Chapter 11

8.8K 315 53
                                    

Dedicated to my baby sis ilovekiah
Baby sis, thank you for reading this. Iloveyou.

---

**KYLA MAE POV**

Naglalakad ako dito sa pathway.

Yesterday was fun. Pinagtripan namin si Melvin kasi 'di siya masyadong makakilos dahil sa bugbog sarado siya. Hindi kami bad ha? Matrip lang. At si Melvin ang nabiktima namin. Hahaha! 'Di kasi sya makalakad kaya ayun sinulit namin.

Pagpasok ko ng classroom, nando'n na si Ma'am Riza. Nakaupo sa teacher's table niya. Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanya na seryosong nagsusulat sa kanyang lesson plan.

"Good morning Ma'am Riza! Good morning Philippines!"  sigaw ko sa kanyang harapan.

"Ahy kalabaw na lumilipad!"  sigaw ni Ma'am sa gulat.

"Hahaha! Ma'am, nanood ka ng Mulawin ano? Kasi alam mo 'yong lumilipad na kalabaw! Hahahaha!"  bulalas ko at napahawak sa tiyan habang tumatawa. "Ouch! "

Napadaing ako sa hampas ni ma'am sa mesa at hinawakan ang braso ko.

"Walangya kang bata ka! Nanggugulat ka! Paano kong atakehin ako sa puso?"  naiinis niyang tanong saka namewang at nandidilat pa mga mata.

"Ma'am! Child abuse ka! Gusto mo sumbong kita sa DSWD? Saka paano ka po aatakehin, eh wala ka namang sakit sa puso! Naku ma'am ha?"  reklamo ko kay Ma'am.

Ayaw ko lang maalala niya 'yong pagkacutting classes ko kahapon. Kaya magdadrama ako.

"Huwag mo 'ko ma-child abuse child abuse diyan Kyla Mae!"

"Ouch! Kyla Mae talaga ma'am? Grabe ka ma'am, sana binanggit mo nalang buo kong pangalan." Pagdadrama ko saka umupo sa upuan na nasa harapan niya.

"Huwag mo 'ko dramahan diyan. May kasalanan ka pa!"  masungit niyang sabi. Uh-oh! Galit na yata si ma'am.

"Po? Kasalanan? Ma'am, excuse me pero 'di ako dadaan ha? Wala po akong ginawa sa inyo ha?" kunwari nalilito kong sabi saka kumunot-noo pa.

"Anong WALA? Nagcutting classes ka!"  sigaw niya at lumaki pa butas ng ilong nito.

"Ouch ma'am, 'wag naman po ninyong ipagsigawan. Nakakahiya sa mga nakakarinig." Angal ko at saka nilagay pa ang kanang kamay sa left chest ko.

"Wow nahiya pa, pero 'di nahiya na nagcutting classes." Sarcastic na sagot ni ma'am saka kinuha ang ballpen niya at nagsulat ulit.

"Ma'am! Nakakasakit ka na po ng damdamin. Hindi niyo ba alam na my friends need me yesterday? It's a matter of life and death!"  pagtatanggol ko sa sarili ko with tayo pa para mas effective.

"Tigilan mo ako Serrano at huwag mo na ako kausapin." She answered in a serious tone.

Kaya ang ginawa ko, 'di ko na nga siya kinausap. Kinalabit ko nalang at saka nag-sign language ng seryoso. Napakunot-noo naman si ma'am habang 'yong mga classmates namin naghahagikhikan. Magsasalita na sana ito or sisigaw, nagsign naman ako na aalis na saka nagwave ng kamay at tumakbo palabas ng classroom.

"KYLA MAE SERRANO!"

"Uh-oh!"

Grabe si Ma'am Riza eh, sabi niya 'di ko raw siya kakausapin tapos no'ng nagsign language ako, nagalit na naman. Masunuring bata lang naman ako kaya ginawa ko 'yon. Tapos ngayon nagagalit siya.

Uupo na sana ako sa ilalim ng punong acacia, kaya lang lumabas mga classmates ko na may mga dalang walis. Sinalubong ko nalang sila saka inagaw ang walis kay Tyrone.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon