Chapter 32

5.5K 232 46
                                    

---

*MARGA POV

"Happy birthday to me!"  sigaw ko pagkamulat ko at uminat.

Super saya ko today, bukod sa birthday ko. Mamaya gaganapin ang Halloween Party sa school. Yey! Saya!

Inayos ko muna ang higaan ko bago kinuha ang towel at pumasok ng banyo.
30 minutes akong naligo. Syempre! Sarap maligo eh at dapat sobrang malinis ang katawan ko. Pinakaayaw ko ang madaliang pagligo. Parang hindi natanggal ang lahat na madumi sa katawan ko.

Nagbihis agad ako ng maong pants and white blouse then boots. Saka sinuklay ang buhok at naglagay ng lipgloss.

Napangiti akong tiningnan ang itsura ko sa salamin saka kinuha ang shoulder bag bago lumabas ng kwarto at tuluyan ng bumaba para magbreakfast.

Pero nagtataka ako nang sobrang tahimik pagdating ko ng sala. Pero binalewala ko nalang, siguro busy lang sila kasi sobrang aga pa.

"Good morning manang!"  masiglang bati ko kay Manang Fe nang maabutan ko siyang nagreready ng almusal ko.

"Good morning din 'nak. Kumain ka na."  ganting-bati niya at nakangiti pa. Medyo nagtataka pa ako kasi hindi man lang ako binati. Imposibleng nakalimutan nila na birthday ko. Eh dati naman, si manang ang palaging unang bumabati sa'kin na kasambahay namin.

Medyo nalungkot ako pero binalewala ko nalang at nagsandok na ng sinangag at kumuha ng cheese hotdog saka nagsimulang kumain.

Konti lang kinain ko at nagpaalam agad, nawalan ako ng gana eh.

"Tapos ka na?"  nagtatakang tanong ni manang at tumingin pa sa plato ko.

"Opo. Aalis na po ako." dali-dali akong umalis sa dining area kahit na hindi pa nakasagot si manang. Bahala sabihin niyang bastos ako, talagang nakakapagtampo lang na hindi niya maalala birthday ko.

OMG! Baka naman ulyanin na si Manang Fe? Hala! Tatanungin ko nga mamaya. Baka kasi nag-umpisa nang makakalimot siya.

"Manong, tara na po." pag -aaya ko kay Manong Ben pagkarating ko ng garage namin.

"Okay po, ma'am." nakangiti niyang sagot at pinagbuksan agad ako ng pintuan. Pumasok ako kaagad saka sinalpak ang earphone sa tenga at nagplay ng music.
Napangiti naman ako ng nagplay ang song ng BTS na Fire.

Napatango-tango naman ako habang nakikinig at nakangiti ng malawak. Ang ganda kasi ng song na 'to eh. Nakashuffle kasi ang playlist ko. Halos lahat BTS songs, halatang adik sa BTS songs eh.

"Andito na tayo ma'am." -lbumaba naman kaagad ako ng sasakyan pero hindi ko pa rin ni-off ang music.

"Salamat manong. Ba-bye."

"Bye ma'am."

"Ingat po."  tumalikod na ako at kumaway kay manong saka tumakbo papasok ng gate.

Pagpasok ko, nakita ko kaagad ang playground. May nakasulat na "Happy Halloween" sa itaas.

Iyong tatlong classrooms sa second floor, 'yon ang may decoration for tonight. Mamaya gaganapin ang Halloween Party namin. Nagkataon pa na birthday ko. Kaya okay lang na walang babati basta magiging masaya ako mamaya.

"Ate Marga!" biglang napalingon ako do'n sa taong tumawag sa'kin. Napangiti naman ako nang makita ko si Kyla na tumatakbo papalapit sa'kin.

"Wah! Hooh!"  sigaw pa nito at nakatukod ang dalawang kamay sa tuhod niya at hinihingal pa. Natatawa ako sa itsura niya. Napakakulit talaga.

"Oh! Hinga! Inhale. Exhale." natatawang sabi ko sa kanya. Nag-inhale, exhale naman ito bago tumayo ng matuwid.

"Okay. Alright. Aha-aha alright." - llkanta niya at sumasayaw pa. Baliw talaga na bata.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon