---
*KYLA POV*
"Good morning World!" sigaw ko nang magising ako at nag-inat.
Napangiti ako ng matamis nang maalala ko na nandito na pala ako sa bahay namin. Totoong bahay ko, kasama ang tunay kong pamilya.
Sinadya daw nila mama na may extrang kwarto dito, kasi umaasa pa daw sila na babalik pa ako. Na buhay pa ako. And thanks God! Buhay pa nga ako. Sobrang saya ko kasi unti-unting bumabalik sa'kin mga ala-ala ko. Mula no'ng nakita ko mga pictures namin at mga pictures ko, may nagpaflash sa utak ko na mga scenes.
Thanksgiving Party mamaya, my friends and my kuya's friends are invited. Even Ate Joy. Ako pa ang humiling sa kanila na iinvite siya, kasi ayaw talaga nila. Lalo na ng mga kuya ko, galit na galit sila dito.
But I want to meet her. Gusto ko ipakita sa kanya na buhay ako. Buhay na buhay. Na hindi siya nagtagumpay na mawala ako.
Hindi pa alam ng mga kamag-anak namin na buhay pa ako. Kasi medyo malayo bahay nila, lumayo sina mama at papa sa kanila pero nanatili sila dito sa Mindanao, nang dahil sa'kin.
I am so lucky na sila ang parents ko. Kasi kahit matagal na akong nawala, hindi pa rin sila sumusuko. Hindi pa rin sila tumigil sa kakahanap sa'kin. 'Di pa rin sila nawalan ng pag-asa na makita ako ulit.
Sobrang bait ng parents ko, kaya hindi sila binigo ni God. Binigyan ako ng pangalawang pagkakataon na mabuhay at makasama ang mga magulang ko.
Kung maswerte sila, mas maswerte ako dahil sila ang parents ko. 'Di ako magsasawang magpasalamat sa Panginoon sa pangalawang buhay na binigay niya. Habang-buhay akong magpapasalamat. Hangga't nabubuhay ako, 'di ako titigil sa pagpapasalamat sa kanya. Napakadakila niya, 'di niya kami pinabayaan.
"Baby sis, labas na!" rinig kong tawag ni Kuya Jake kaya napangiti ako. Nandito na talaga ako sa bahay namin.
"Opo, lalabas na po!" sigaw ko at kinuha ang tali ng buhok ko na nasa mesa na tabi ng kama ko. Itinali ko kaagad buhok ko saka tumayo at inayos ang higaan.
Nagsuot muna ako ng slippers bago patakbong lumabas ng kwarto."Good morning everyone!" masiglang sigaw ko na naka-open arms. Sabay naman silang tumingin sa'kin at ngumiti.
"Good morning angel!" sabay na sagot nila at lumapit sa'kin. Patalon kong niyakap si Kuya Jake kasi siya ang mas malapit sa'kin.
"Oops!" tawang sabi niya at inikot pa ako. Hihihi!
Ang saya at ang sarap sa pakiramdam na may kuya ka. Dati, naiinggit ako sa mga classmates ko kapag may kuya. Pero ngayon. Kasama ko na mga kuya ko.
"Naku! Ang gaan-gaan mo, kahit na ang takaw mo." natatawang sabi ni kuya kaya napasimangot nalang ako.
"Grabe si kuya. 'Di naman ako matakaw ah?!" reklamo ko sa kanya. Tumawa pang sila at inakbayan ako ni Kuya Jason.
"Hindi ka nga matakaw Baby Angel, pero kung makakain ka. Nakadalawang plato ka ng kanin. Naku!" sabay gulo ng buhok ko. Lalo naman akong napasimangot.
"Papa oh!" pagsusumbong ko saka pumagitna sa kanila ni mama.
"Naku! Tama na 'yan. Kain na tayo." natatawang saway ni mama sa'min. Kaya nagpaunahan naman kaming tatlo sa paglapit sa mesa at umupo.
"Basta pagkain, 'di talaga matatalo iyong iba diyan." pagpaparinig ni Kuya Jason.
"Ano ka ba tol, pagkain eh. Masarap kaya kumain. Pero nagtataka nga ako, 'di pa rin ako tumataba." panggagatong naman ni Kuya Jake.
BINABASA MO ANG
MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)
HumorHighest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! Love ya! 💙 Sabayan at samahan niyo akong mabaliw sa kalokohan ni KYLA MAE SERRANO. Ang babaeng di nauubusan ng kalokohan at kabaliwan na man...