-------
*KYLA/JAYCA POV
March na. Malapit ng matapos ang klase. Hello Grade 10 na ako. Ang bilis ng araw ano?
Itong taon na ito, ang daming nangyari sa buhay ko. Nagkaroon ng apat na kaibigang lalaki, iyong isa do'n ay kuya ko pala at ang isa do'n ay boyfriend ko na.Itong taon din na ito, nalaman kong ampon ako. Masakit. Pero kalaunan natanggap ko. Pero yung sakit na nararamdaman ko, inalis ko at napalitan ng sobrang saya mula no'ng nalaman ko at nakilala ko ang tunay kong pamilya.
Si Joy? Mula noong ginawa namin sa kanya do'n sa Torture Room, nagiging baliw na. De joke! Nasa kulungan na, pinakulong ni Ate Marga. Malaki kasi kasalanan niya rito eh. Kaya ipinaubaya ko na siya kay ate. Iyong lalaking napanood niya sa video, buhay naman iyon. Wala naman talagang lason do'n, tinakot ko lang si Joy.
Si Tito Greg? Hiwalay na sila ni tita, hin.di kayang sikmurain ni tita ang mga pinanggagawa niya. Sa pakikipagsabwatan sa anak niya o mas magandang sabihin, kinunsinti.
Hindi na ako nakikibalita sa kanila. Huling balita ko, pareho silang nakakulong. Kaya mga pulis na bahala sa kanila, hindi na ako mangingialam. Saka tutuparin ko ang hiling ni mama na 'di na ako papatay o mananakit. Pero 'di ko maipapangako sa kanya na hindi na mauulit, sa panahon ngayon marami nang masasamang tao. Kaya dapat palagi tayong alerto.
"Lalim ng iniisip ah?" Napalingon ako sa taong nagsalita sa likuran ko. "Oh? Gulat na gulat?" Natatawa niyang dugtong nang makita niya ang reaction ko.
"Hindi naman. Hindi ko lang inexpect na ikaw ang nagsalita riyan." Tawa kong sagot sa kanya.
Umupo siya sa tabi ko at bumuntong-hininga.
"Kumusta ka na, Ky?" Baling ni Paul sa'kin na nakangiti. Nginitian ko naman siya bago sumagot.
"Okay naman. Masaya. Ikaw ba?" Balik-tanong ko sa kanya at nakita ko naman na medyo lumungkot siya. Napayuko ako nang maalala ko kung bakit.
"Okay lang din ako. Masaya rin. Masaya na nakikitang masaya ka." He answered then smiled at me. A fake one.
"I'm sorry, Paul." Nakayuko kong sabi rito. Nahihiya at naaawa ako sa kanya. Mabait siya at matinong lalaki, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko siya nagustuhan. Lalo pa't gwapo rin naman siya.
"Don't." Napatingin ako sa kanya dahil sa sagot niya. "Don't say sorry, wala ka namang kasalanan. Mahal kita, hindi mo naman ako inutusan na mahalin ka kaya 'wag ka magsorry. Puso ko ang pumili ng mamahalin eh." Natatawa niyang dugtong.
"Pero sorry pa rin, kasi--"
"Tigas talaga ng ulo mo, wala ka talagang pinapakinggan." Tawa niyang sagot at ginulo ang buhok ko.
Hindi ko alam kung bakit tumatawa siya, eh nasasaktan naman siya.
"Huwag ka ring tumawa kung hindi ka naman talaga masaya." Ismid kong sagot kaya hinawakan nito ang dibdib niya at nag-aact na nasasaktan.
"You hurt mah feelings dude. Hahaha!"
"Sira!" Sagot ko nalang at pinitik ang tenga niya.
"Hindi ka pa rin nagbabago, tenga ko pa rin." Angal niya at hinihimas ito. Natawa nalang ako sa sinabi niya.
Someday, I know makikilala niya rin ang babaeng mamahalin niya at mamahalin siya ng totoo.
------------
"Sa'n ka galing?" Masungit na tanong ni papa sa'kin.
Namasyal kasi kami nina Ate Marga with the girls at alam niya 'yon. Umupo muna ako sa harapan niya bago sumagot.
