--
*KYLA POV*
Hinawakan ako sa braso ni tatay nang sinikmuraan ko ang anak niya pero winaksi ko siya. Bastos na kung bastos pero wala na akong pakialam. Alam ko, matagal ng plano nitong demonyitang sa harapan ko na kukunin si Kuya Jake.
Hindi ko akalain na ngayon niya gagawin habang nandito ako. Bakit parang alam niya na pupunta ako dito? Sinabi ba ni nanay?
"Uulitin ko, saan mo pinadala si Kuya Jake?!" galit kong tanong ulit sa kanya. Nanlilisik ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Paubo-ubo pa ang gaga na nakasalampak sa sahig.
"Hahaha! Sa palagay mo ba, kung ako nagpakidnap sa kanya. Sasabihin ko sa'yo?!" sigaw niya. Kaya 'di ko na napigilan ang sarili ko na sampalin siya ng ubod ng lakas.
"Kyla!" sigaw ni nanay pero 'di ko sila nilingon. Lumuhod ako sa harapan ni Wendy at hinawakan ang buhok niya para mapatingin sa'kin. I smirked.
Wala na akong emotions na pinakita sa kanya kaya nanlalaki ang mga mata niya at mababanaag mo ang takot dito. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at pabulong na sinabi ang mga katagang dahilan ng paninigas ng kanyang katawan.
"Hurt him and I'll torture you. Idadamay ko lahat ng mahal mo sa buhay. I don't care. Sa akin ka may galit pero dinamay mo sila. Don't push my limit Wendy. Dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo. Mata sa mata, ngipin sa ngipin. Kapag buhay ang mawala, buhay din ang kapalit at triple ang igaganti ko sa'yo." madiin ang bawat salitang binitiwan ko sa kanya saka siya binitiwan at tuluyan ng lumabas ng bahay.
Iniwan ko siyang nakatulala pati sina nanay. Alam ko na 'di nila narinig mga sinabi ko pero alam ko ring ramdam nila ang galit ko.
Huwag si Kuya Jake. Huwag ang mga mahal ko sa buhay ang idadamay niya dahil 'di niya pa ako kilala. Wala pang nakakakilala sa tunay na Kyla Mae Serrano. I can kill her instantly, walang pag-aatubili at pag-aalinlangan.
Kung gusto mo pang mabuhay, don't mess up with me. Dahil 'di mo alam kung anong gagawin ko, kung anong tumatakbo sa utak ko. Oo, kunwari wala akong alam. Nanahimik lang ako pero kumikilos ako. Mas naunahan ko pa nga sina kuya na malaman kung sino ang nag-utos do'n sa limang lalaki na tambangan kami noong Acquaintance Party eh.
Dinalaw ko si Mike sa kulungan niya, sabi niya si kuya na ang tanungin ko pero dahil matigas ang ulo ko. Pinilit ko siya, kaya ayon sinabi niya. 'Di pa ako naniwala sa kanya noong una dahil hindi ko naman naisip na gagawin ni Wendy sa'kin 'yon. Pero kinumbinse niya ako at tanungin ko pa raw 'yong mga kasama niya para daw maniwala ako.
Ginawa ko naman, kinidnap ko 'yong apat at tinorture. 'Di sila umamin agad, kasama ko pa nga sina Ate Marga at Lovilla no'n eh. Sila tagabigay ng mga gagamitin ko. 'Di ko alam kung anong nakain nila kasi may chainsaw pang dala para daw matakot mga 'ykn at umamin agad.
Pero effective naman, kasi umamin sila no'ng nakita nila ang chainsaw.
Iyon nga, umamin sila. Mula noon, pinasundan ko si Ate Wendy ng palihim. Totoo ngang siya may pakana ng lahat, 'di ko akalain na magagawa niya sa'kin. Sadyang ugaling demonyo nga siya.Sa dami ng iniisip ko, 'di ko namalayan na malapit na pala ako sa bahay kaya binagalan ko na pagpapatakbo ng motor ko at mabilis na pumasok sa gate after buksan ng dalawang tauhan ni kuya, pinark ko kaagad at hinagis ang susi sa isang tauhan niya na 'di ko alam ang pangalan at dumiretso sa loob ng bahay.
Alam ko naman na alam na niya ang kanyang gagawin.
"Kuya." seryosong tawag ko kay kuya pagkarating ko sa loob ng bahay. Nasa sala silang lahat. Sabay naman silang napatingin sa'kin.
BINABASA MO ANG
MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)
HumorHighest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! Love ya! 💙 Sabayan at samahan niyo akong mabaliw sa kalokohan ni KYLA MAE SERRANO. Ang babaeng di nauubusan ng kalokohan at kabaliwan na man...