--MELVIN POV
Nandito ako sa bahay. Nagpahinga saglit at babalik na naman sa hospital. Hanggang ngayon, wala pa rin akong tulog at pahinga. Ngayon ko lang naramdaman 'yong pagod at sakit ng katawan pero binalewala ko lang lahat. Kailangan kong bumalik sa hospital para bantayan si Mae kahit na nandon 'yong tita at tito niya.
'Di pa sana kami uuwi kanina pero pinilit kami ni Tito Henry na umuwi at mamahinga daw. Kasi kailangan namin ng lakas, and he's right. Pero 'di ko kayang mamahinga habang si Mae nandon sa hospital at 'di pa nagigising.Galit na galit tita niya kanina pero no'ng pinaliwanag namin, nagsorry naman siya at niyakap ako. I mean, kaming apat. No'ng sinampal niya ako, expected ko na 'yon. Alam kong iyon ang magiging reaction at gagawin niya. She said, 'di ko raw kasalanan. Inisip lang daw ni Mae na iligtas ako at tama ang ginawa niya pero alam naman namin na mali 'yon. Ako sana 'yong nakahiga do'n eh, pero hindi. Mas pinili niya na iligtas ako. Mas pinili niyang siya ang masaktan kaysa ako. Napakaselfless niya. Iyan ang kinaiinisan ko sa kanya. Puro 'yong ibang tao nalang ang iniisip niya, 'di man lang niya naisip 'yong sarili niya.
Nakahiga ako ngayon sa kama ko, nakatakip ang braso sa mga mata habang nag-iisip kung paano makakatulong kina Mae. Haist! Gagawa ako ng paraan para makahanap ng pera para pambayad sa hospital ni Mae.
Kanina, nagtataka sina mama kung bakit ako duguan. Nagalit pa sila lalo na si papa at kuya. Pero no'ng pinaliwanag ko, naniwala naman sila. Galit na galit pa do'n sa mga nakaaway namin.Pagtingin ko sa cellphone ko, napabalikwas naman ako nang makita kong four pm na.
"Kailangan ko ng bumalik sa hospital!"
Natataranta kong usal saka dali-daling kumuha ng white t-shirt at pants. Mabilisang pagbihis at pagsipilyo ng ngipin bago nagpaalam kina mama. Tinawagan ko naman sina Jake habang nag-aabang ng masasakyan.
Ring
Ring
Ring
Ring
The number you ha--- *toot toot toot*
Pinatay ko na bago matapos magsalita ang operator. Siguro tulog pa 'yon, mas pagod sila kaysa sa'kin eh. No'ng nalaman kong naging sampu ang naka-engkwentro nila nang dumating sina Carl, mas lalong nagtanim ako ng galit sa kanila.
Akala ba nila, palalampasin ko 'yong ginawa nila kay Mae? Nagkakamali sila, 'di ako titigil hangga't 'di sila bumagsak sa bilangguan.
Iyong apat, nasa kulungan na. Pero 'yong isa na nakasaksak kay Mae, nasa hospital. Basag na basag ang mukha, nabalian ng kaliwang braso. And it's because of Ryan. Oo, makulit 'yon pagdating kay Mae pero demonyo 'yon kapag nagagalit. Lalo na kapag isa sa mga mahal niya sa buhay ang sinaktan. Kilala ko na silang lahat. Si Philip at Jake ang pinakamahaba ang pasensya sa'min, pero walang awa din mga yun kapag mga mahal nila sa buhay ang nasaktan o naaagrabyado."Saan punta mo Vin?" napapitlag naman ako nang may humintong tricycle sa harap ko at nagtanong ang driver. Isa lang pala sa kapitbahay namin.
"Sa hospital." Matipid kong sagot. Talagang pagod at puyat pa ako pero kailangang bumalik ako do'n.
"Sino dadalawin mo do'n?" usisa na naman nito.
Sumakay naman ako bago sumagot. May lahing reporter siguro ito."Isang malapit na kaibigan."
"Ah." Sagot lang nito saka pinaandar ang tricycle.
After 30 minutes, nandito na ako sa harap ng hospital. St.Paul Hospital (Gawa-gawa ko lang po to ha?^_^)
Inabot ko naman ang bayad saka nagmamadaling bumaba at mabilis na pumasok sa hospital.
BINABASA MO ANG
MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)
HumorHighest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! Love ya! 💙 Sabayan at samahan niyo akong mabaliw sa kalokohan ni KYLA MAE SERRANO. Ang babaeng di nauubusan ng kalokohan at kabaliwan na man...