Chapter 8

7.6K 296 21
                                    

Dedicated to ChangMalabja Thanks for reading and voting my story.😊😊

-----

"Bulaga!"

"Ahy! Kabayo ka!" sigaw ko saka hinampas si Paul nang makita ko na siya pala ang nanggulat sa'kin.

"Walanghiya ka! Ba't mo 'ko ginulat? Ha?"  sigaw ko habang hinahampas siya.

"Aray Ky! Masakit! Tama na!" sigaw niya habang sinasangga bawat hampas ko. Nakakainis eh! Nagdadrama ako dito tapos gugulatin lang ng siraulong 'to!

"Hmp!" sabi ko nalang saka nagcross arms.

"Okay ka lang Ky?" seryoso niyang tanong habang nakatitig sa'kin.

"Oo naman. Bakit naman 'di ako magiging okay?"  sagot ko naman sa kanya at itinaas-baba ang kanang kilay.

"Parang ang lungkot mo kasi eh."  Saad niya habang matipid na ngumiti.

Napakibit-balikat nalang ako saka tumingin sa harapan. Nang may naalala akong itanong sa kanya at sasabihin.

"Ah, Paul?"

"Hmm?" imik niya na 'di lumilingon sa'kin. Nakatingin lang din sa harapan na di kumukurap.

"Bakit? I mean, bakit mo ako nagustuhan?" tanong ko saka siya sinulyapan at tumingin ulit sa harap.

Lumingon naman siya sa'kin at seryosong nakatitig habang ako, 'di pa rin nakatingin sa kanya.

"Kasi, totoo kang babae. 'Di ka maarte, tulad ng iba. Simple. Ewan! Basta minahal kita nang hindi ko namalayan. Matagal na Ky, 'di mo lang napapansin kasi ang pang-aasar ko lang ang napapansin mo." He paused and chuckled saka nagpatuloy. "Ewan ko ba, napakatorpe ko noon eh. Natatakot ako na baka i-reject mo ako, saka alam ko naman na mahal mo na si Baron noon pa eh." 

Nakangiti pa siya habang nagsasalita. Hindi ko akalain na matagal na niya akong nagustuhan at minahal. 'Di ako nakasagot agad. Bumuka bibig ko, titikom ulit. 'Di ko alam paano magsimula, kasi kahit anong sasabihin ko. Alam kong masasaktan pa rin siya, ayaw ko siyang paasahin. Haist!

"Ahm Paul, alam mo naman na---"

"Yes." Putol niya sa sasabihin ko and he smiled. "I know Ky, talagang mapilit lang ako. Okay, tatanggapin ko. P-pero pwedeng bang hayaan mo nalang ako na mahalin ka kahit alam kong ma-malabong mahalin mo rin ako? Please Ky, 'wag mo akong pigilan na mahalin ka."  God! He's pleading and I saw his tears. I wiped it and hug him tight. Naiiyak ako. Ayaw kong saktan si Paul pero nasaktan ko na siya.

Oo, alaskador siya and makulit pero hindi naman siya gago na katulad ng ibang lalaki. He's sweet and caring. Bakit nga ba 'di siya ang minahal ko? Bakit si Baron pa na puro kalokohan ang alam? Bakit 'di nalang si Paul?

"I'm so sorry Paul. I didn't meant to hurt you."  I sniffed while hugging him and he hug me tighter.

"Alam ko. Alam ko. Please, don't cry. Nasasaktan din ako. Mas okay ng ako ang masaktan kaysa ikaw. Tandaan mo 'yan. I will be your guardian angel Kyla Mae Serrano."

"Thank you. Thank you so much. Thank you for loving me Paul. You will find her. The right girl for you."  I said and smiled sweetly kahit na 'di niya nakikita.

"I know. Thank you."

Five minutes. Five minutes din kaming magkayakap. Kung 'di pa ako unang kumalas, baka dito lang kami hanggang bukas. Nang una nga eh, ayaw pa niya akong pakawalan kaya pinagbigyan ko siya at umabot ng five minutes.

Haist! Sumasakit ulo ko habang nag-iisip kung anong gagawin ko para 'di na siya masaktan. After we hugging each other, naisipan na din namin na bumalik na sa kanya-kanyang classroom. 'Di na nga ako nakasali ng flag ceremony eh dahil ayaw niya ako pakawalan. Pasaway na bata.

----

***THIRD PERSON POV***

Habang magkayakap ang dalawa, 'di nila alam na may isang pares ng mata na nakatingin sa kanila. Halatang nasasaktan ito at nagseselos. Naisip niya na baka sinagot na ni Kyla Mae si Paul kaya magkayakap ang dalawa. Ang yakapan lang ang kanyang naabutan at umalis kaagad ito dahil sa pagseselos. 'Di pa nito pinansin ang mga nakasalubong at dire-diretso lang ito sa paglalakad na para bang walang nakikita.

'Di ito pumasok sa kanyang classroom kundi dumiretso ito sa dulo, sa likod ng classroom ng first year at inakyat ang bakod saka tumalon palabas ng campus.

May nakasalubong pa itong dalawang estudyante na nasa labas ng campus.

"Hala ka! Nag-escape ka. Isusumbong kita!" sigaw ng isang babaeng estudyante.

Nilapitan naman ito ng lalaki saka kinwelyuhan dahil sa inis. Nakakatakot ang mukha ng lalaki, mababanaag mo na galit na galit siya at 'di pwedeng biruin. Namumutla naman ang dalawang babaeng estudyante sa ginawa niya.

"Try to tell them and I will end your life!"  madiing sabi ng lalaki saka pabalyang binitiwan ang babae. Mabuti nalang nasalo ito ng kaibigan niya na nanginginig din sa takot.

Umalis kaagad ito saka kinuha ang cellphone sa bulsa at may tinawagan.

"Hello! Meet me at the basketball court, near our school. Maglalaban tayo. 1 vs 10." Seryosong saad niya sa kanyang kausap na isang leader ng kabilang grupo at ito ang palagi nilang kalaban at palagi nilang natatalo ng grupo niya.

"Hahaha! Are you seriuos? Aba! Lakas ng loob mo ah! Sige! And prepare your coffin first because I will kill you!"  mayabang at mapang-uyam na sagot ng kausap nya.

"Kill me if you can!" lumingon pa ito sa paaralan nila at napailing-iling pagkatapos i-end call.

Samantala, 'yong dalawang estudyante, hindi pa pumasok dahil umiiyak sa takot ang babaeng kinwelyuhan ng mysterious guy. Inaalo naman ito ng kaibigan niya.

"Bumalik na siya Bes. 'Di ba, nagbago na siya? Pa-paanong nagiging demonyo na naman siya?"  umiiyak na tanong nito sa bestfriend niya.

"Hindi ko rin alam bes. Hindi ko alam. Tara na! Alis na tayo dito, baka bumalik pa yun." Aya nito kaya tumango naman ang babae saka sila nag-umpisang lumakad papuntang campus.



---------

Vote and comment your reactions po. Thanks!

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon