Chapter 22

5.7K 216 37
                                    





*JACKSON POV




 I want to punch them. She cried because of them. Hindi nila kailangan iwasan si Kyla para sa kaligtasan niya. Sa ginawa nila, mas lalo siyang mapapahamak. Umiral na naman ang pagiging tanga ng Dark Angel Gang. 'Di nag-iisip ng maayos. Sarap pagbasagin ang mga pagmumukha. Pasalamat sila, mahalaga sila kay Kyla kundi makakatikim na sila ng sapak mula sa'kin.
 Napatingin naman ako sa cellphone ko na nakapatong sa mesa nang tumunog ito. Dinampot ko ito at sinagot.

 "Hello?"  sagot ko nang makitang pangalan ni Lovi ang nakarehistro.

 "Boss, medyo okay na siya. Tumatawa na rin pero makikita mo pa rin ang lungkot." Napabuga ako ng hangin dahil sa narinig ko.

 "Mabuti naman kung gano'n. Lovi, keep your eyes on her. 'Di pa natin alam kung sino 'yong totoong kalaban kaya bantayan mo ng maigi 'yan. Ikaw lang ang maaasahan ko diyan na babae." Wala na akong ibang maisip na pwedeng magbantay kay Kyla. Kung pwede nga lang na ako ang magbabantay sa kanya eh, kaso hindi pwede.

"Don't worry boss. Makakaasa kayo." I nodded kahit hindi niya nakikita.

"Sige, gotta ko. Kailangan ko pa makisali sa hearing."

"Okay boss. Take care." Then I ended the call.

Nagpalit lang ako ng damit saka gumayak na. 'Di alam ni Kyla ang tungkol dito dahil ako mismo ang may gusto na ayaw ipaalam sa kanya. Tama ng siya ang nasaktan, 'wag na siya idamay sa kasong ito. Ako nalang ang kikilos dahil wala namang pakialam ang ama niya walang kwenta. Kung 'di ko lang 'yon kadugo, pinatumba ko na 'yon. Akala ko pa naman, minahal niya ng patas mga anak niya. Iyon pala hindi. Si Wendy lang pala ang minahal niya ng totoo. Iyong maldita lang pala ang tinrato niya ng maayos. Kung sino pa 'yong maldita at nakakabweset ang pag-uugali, iyon pa ang minahal at inaalagaan ng mabuti. Habang si Kyla na mabait, malambing at masipag, siya pa ang hindi tinrato ng maayos. But I'm here now, aalagaan at babantayan ko ng maayos ang batang 'yon. Magmula ngayon, ako na bahala kay Kyla.

Tatlong oras bago natapos ang hearing. Medyo nagkagulo pero naayos din. Nagwawala 'yong parents ng mga nakulong at ayaw pa umamin ang mga anak. 'Di nila inamin kung sino ang nag-utos, pinagpipilitan nila na kagustuhan lamang nila 'yon dahil may galit sila kina Jake. Pero 'di ako naniniwala, hinayaan ko lang. Hintayin nila na maubos ang pasensya ko, sisiguraduhin kong damay lahat ng angkan nila.
Kanina, muntik ko nang masapak sina Melvin. Pasalamat sila, maraming tao kundi uuwi silang maraming pasa sa katawan.

Pabagsak akong humiga sa kama saka pumikit. I need to rest, sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari. Pero kailangan kong kumilos para sa pinakamamahal kong si Kyla Mae. Kailangan kong mahanap kung sino 'yong babaeng tinutukoy nong Mike(nakasaksak kay Kyla) para matapos na ito. Uhh!Nevermind! 'Di pa pala matatapos 'to, alam kong may kasabwat pa 'yong babaeng 'yon. At malaman ko lang na may kinalaman si Wendy at Baron dito. I swear, 'di ako magdadalawang-isip na saktan at ipakulong sila. Humanda sila! 'Di ako mananahimik hangga't 'di ko mahahanap ang may kagagawan nito.




--



**KYLA POV



One week. One week na akong iniiwasan ng Dark Angel Gang. At one week na rin akong nahihirapan at nasasaktan. Sa one week na 'yon, maraming nangyari. Kahit mahirap, tinitiis ko. Tinitiis ko lahat ang pasimpleng pambubully at pang-aasar nina Jeline. 'Di ako lumaban, dahil alam kong wala akong laban. Wala akong kakampi, walang poprotekta sa'kin tulad ng dati. Tiniis ko sila dahil sa sugat ko. Pero humanda sila kapag naghilom na ito. Triple ang igaganti ko sa kanila. 

Naalala ko pa no'ng wednesday, kumikirot sugat ko dahil 'di ako nakainom ng gamot. Bigla kasing nawala sa bag ko no'ng chineck ko. Pero no'ng recess time, nando'n pa sa bulsa ng bag ko pero nagtaka nalang ako after lunch, nawala na.



MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon