Chapter 30

6K 219 62
                                    

*Helloooo! Mag-aupdate ako today kasi dalawang araw akong mawawala eh. Punta kaming beach, kaya babawi ako. And pagbalik namin, mag-aupdate agad ako kahit walang magbabasa. Matigas ulo ko eh at makapal ang mukha kaya mag-aupdate pa rin ako. Hahaha!

---

*JAKE POV

SHIT! Paano niya nagawa 'yon? From angelic to demonic? Si Kyla pa ba 'tong nasa harapan namin? Bakit parang nag-iba? Bakit kinikilabutan ako sa mga salitang lumalabas sa bibig niya? 'Di kaya, Nno! Paano? 'Di siya pwede, kung tama man yung naisip ko. Hindi siya pwedeng mapagod o ma-stress dahil sa sakit niya. May sakit siya, pero paano niya nagawa 'to? Bakit parang naging iba na siya? Bakit wala na yung Kyla na kung kumilos at magsalita parang anghel? Bakit naging nakakatakot na ang Kyla ngayon?
Kami ba ang dahilan? Kami ba ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan? Kung bakit nag-iba na siya?

Bigla akong napaupo sa upuan na nasa likuran ko at napahilamos. Umalis siya pero 'di namin magawang sundan. Nanghihina ako, 'di ako makakilos sa nasaksihan ko. Hindi ko akalain na mapapatulog niya si Jeline sa isang suntok lang. At hindi na makatayo si Jeralyn sa isang sipa lang?
Iyan ba ang tunay na Kyla? Iyong dating Kyla ba o yung kilala naming Kyla ay nagpapanggap lang?

Pero imposible. May sakit talaga siya eh! Pero paanong nagawa niya yun?

"Jeline!" napaigtad ako sa biglaang pagsigaw ni Jeralyn. Wala man lang lumapit sa kanila ni Jeline. Walang tumulong dahil sa ugali nilang dalawa. Lahat ng classmates namin, binubully nila lalo na mga babae.

"Ano ba! Bakit 'di man lang kayo tumulong?! Tumawag kayo ng ambulance!" sigaw na naman niya. Naghehesterikal na ito.

"Tumawag ka mag-isa! Kayo naman may kasalanan kung bakit nangyari sa inyo yan!" sagot ni Benj dito saka lumabas ng classroom. Sumunod naman ang ibang classmates namin.

"Jane!" napatingin naman sa'kin si Mary Jane na namumutla at pinapakalma ni Ronald.
Lumapit ako sa kanila.

"Pa-paano? Paano niya nagawa yun?" nauutal kong tanong.

"Hindi ko alam kuya. 'Di ko alam. Minsan nalang din kasi kami mag-usap eh. 'Di tulad dati na kahit gabi, nag-uusap kami sa phone pe-pero ngayon, hindi na kuya. Kapag tatawag ako, magpapaalam agad siya kasi may importante raw siyang gagawin. Kaya hindi ko alam. Hindi ko talaga alam." mahabang sagot ni Jane at umiiling pa.

"Kuya, kausapin niyo siya. May hinala ako, pero baka mali. But you need to talk to her, please? Baka mapahamak lang siya kung sumali siya sa gang." dugtong niya at hininaan ang boses sa huling salitang binitiwan niya.

"Iyan din hinala ko." sabat ni Ryan na nasa likuran ko.

"Tayo ba ang nagtulak sa kanya para sumali?" mahinang tanong ni Melvin.

"Tayo nga. Nakikita natin siya na katulad pa rin ng dating ugali niya pero 'di natin maikakaila na may nagbago sa kanya." Wika ni Philip.

"Shit! Ang tanga kasi natin!" inis na sabat ni Ryan at sinabunutan ang sarili. Nahihirapan akong hulaan. Baka nga tama ang hinala namin pero 'di naman pwede yun.

"May sakit siya. Bawal sa kanya yun." walang emosyong sagot ko.

"Shit! Kailangan natin siyang hanapin at makausap. Lalo siyang mapapahamak eh!" sinundan nalang namin si Melvin pagkatapos niyang magsalita. 'Di na ako nakapagpaalam kay Mary Jane dahil sa daming iniisip ko.

Walang nagsasalita ni isa sa amin habang naglalakad. Kailangan namin siyang mahanap, kailangan namin malaman ang totoo. Imposibleng pinayagan siya ni Jack. Si Jack, 'di na namin nakausap. We know, he's mad. Dahil sa ginawa namin kay Kyla. Pati si Marga, 'di kami kinakausap noon pero no'ng pinaliwanag ni Ryan sa kanya, nakatanggap kami ng sapak galing sa kanya. Imbes na mainis ako sa kanya, natawa pa ako kasi ke-babaeng tao, ang lakas manapak.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon