*KYLA POV
"Wala pa rin ba si Kyla?" rinig kong tanong ni Sir Jessie. 'Di niya ako napansin kasi nandito ako sa teacher's table. Akala niya siguro ako si Ma'am Riza. Eh hindi naman ako mataba ah!
"Ayun sir oh!" sagot naman ng mga classmates ko at tinuro pa ako. Dahan-dahan naman akong bumaba para sana magtago kaso nakita na niya ako.
"Oh! Ba't diyan ka nakaupo?" natatawang tanong ni sir.
"Dito po ako pinaupo ni Ma'am Riza eh." Nakapout kong sagot at dahan-dahang bumalik at umupo ng maayos sa upuan.
"Kaya naman pala. So, kumusta? Kumusta?" hyper din si sir eh.
"Okay na po ako, sir."
"Are you sure?" -- Sir Jessie.
"Sure na sure po." Sagot ko at nagsalute pa kaya tumawa siya.
"Mabuti, mabuti. Pumunta ka sa classroom ko, may test paper do'n sa table ko. Magtake ka na." Nagulat naman ako sa sinabi sir, paano ko masasagutan 'yon eh 'di ako nakapagreview?
"Wait po sir. 'Di po ako nakapagreview eh, wala po akong notes or reviewer eh." Angal ko sa kanya kaya napatingin siya kay Jeline na ikinataka ko.
"Jeline, hindi pa binigay ko sa'yo ang reviewer? I told you to give it to her."
"Ah sir--Kasi--" nauutal niyang sagot at hindi mapakali.
"Sir, paano niya ibibigay sa'kin 'yon kung may galit sa'kin 'yan?" diretsahan kong sagot kay sir at tinapunan ng masamang titig si Jeline. Alam ko naman na mag-aalibi lang 'yan. Knowing her.
"Where's the reviewer?"
"Sir, n-nabasa po ng ulan eh." Nagpipigil naman ako ng inis dito sa kinauupuan ko. Feeling ko, 'di nabasa 'yon, napakaimposible naman.
"Sir! Excuse me. But I saw it at the trash can." Singit ni Jeric kaya napatingin ako sa kanya at lumapit.
"Why did you threw it Jeline?!" galit na tanong ni sir. Pero 'di ko na sila pinansin, kinuha ko nalang ang reviewer at tiningnan. Math nga siya.
"Sabi mo, nabasa ng ulan? Bakit nasa basurahan 'to?" tanong ko dito na nakakuyom ang kanang kamay. "Ganyan ka ba kagalit sa'kin Jeline?! Bakit?! Pinapakialaman ko ba buhay mo?! Di ba hindi?!"
"Ah Kyla, mamaya na 'yan." Awat ni Sir Jessie. Mabait at mahaba ang pasensiya ko. Pero may kamalditahang taglay din ako.
"Hindi sir, sumosobra na 'to eh!"
"Kakausapin ko si Jeline, kaya huwag ka na mag-alala." Sasagot pa sana ako pero hinila na ako ng bestfriend ko. Kaya wala na akong nagawa kundi bumalik sa upuan ko. "And Ky? Pumunta ka nalang sa classroom ko. Hingiin mo kay Jerone 'yong ibang reviewer. Alam na niya 'yon."
"Okay po." Then lumabas na ako ng classroom para pumunta sa classroom nina sir.
***
Kumatok ako sa nakabukas na pintuan kaya natigil sa pagtuturo ang teacher at tumingin sa'kin pati mga taga section 1.
"Ma'am excuse me po. May I talk to Mr. Jerone Mendoza?"
"Okay. Jerone?"
"Yes ma'am." Saka ito tumayo at pumunta sa'kin. Nakangiti pa at parang nang-aasar. Sapakin ko kaya 'to?
BINABASA MO ANG
MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)
HumorHighest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! Love ya! 💙 Sabayan at samahan niyo akong mabaliw sa kalokohan ni KYLA MAE SERRANO. Ang babaeng di nauubusan ng kalokohan at kabaliwan na man...