---*KYLA POV*
"JELINE!" sigaw ko kay Jeline nang palabas na sila ni Jeralyn ng classroom. Lumingon naman siya at tinaasan ako ng kilay. Binelatan ko naman bago ako lumapit.
"Anong gusto mong gift? Ahas kasi naisip ko eh, kaya lang, naisip ko rin na baka dumami kayo dito. So, huwag nalang. Ano gusto mo?" nakangisi kong tanong. Wala talaga kasi akong maisip eh.
"You're so stupid. Bakit mo sinabi? 'Di mo ba alam 'yong word na surprise?" naiinis niyang tanong sabay irap.
"Alam ko. Pero hindi ka naman special. Bakit kita isusurprise?" nakangisi kong sagot na lalong nagpainis sa kanya.
"Argh! Kahit kailan talaga kontrabida ka!Araw-araw mo nalang ako binibweset!" nagpapadyak pa siya ng paa.
"Hindi kaya araw-araw. So, ano nga? May naisip ka Jeralyn?" baling ko kay Jeralyn na nakikinig lang.
"Ahy wait! Wala ka palang isip." bawi ko saka ngumiti ng nakakaasar."Sasampalin na talaga kita Kyla Mae." naiinis din niyang sabi sa'kin at ang sama ng tingin sa akin.
"Ginagawa 'yan, hindi sinasabi." sagot ko saka siya inirapan.
"Ah! Alam ko na!" sigaw ko at nakaturo ang pointy finger ko sa itaas. Pero natawa ako nang napatalon ang dalawa na nasa harapan ko.
"What?!"
"Two tickets. Two tickets for a vacation in Baguio with Fluffy. Watcha think?" masaya kong sagot sa kanya at niyuyugyog pa siya. Napasimangot naman ako nang tinabig niya ako saka tinapunan ako ng masamang tingin.
"Argh! Nakakainis ka talaga! I really hate you!" sigaw niya saka nagmartsa paalis, sumunod naman sa kanya si Jeralyn na masama pa rin ang tingin sa'kin.
"What?! Ang ganda kaya no'n. 'Di ka pa no'n, makapagbakasyon ka. Kawawa ka kaya. Kung ayaw mo, eh di ahas nalang!" sigaw ko saka tumalikod upang kunin ang bag ko, para makauwi na din.
---
"Errr--best? Nakita mo sina Kuya Jake?" taka kong tanong kay Jane habang nililibot ang tingin sa buong silid. 'Di ko talaga sila mahanap.
"Naku best, kanina pa sila umalis eh. Hini ko natanong kung saan sila pupunta."
"Ah,okay." sagot ko nalang saka sumimangot. Ang daya nila, iniwan ako. Nagwawalis kasi ako kanina sa likod ng classroom kaya 'di ko namalayan na wala na pala sila dito. Lagot sa'kin mga 'yon mamaya lalo na 'yong Vintot na 'yon. Kainis!
"Ahm best, una na ako ha? Magdedate pa kami ni Ronald eh. Hehehe." kinikilig na paalam nito kaya nginitian ko naman siya bago sumagot.
"Landi mo best. Sige na, go! Humayo at magparami." natatawa kong sagot pero ang loka, hinampas ako sa balikat saka tumakbo palabas ng classroom kaya hinayaan ko nalang. Pabagsak akong umupo sa upuan ko saka kinalikot ang bag.
"Asan na ba 'yon?" bulong ko habang hinahalungkat ang laman ng bag ko. 'Di ko kasi mahanap ang phone ko. Wengya!Asan na ba kasi?
Oh wait! Hiniram pala 'yon ni Ryan kanina. Grrr! Umalis nang hi di nagpaalam tapos dinala pa phone ko. Masasakal ko na talaga mga 'yon. Kainis!
Sa inis ko, tumayo nalang ako at isinukbit ang bag sa balikat saka lumabas ng classroom.
"Bye classmates!" sigaw ko saka patakbong umalis ng classroom. Narinig ko pa na nag-bye din mga classmates ko na naiwan do'n.
Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa labas ng gate, wala kasi si Manong guard kaya tuloy-tuloy lang ako.
Feel ko maglakad ngayon kaya hindi na ako pumara ng tricy.I'm humming while walking, ang sarap sa feeling lalo pa't presko ang hangin kaya ginanahan akong maglakad ng mabagal. Nang hindi ko inaasahang may humarang na van sa daanan ko, dito sa bandang walang katao-tao.
Tinitigan ko ang van ng ilang seconds wala pang lumabas kaya nang hahakbang na ako para umalis, biglang may bumabang limang lalaki kaya naging alerto ako. They wearing a mask at nakahoodie pa.
Tinitigan ko sila ng masama at inayos ang bag sa likod ko para makakilos ako ng maayos.
Hmm, masaya 'to. Last week pa ako last nag-exercise. So, magandang exercise ito. 5 versus 1. Hindi na masama.
"Ikaw! Sumama ka sa'min!" anas ng isa na nakared shirt at mask na may nakalagay na BTS.
"Why would I? Close tayo?" nakairap kong sagot at handa na talagang umatake.
"Kayo! Dalhin niyo 'yan!" utos ng lalaking nakablue shirt at may print na Save me sa harapan nito.
Lumapit naman ang apat sa'kin at hahawakan na sana ako ng isa nang bigla kong hinawakan ang wrist niya ng mahigpit saka siya sinapak.
"Aww! Sakit!" daing niya habang nakahiga sa kalsada.
Sasapakin ko na sana ang isa pero biglang may nagtakip ng panyo sa ilong ko na nagmula sa likuran. May kakaiba itong amoy. Kaya bigla akong nahilo.
Shit! Nakafocus ako sa tatlong lumapit sa'kin, nakalimutan kong may dalawa pa. Leshe! Naisahan ako!
Pero bago ako nawalan ng malay, nahila ko pa ang buhok ng isang lalaki at narinig ko pa ang pagsigaw niya bago ako binalot ng kadiliman.
---
*SOMEONE POV*
Tiningnan ko ang phone ko nang magring ito.
"Hello." bungad ko sa taong tumawag.
"Boss, dala na namin siya." napangisi ako sa narinig.
"Sige, bilisan niyo." sagot ko.
"Pambihira! Sakit manuntok boss!" narinig kong sigaw ng isa sa mga inutusan ko kaya napasmirk naman ako.
I ended the call bago ko pa marinig ang ibang reklamo nila, masakit sa tenga. Nakakarindi! Parang hindi mga lalaki. I put my phone on my pocket at tiningnan ang paligid.
"Fresh air." nakangiti kong wika habang nilalanghap ang sariwang hangin na nagmula sa dagat. I'm here at the beach. Naghihintay sa mga tauhan ko na dala-dala ang babaeng pinadukot ko.
It would be a happy day. Just wait.
Napapangisi nalang ako sa mga naisip ko na mangyayari mamaya. Hmm, ano kaya magiging reaction niya?
Matutuwa kaya siya o magagalit?
---
Enjoy reading!
God bless you all.
- Ate Mae❤
![](https://img.wattpad.com/cover/78226644-288-k79285.jpg)
BINABASA MO ANG
MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)
HumorHighest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! Love ya! 💙 Sabayan at samahan niyo akong mabaliw sa kalokohan ni KYLA MAE SERRANO. Ang babaeng di nauubusan ng kalokohan at kabaliwan na man...