Chapter 25

5.7K 201 36
                                    





*KYLA POV




 Nandito kami sa Guidance Office. Nakaupo kaming dalawa ni Lovilla sa sahig, 'di dahil wala ng mauupuan kundi tinulak kami nang mga gentlemen. Sarap pagsasapakin.
 Tapos nginisihan lang kami no'ng sinamaan namin ng tingin ni Lovilla. 
Pagdating namin dito, wala pa si Ma'am Lazaro kaya nagpillow fight kami. Kakampi namin si Allen. Hahaha!
Sa asar ko dahil malakas manghampas si Donald at tumakbo, binato ko siya ng pillow pero, waaaaaaahh!

"KYLA MAE SERRANO!"

"Wala akong kasalanan!"  pasigaw ko ring sagot at binitiwan ang isang unan sabay takbo sa likod ni Donald saka siya binatukan ng malakas.

"Aray!"  sinamaan niya ako ng tingin at nginitian ko lang siya sabay peace sign.

"Kyla!"  madiin niyang bigkas sa cute kong name. Katakot naman si Cesar. Huhuhu!

"Si Donald dapat 'yon! Kaso umiwas siya kaya ikaw ang natamaan. Ang lakas kaya ng paghampas niya sa'kin kaya gumanti ako."  Paliwanag ko sa kanya na may inosenteng mukha. Malay niyo, maawa siya.

"Alam mo naman na may---"

"Wait! Hindi ako ang nag-umpisa ng pillow fight. Bakit ako lang pinapagalitan mo? Ang unfair mo ah!"  angal ko saka siya sinamaan ng tingin. Ayon! Tumahimik nalang siya. Wew! Cute-cute ko talaga, kaya 'di na siya nagalit. Hehehe.

"What's happening here?!"  medyo malakas na tanong ni Ma'am Lazaro pagpasok niya at magulong kwarto ang nabungaran niya.

"Hi ma'am!"  hyper kong bati sa kanya saka lumapit ng bahagya. Hindi ako pumunta sa harapan niya, baka kasi makurot ako. Nakakatakot din kasi si Ma'am Lazaro kung magalit.

"Miss Serrano! Anong nangyari?!"

"Oops ma'am. Relax! Relax! Ang puso niyo po."  Nakangiti kong awat sa kanya at kumalma naman siya saka umupo sa upuan niya.

"Explain."  Sabi agad pagkaupo niya. Umupo na naman ako sa sahig bago sumagot.

"Err-- Expalin what, ma'am?"  I asked her wearing my innocent face.

"Kyla Mae?"  she said in a warning tone kaya sumeryoso naman ako.

"Err! Kasi ma'am, nalilito po ako. Iyong nangyari po ba kanina o ngayon?"

"Shunga talaga 'to, pinaalala pa." -- William.

"Mas shunga ka! Anong akala mo kay ma'am, ulyanin?"  pabulong kong sagot sa kanya.

"Isa!" -- Ma'am Lazaro.

"Dalawa?"  sagot ko naman.

"Patay! Ginagalit mo lalo si Ma'am Lazaro eh!"  naiinis na sabat ni Donald.

"Eh kung ikaw kaya sumagot na pato ka! Kaysa wala kang ibang ginawa kundi punain ako! Hmp!"

 Hindi na namin pinansin si Ma'am Lazaro, nagtatalo na kaming dalawa ni Donald duck! Kainis eh! Reklamo nang reklamo, wala namang ginagawa o sinasabi para hindi na magalit si ma'am.

"ENOUGH!"

"Ahy enough!"  gulat kong sigaw kaya napahagikhik si Lovilla sa tabi ko. Nakita ko naman si Ma'am Lazaro na hinihilot na ang sentido niya.

"Kayong pito, labas! At maglinis kayo sa quadrangle at CR in one week!"  sigaw niya kaya napatayo naman kaming pito at sabay na pumunta sa pintuan. Pero bago ako lumabas, humirit pa ako.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon