CHAPTER 54:LIPAT-BAHAY?!

4.4K 164 25
                                    


---

*JAKE POV*

Hindi ako makakilos. Hindi makapagsalita. Lalong hindi makapaniwala.

Ang babaeng tinatawag ko ng baby sis ay ang bunso naming nawawala?

Matagal ko na palang kasama ang nawawala kong kapatid.

Bakit hindi ko nalaman? Bakit 'di ko napansin na may pagkapareho silang dalawa ng ugali?

Bakit 'di ko napansin ang pagkakahawig nila kahit ang laki ng kanyang pinagbago? Bakit nagpakabulag ako?

Napakatanga ko. Napakasama kong Kuya. Nasa harapan ko na pala ang matagal na naming hinahanap. Kasama ko na pala palagi ang nawawalang kapatid namin, hindi ko man lang napansin.

ANG TANGA-TANGA KO!

ANG TANGA KO! Kasi kinalimutan ko na ang tungkol sa kapatid ko. 'Di ko na siya iniisip. 'Di na ako umaasang mahanap pa siya dahil 12 years na siyang nawala.

Ang sama ko bang Kuya kong nawalan na ako ng pag-asang makita pa siya?

Ang sama ko bang Kuya dahil hindi ko na siya hinanap?

Mapapatawad ba niya ako kapag malaman niyang itinigil ko na ang paghahanap sa kanya?

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na nagsiunahan sa pagpatak.

Hindi ko na mapigilan. Ang sakit sa dibdib. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

SAYA.

TUWA.

INIS SA SARILI.

Halo-halo na ang aking nararamdaman. Pero mas nanaig ang tua
wa sa'king puso. Dahil sa wakas, natagpuan na namin siya. Natagpuan na namin ang batang nagbibigay liwanag sa'ming buhay.

"Thanks God! You're alive. You're here!Nayakap na naman kita ulit. Ohh baby! I miss you so much!" masayang sabi ni mama pero lumuluha pa habang yakap ang baby sis ko.

Ikinulong niya sa kanyang mga palad ang mukha ni baby sis saka pinupog ng halik sa mukha.

At sumunod naman si Papa. Hindi pa nakuntento si Papa sa pagyakap at paghalik, kinarga niya pa ito na parang bata.

I saw my little sister smiling widely while still crying.

"B-baby?"  utal at naluluhang tawag ni Jason sa kanya kaya napatingin naman siya sa'min at bumitaw sa pagkakayakap kay Papa.

Patakbo siyang lumapit sa'min at dinamba kaming dalawa ng yakap.

"I'm so sorry. I"m so sorry baby. 'Di kita nailigtas noon. Patawarin mo si Kuya. Sorry. Sorry."  umiiyak na paghingi ng tawad ni Jason habang yakap naming dalawa si baby sis na umiiyak pa rin.

"No. I know, wala kang kasalanan kahit hindi ko pa kayo maalala ng tuluyan. Alam ko Kuya, wala kang kasalanan. Wala kang kasalanan."  umiiyak nitong sabi at umiiling pa. Lalo pa kami nitong niyakap.

"Ako may kasalanan no'n, kasi iniwan ko kayong dalawa. Kahit alam kong 'di kayo pwede iwan. Kasalanan ko 'yon at tumagal pa ako sa loob. Kahit kabilinan-bilinan ni mama na 'di kayo iiwan. Sorry baby sis." umiiyak ko ding paghingi ng tawad sa kanya. Lalong humigpit pagyakap niya sa'kin.

"W-wala kayong kasalanan Kuya. Kasalanan 'yon ng pinsan niyo. Stop saying sorry. Kundi magagalit na ako."  sumisinok na ito sa kakaiyak.

Lumapit naman sina mama at Papa sa'min at niyakap kaming tatlo habang nag-iiyakan pa rin.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon