*KYLA/JAYCA POV*
Gusto ko ng umalis dito sa backstage at pumunta sa harap. Excited na akong makita mga kamag-anak ko pati mga kaibigan ko.
Lalong gusto ko ng umalis dito nang narinig ko na magpeperform ang BTOB!Kainis! 'Di ako makapanood ng live. Nacucurious kasi ako about them. Idol ko kasi sila, hindi ko lang nabanggit kahit kanino.
Kasi everytime na nagpeperform sila, nakamask kaya 'di namin kilala kung sino-sino sila.
"Sige na kasi best! Gusto ko sila mapanood." pakiusap ko sa bestfriend ko at pumapadyak pa.
"Hindi nga pwede best. Kulit nito." nakanguso niyang sagot sa'kin.
"Naman eh! Mas makulit ka. Ang unfair niyo! Alam niyong favorite ko ang BTOB!" may halong inis na ang tono ng boses ko. At alam kong ramdam niya iyon, dahil nang tiningnan ko siya bakas sa mukha niya ang takot. Tsk!
"B-est ka-kasi utos ni tito." nauutal niyang sagot kaya ngumuso nalang ako. Ayaw kong katakutan ako ng bestfriend ko.
"Okay. Iwanan mo nalang ako dito. Lalabas nalang ako kapag tatawagin na ako." mahina kong sagot.
Ayaw ko muna siya kausapin, baka masungitan ko lang siya. I don't understand. Bakit kailangan pang ganito?Si papa talaga, daming alam.
Kanina pa ako naiirita. May kutob kasi ako. Kanina pa 'to. I'm not paranoid. Alam ko lang talaga na may mangyayaring hindi maganda. Kaya kanina pa lang, binalaan ko na silang lahat.
"OMG! Nakakakilig talaga sila! Besh! Iyong puso ko besh, tinangay na nila! Oh my God! Besh, 'yong panty ko!" napahagikhik ako nang marinig ko ang mga sinabi ni Benj. Bakla talaga! Makatili wagas! Then the crowd laughing.
"Kalma besh, wala kang panty!" pambabara ni Jane sa kanya at lalong natawa ang mga bisita.
"Panira ka talaga besh! That's why I love you." asar na sabi nito. Natawa naman bestfriend ko. Pero bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
Asan na ba kayo kuya? Bumalik na kayo please?
Dasal ko. Ayaw kong lumabas na hindi sila kasama. Bigla akong kinabahan.
Tatanggapin kaya nila ako?
Kakausapin kaya nila ako?
Maniniwala kaya sila na ako ito?
Si Princess Jayca Sandoval. Ang nawawalang prinsesa ng pamilya ko?
Argh! Bakit ko ba iniisip mga 'yon? Ano ngayon kung hindi nila ako tanggapin?Atleast tanggap ako ng pamilya ko. Naniwala sila sa'kin.
"Love?" mabilis akong tumayo at lumapit sa boyfriend ko sabay yakap sa kanya.
"Oh bakit?" natatawang tanong nito nang mahigpit ko siyang niyakap.
"Wala lang. Masama bang yakapin ka?Hmp!" he chuckled then kiss my head.
"Asus! Lumabas na nga kayo, tinawag ka na kaya." kahit kailan panira talaga itong kuya ko.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at ngumisi lang siya.
Pero bigla akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. 'Di ko alam kung bakit pero biglang nanikip dibdib ko. Gusto ko mayakap si kuya nang mahigpit na mahigpit."Again, may we call Miss Kyla Mae Serrano?"
Tinawag na ulit ako. Hindi ba sila makapaghintay? Eh ako nga pinaghintay nila ako ng matagal dito.
"Why baby sis? May problema ka ba?" may bahid na pag-aalala sa tono ni Kuya Jason kaya dali-dali akong umiling sa kanya.
"Sige na. Labas na kayo ni Chavez." pagtataboy niya kaya tinalikuran ko siya na nakasimangot.
![](https://img.wattpad.com/cover/78226644-288-k79285.jpg)
BINABASA MO ANG
MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)
HumorHighest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! Love ya! 💙 Sabayan at samahan niyo akong mabaliw sa kalokohan ni KYLA MAE SERRANO. Ang babaeng di nauubusan ng kalokohan at kabaliwan na man...