*THIRD PERSON POV*
Pagpasok ni Kyla o Jayca sa loob ng Detention Room. Napapalakpak ito sa kanyang nakita. Paanong hindi? Kung nando'n pa rin ang speaker sa loob ng Detention Room? Kaya nakaisip na naman ito ng kalokohan.
"I love you talaga, ma'am. Hindi niyo inalis ang speaker at microphone dito. Awee!" Masayang sabi nito at ni -lock ang pintuan.
Sana walang ibang madetention. Hehehe. bulong nito sa sarili at kumuha ng upuan saka umupo, inilabas ang cellphone at nagselfie.
Naglog-in sa facebook para maiupload ang picture nito.
**Caption: Chuchu! Hello ma'am! ^__^ Peace be with you. I love you and I love myself, too. Hihihi!
Here at Detention Room.^__^
"Hihihi! Upload completed. Wew!" Ibinalik nito sa bulsa ang kanyang cellphone at iginala ang mga mata sa loob.
"Hmm, ano kaya ang magandang gawin bago do'n sa finale? Hehehe." Itinatapik ang hintuturo sa chin nito at nag-isip.
---
*DAG UNDERGROUND*
"Ah! Pakawalan niyo ako! Ilabas niyo ako dito!" Sigaw ni Joy habang hinihila ang kamay. Pinipilit makawala sa mahigpit na kadena.
"Ano ba! Ilabas niyo ako dito! Mga leshe kayo! Kapag makakawala ako, gagantihan ko kayong lahat!" Patuloy na sigaw ng dalaga at hinihila pa rin ang kamay.
Hindi nito alam na may mga nanonood sa kanya at nagtatawanan. Hindi alam ng dalaga na may hidden camera at maliit na speaker ang nakalagay sa kwarto niya kaya kitang-kita at rinig na rinig siya.
Habang ito nagwawala, ang ama naman nito. Tahimik. Sobrang payat na nito, may tumubo na ring balbas at bigote. Humpak na ang mukha katulad ng anak nitong si Joy. Oo nga, pinapadalhan ang mga ito ng pagkain ngunit 'di naman kumakain o 'di kaya kapag kakain, kokonti lang.
Kabilin-bilinan kasi ni Master K na padalhan palagi ng pagkain ngunit ito na mismo ang 'di kumakain.
"Ang tanga nito! Paano kaya 'yan makakalabas diyan? Hahaha! Maswerte nalang siya kung bubuhayin pa siya ni Master K." Black Rose said while laughing.
Nakasmirk naman si Thunder Lady while others grinning na parang mga baliw. Lalo na si Red Butterfly, nagmukhang baliw na.
"Assuming kasi! Tsk! Papakainin ko kaya siya ng sili? Ano sa tingin niyo?" Inosenteng tanong ni Storm. Umiral na naman kabaliwan nito. Nahawa na ng tuluyan sa kanilang master.
"Huwag sili, magkakaalmoranas siya. Dapat kamote. Iyong sobrang daming nilagang kamote tapos lagyan ng star margarine." Sabi naman ni Jaguar Paw.
"Ahy mga baliw talaga kayo! Hindi 'yon! Dapat ang pinapakain sa kanya, iyong sobrang asim na mangga tapos ang inumin niya 'yong coconut vinegar. Hindi ba? Ang sarap no'n?! Yey!" Sabi naman ni Red Butterfly at pumapalakpak pa.
BINABASA MO ANG
MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)
HumorHighest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! Love ya! 💙 Sabayan at samahan niyo akong mabaliw sa kalokohan ni KYLA MAE SERRANO. Ang babaeng di nauubusan ng kalokohan at kabaliwan na man...