ito sa pagpapalibing kay Marcos eh.
"Hindi ba nila naisip? Na hindi lang 'yon libingan ng mga BAYANI? Libingan din 'yon ng mga PRESIDENTE! Kaya may karapatan si Marcos na ilibing do'n! Argh!Naturingang matatalino pero pagdating diyan! Ang bobobo!"
"Relax! Ano ka ba! Hayaan mo na mga 'yan." natatawa kong awat sa kanya. Talagang pinagdiinan ang bayani at presidente eh.
"Hindi eh! Gulo gusto nila eh! Dami na ngang problema ang Pilipinas, dumagdag pa sila! Gusto yata ng ibang netizens na sila ang ilibing diyan!"
"Hahahaha!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napahagalpak na ako ng tawa sa huling sinabi niya.
Seryoso na pero hinaluan ng kalokohan. Wala na talagang pag-asa na titino itong Kyla Mae na 'to. Hahaha!
"Kainis ka naman eh! Pinagtatawanan mo ako eh!" naaasar nitong sabi at sinimangutan pa ako kaya ginulo ko buhok niya.
"Eh paano ba naman. Akala ko seryoso ka na, 'yon pala may halo pa ring kalokohan."
"Totoo naman eh! Bakit sila umaangal? Patay na nga 'yon eh! Hindi ba sila naaawa sa kaluluwa no'n? Tiyak nabibingi na 'yon!"
"Hahaha! Hayaan mo na, sila lang naman ang mumultuhin." Natawa ito sa isinagot ko at nahampas pa ako sa balikat.
Kalokohan talaga ng babaeng ito. Hindi nauubusan ng kalokohan. Minsan naiisip ko, kung paano sila naging magkapatid ni Jackson. Seryoso at strikto iyong isa pero siya, napakaingay, makulit, daming kalokohan at magulo. But I love it. Mas lalo ko siyang minahal sa mga kalokohan niya, hindi siya nahihiya ipakita ang totoong siya.
Napaka-natural. Napakatotoo. Unlike the other girls, na puro kaartehan at kaplastikan ang nalalaman. Puro salamin ang hawak at lipstick, pero siya minsan ko lang makitang magsuklay, minsan lang nagpupulbo at minsan lang naglalagay ng lipgloss.
"Mae?" pag-aagaw ko ng pansin niya. Nagfefacebook kasi habang ako nakatitig lang sa kanya. We are here at their house. Her kuya's house.
"Yes?" sagot niya na 'di nakatingin sa'kin kaya napangisi ako.
"Yes? So, tayo na?" nakangisi kong tanong.
"Anong tayo na? Saan tayo pupunta?"
"Hahaha! Wala! Halika nga." sagot ko at hinawakan ang kanang kamay niya sabay hila patayo.
"Bakit? Where are we going?" tanong niya pero nagpahila naman.
"To the Disneyland!" sigaw ko at ginaya iyong sa Dora the Explorer.
"Aww!"
"Loko! Ano ka si Diego at ako si Dora?Hahaha!"
"Niloloko ka lang eh. Makabatok naman." reklamo ko at hinihimas ang ulo. Napakasadista talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/78226644-288-k79285.jpg)
BINABASA MO ANG
MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)
HumorHighest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! Love ya! 💙 Sabayan at samahan niyo akong mabaliw sa kalokohan ni KYLA MAE SERRANO. Ang babaeng di nauubusan ng kalokohan at kabaliwan na man...