Chapter 66: SWEET MOMENT

3.8K 121 40
                                    

**(Hello babies !Thank you so much for reading my story. Sobrang naaappreciate ko talaga lahat ng ginawa niyo. Walang hanggang pasasalamat sa inyo. God bless you all.)**

---

*KYLA POV*



"Bunso, may bisita ka."   Napaangat ako ng ulo nang biglang pumasok si kuya dito sa kusina at nagsalita kaagad.

Nakaupo ako dito sa upuan habang nakapatong ang dalawang paa. Sarap kaya na ganito ang posisyon.

"Sabihin mo, busy ako."  Seryoso kong sagot kay kuya at nakapout pa.

"Anong busy? Nagpapapak ka lang naman ng Best foods Sandwich spread. Labas do'n!"  natatawang sagot ni kuya at hinila pa ako. Yup, pinapapak ko itong sandwich spread. Masarap kasi.

"Ayaw. Mamaya na."   Binawi ko ang kamay ko na hinawakan ni kuya. Hinawakan na naman niya ako sa wrist saka hinila patayo. Napatayo na rin ako, ang lakas kaya niya tapos malaki ang katawan. Eh ako, sexy lang. Hehehehe.

"Isa! Tigilan mo na 'yan.Mamaya maghahanap si mama kung nasaan na 'yan."    Nagpapadyak ako ng paa na iniwan si kuya. Bahala siya diyan, siya pagbibintangan ni mama.

Oh wait! Sino pala bisita ko?

May nakita akong lalaki na nakaupo sa sala pero nakatalikod sa'kin. I know him. Iyong magnanakaw ito eh. OMG!

Magnanakaw, magnanakaw ng puso ko. Hihihi!

"LOVE!"  sigaw ko at tumalon saka niyakap siya sa leeg. Nasa likuran niya ako.

"Hey love." Nakangiting bati niya at tiningala ako. Ngumiti naman ako ng matamis sa kanya at hinalikan siya sa noo.

"Akala ko kung sino eh. Ikaw pala."   Natatawa kong sabi at saka siya binitiwan. Pumunta sa harapan at umupo sa tabi niya. Inakbayan niya ako at nilapit lalo sa kanya.

"How's my beautiful princess?"   Nakangiti niyang tanong. Busy kasi siya lately. Uh, no. Sila pala. Malapit na din naman matatapos ang klase kaya okay lang na hindi na sila pumasok. 'Di ko alam kung ano pinagkakaabalahan nila, siya with Kuya Jake, Ryan at Kuya Philip.

Hindi ko siya tinanong, hindi naman porket girlfriend ka. Aalamin mo lahat ng nangyayari sa boyfriend mo at dapat alam mo. No. Mali 'yan, hindi pa kayo mag-asawa.

Huwag gano'n, baka masakal siya at magsasawa. Iwanan ka nalang bigla. You have to trust him. Kung mahal mo talaga siya, pagkatiwalaan mo. Huwag paghinalaan. Ang naghihinala lamang ay 'yong mga taong hindi talaga nagmamahal.

Maybe, like lang nararamdaman nila but not love.

"I'm okay my handsome prince!"   Masaya kong sagot sa kanya at lalong nagsumiksik sa kili-kili niya. Hehehe. Saka pumapak ulit ng sandwich spread.

"Love, ano na naman 'yan?"  'Di ko siya tiningnan pero sinagot ko. I know, nakakunot na ang noo niyan.

"Uh, sandwich spread?"   Sagot ko na patanong.

Ginulo naman niya buhok ko at tumawa ng mahina.

"I know, ang ibig ko lang sabihin. Bakit 'yan ang pinapapak mo?Nagpapakaweird ka na naman, hay naku! Kaya kita minahal lalo eh."  He chuckled. I stopped then hug him in his waist. Nahihiya ako. Hehehe. Kinikilig kasi ako.

"Ehh. Masarap eh. Saka hindi ako weird ha? Bad prince. Bad. And masarap siya, gusto mo?"  Nakangiti kong sagot at umangat ng tingin. Nakatitig pala siya sa'kin. I'm sure namumula na ako, ramdam ko na nag-iinit pisngi ko.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon