*THUNDER LADY POV*
"Mr.Jackson?" tanong ko sa guard na naka-assign ngayon.
Mula no'ng nangyari 1 month ago, may mga guards nang itinalaga si Mr.Jackson sa bahay niya pati na din mga nagroronda lalo na tuwing gabi. Specially in Master K's house, lalo na ngayong miserable pa buhay niya at pamilya niya.
"He's inside ma'am." tumango lang ako imbes na sumagot at binuksan nito ang gate. Kahit may guards dito at may ipapakita ka na I.D at sabihing kakilala ka, hindi ka basta-basta makakapasok. Bawat sulok may hidden camera na nakalagay.
Bakit ko alam? Dahil tatlo kami ni Lovilla at Arvin ang naglagay. Kami lang nakakaalam at si Mr.Jackson.
Dire-diretso akong naglakad papunta sa bahay ni Mr.Jackson. I heard some of his underlings talking. Pinihit ko kaagad ang seradura at pumasok.
I saw them sitting at the couch while watching tv and the others are talking.
"Mr.Jackson?" seryoso kong tanong at itinuro naman ni William ang itaas kaya tumango ako sa kanya.
"Wala man lang thank you?" I heard Cesar. Kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon.
"Woah! Relax Thunder. Hindi ako lalaban." tumalikod nalang ako ulit at nagpatuloy sa pag-akyat. Damn!
Nakakapagod umakyat papuntang second floor. Wala pa namang elevator dito, 'cause according to Mr.Jackson. Exercise na rin daw ito for his lazy underlings. Tsk!Nadadamay pa kaming 'di niya underlings.
Nandito na ako sa harap ng library niya, as usual. His favorite place.
Haist! Naalala ko pa no'ng ginulo siya ni Master sa favorite place niya, grabe 'yong mukha niya. Hindi maipinta sa inis pero nawala naman kaagad dahil sa pagpapacute ni master. Haist!
Kailan kaya babalik si master sa dati? Or babalik pa ba siya sa dati? Babalik pa ba ang dating Kyla Mae Serrano? O si Princess Jayca ang babalik?Napakadelikado kung si Princess Jayca ang babalik.
Kinatok ko ang pintuan at hinintay na pagbuksan ako. Mahirap na kung papasok ako kaagad, baka kung ano ang sasalubong sa'kin. Mr.Jackson and Master K are the same. Maraming pakulo kapag naistorbo sila lalo na kung sa favorite place o room nila.
"I told you don't disturb--- Oh Thunder?I thought sina Cesar na naman. Come." napataas ang kaliwang sulok ng labi ko sa narinig ko sa reaction niya. Maybe, pinagtripan na naman ito ng mga underlings niya.
Pumasok ako nng niluwagan niya ang pintuan. Umupo kaagad ako sa isang upuan na nasa harap ng table niya.
Tiningnan ko ang loob ng library niya, napakaraming books.Ang ganda tingnan. Ang hilig talaga niya sa books like his sister. Napangiti ako ng lihim nang makita ko ang isang picture frame na nakasabit sa dingding. It's Master K. She's smiling. Too pretty.
"So, what brought you here?" seryosong tanong nito kaya napabaling ako ng tingin sa kanya mula sa pagkakatitig sa picture ni master. Tiningnan naman nito ang tinitigan ko kanina and I saw him smiled.
"You miss her too?" tanong na naman niya na nakatitig na sa picture ni Master K kaya tumingin ulit ako dito at bumuntong-hininga.
"Yes. I miss her laugh. Her voice. Everything." I smiled bitterly and look at him. Tumango-tango siya bago tumingin sa'kin.
"Wala akong magawa para pasayahin siya ulit. I hope Melvin can make her smile again."
"I hope so and I know he can." I heard him sigh at pinaikot-ikot ang ballpen sa daliri niya.
BINABASA MO ANG
MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)
HumorHighest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! Love ya! 💙 Sabayan at samahan niyo akong mabaliw sa kalokohan ni KYLA MAE SERRANO. Ang babaeng di nauubusan ng kalokohan at kabaliwan na man...