"Pa, alam mong namasyal kami. Pagtripan mo na naman ako." Nakapout kong sagot sa kanya kaya natawa siya at tinapik ang katabi niyang upuan. Tumayo naman ako at lumipat sa katabi niya.
"Are you happy?" Tanong ni papa habang sinusuklay ang buhok ko.
Wala kasi siyang work ngayon, kaya nandito siya sa bahay. Si mama naman, meron.
"Half po."
"Bakit half?" Kunot-noong tanong ni papa at inakbayan ako.
"Kasi, kulang tayo. Wala s-si kuya." Nakayuko kong sagot na nauutal.
Bigla naman akong niyakap ni papa at hinihimas ang likod ko.
"Sshh! I know, kung nasaan man ang kuya mo ngayon. Masaya na siya, masaya na siya na nakikitang ligtas ka. Masakit, oo. Pero kailangan nating ipagpatuloy ang buhay natin baby. Wala si Kuya Jason, pero nandito pa rin naman siya. Sa puso natin. Kaya, be strong. Okay?" Mas humigpit ang yakap ni papa sa'kin nang niyakap ko rin siya pabalik.
Pinahiran ko ang luha ko at ngumiti bago kumalas sa yakap ni papa.
"Kahit mahirap papa, kakayanin ko. Gagawin ko ang lahat para ipagpatuloy ang buhay ko."
"That's my girl!" Masayang sabi ni papa at ginulo ang buhok ko.
Natigil si paggulo ng buhok ko nang tumunog ang phone ko.
Napakunot ang noo ko nang makitang unregisterd number but familiar siya eh.
"Who's that baby? Bakit parang may problema ka diyan?" Natatawang tanong ni papa kaya napatingin ako sa kanya bago pinindot ang message board para magreply.
"Hindi ko nga alam papa eh pero pamilyar po ang number sa'kin. Parang kilala ko ang may-ari pero 'di ko lang matandaan kung sino." Mahabang sagot ko kay papa at sinend ang reply ko.
"Threat ba?" may himig pag-aalala ang boses nito.
"Hindi po. Look oh!" Hinarap ko naman sa kanya ang phone ko at binasa niya nang malakas.
"Can we talk?" Kunot-noong basa niya at tumingin sa'kin. "Bakit gusto ka kausapin? Baka naman masamang tao 'yan anak ha? Isama mo si Melvin at mga kaibigan mo kapag makikipagkita ka." Mahabang salaysay nito.
"Opo naman, pa. Hinihintay ko lang reply niya para malaman ko kung sino."
"Good."
Hindi ko na sinagot si papa at nakatitig lang sa cellphone ko. Nagreply kasi ako at tinanong kung sino siya. Kung 'di siya magpapakilala, bahala siya. Hindi naman ako siraulo para makipagkita.
Nanlaki mga mata ko nang mabasa ang reply ng taong iyon. Napatayo naman ako at nagpaalam kay papa.
"Pa, alis muna ako ha? Don't worry, mag-iingat po ako. Tatawagan ko po si Melvin." Mabilis kong paalam kay papa at lumabas na ng bahay. Narinig ko naman na sumagot si paa.
"Naku naman baby, mag-iingat ka! Ingat kayo!"
"Opo!"
Tinawagan ko naman si Melvin, nakadalawang ring lang. Sinagot na niya.
"Yes, my princess?" Malambing nitong sagot na nagpangiti sa'kin.
"Yow my prince!" Natatawa kong sagot sa kanya.
"Sa'n ka, love?"
"Dito po sa harap ng bahay, sunduin mo ako. May pupuntahan tayo."
"Where?"
"Basta. Papaliwanag ko mamaya. Dali na!"
"Okay-okay. Hintayin mo ako diyan."
"Ingat, love. Love you!"
"Love you too."
Then I ended the call.
I compose a message for him.
"Meet me at the plaza. Ngayon na."
--------------
2 chapters to go!
Vote and comment po.
Love you babies!
- Ate Mae/aMAEzonaDragon
BINABASA MO ANG
MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)
ComédieHighest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! Love ya! 💙 Sabayan at samahan niyo akong mabaliw sa kalokohan ni KYLA MAE SERRANO. Ang babaeng di nauubusan ng kalokohan at kabaliwan na man...