Chapter 74: Ordinary Song

6K 136 54
                                    

---

"Diyan, diyan niyo ilagay 'yan. Pakiayos naman!" natatarantang mando ni Marga sa mga kalalakihan.

"Babe, relax! Ano ka ba, okay na 'yan." pampakalma nang boyfriend nitong si Ryan.

Napahilot naman sa sentido si Marga at sinamaan ng tingin ang isang lalaki na nasa isang sulok na napapakamot sa kanyang ulo.

"Kasalanan mo 'to eh! Hindi inayos!" galit nitong sabi at lalong sinamaan ng tingin ang lalakig nakangiti.

"Oh babe, hayaan na 'yan." awat ni Ryan at hinahaplos ang buhok ng dalaga. "Magiging maayos din ang lahat.

"Melvin!" tawag nito sa lalaking naatutok sa cellphone na 'di mapakali. Lumingon naman ito kay Marga pero 'di sumagot. "Pwede ko bang masapak 'yang lalaking 'yan?" sabay turo sa lalaki.

"Later." Matamlay nitong sagot na ikinalaki nang mata nang lalaki at si Marga naman ay ngumisi ng malawak. Hinahaplos naman ni Marga ang kanyang kamao at ipinakita sa lalaking natataranta.

"Oy oy oy! Marga, mas matanda pa ako sa'yo ha? Saka sinunod ko lang naman ang inutos sa'kin!" hindi magkandatuto nitong depensa sa sarili. Napatigil naman si Marga sa narinig.

"Utos? Hindi 'yon ang utos sa iyo!" sigaw nito sa lalaki.

"Iyon ang utos ni--"

"Ah babe, halika nga muna. Doon muna tayo. Pahinga lang tayo." kalmang singit ni Ryan sa usapan ng dalawa. Pero umiiwas lang talaga ito sa topic.

"Sandali nga lang. Sino?" kalma na nitong tanong. Sinulyapan naman ng lalaki ang katabi ni Marga at tumingin ulit kay Marga. "Sino? Sasagot ka o bubugbugin kita rito mismo sa harap nila?" dugtong nito na nagpipigil na ng inis.

"Sina T---"

"Ah babe, mamaya na 'yan. Magmeryenda ka muna do'n." sabay hila ni Ryan kmay Marga.

"Manahimik ka nga! Alam mong may tinatanong ako. Magmeryenda ka do'n." asar na taboy nito sa lalaki.

Nang akmang sasagot na ang lalaking kausap ni Marga, umiiling naman sina Travis at Ryan sa likuran ni Marga na tila nagmamakaawa sa lalaki na huwag sabihin ang gusto nitong malaman. Ngumisi naman ng bahagya ang lalaki.

Damay-damay na 'to. Hahaha! saisip nito kaya sinabi na nito ang mga salitang nagpalaki ng mga mata nina Travis at Ryan.

"Sina Ryan at Travis. Sila may utos no'n." Mabilis na sinabi nang lalaki at mabilis na tumakbo papunta kay Lorraine.

"Ano?" gulat na tanong ni Marga at dahan-dahang nilingon ang dalawa sa kanyang likuran na humanda nang tumakbo.

"Where do you think you're going?" nakapamewang na tanong nito sa dalawa. Nakatalikod na ito kaya dahan-dahang lumingon ang mga ito na kinakabahang ngumiti.

"Ah hehehe. Babe, magsi-cr lang ako. Ewan kay Travis kung saan siya pupunta. Hehehe."

"Stay." matigas na sabi nito na ikinaputla ni Ryan. Alam niyang galit ang kanyang girlfriend.

"Ah, hehehe. Ikaw lang--"

"And you also Travis!" masamang tingin na ang ipinukol nito sa dalawa at mabilis na nilapitan.

Piningot niya ang dalawa sa tenga habang hinihila papunta sa isang cottage.

"Aww babe! Masakit!" sigaw ni Ryan kaya lalong nilakasan ng girlfriend nito ang pagkakapingot.

"Marga, masakit! Bitaw!" sigaw din ni Travis.

"Hindi na talaga kayo natuto! Ilang beses na kayong pinagsasabihan na umayos kayo! Ang tanda-tanda niyo na!" gali na galit na nitong sabi sa dalawa. "Sumasakit ulo ko sa inyong dalawa! Kailan ba kayo matututo ha?"

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon