Chapter 44: Confrontation

5K 174 77
                                    

       

--      

*KYLA POV*

Merry Christmas everyone. Yes! p
Pasko na. I'm so happy. Ang daming magagandang nangyari sa buhay ko. I have a family, friends and boyfriend na sobrang mapagmahal.

Finally, kami na ng prinsipe ko. 'Di ko inexpect 'yong ginawa niya. I thought 'di alam no'n ang salitang surprise eh. Iyon pala alam niya at may ginawa na.

And oh! He confessed something. He's my stalker.

My Gangster stalker.

Akala ko dati iba 'yong sumusunod sa'kin palagi. Alam ko dati may palaging sumusunod sa'kin pero hindi ko alam kung sino. Siya lang pala, iyong baliw lang pala na si Melvin Chavez. At siya rin 'yong lalaking nahuli ko no'ng isang beses, muntik ko pang masaksak dahil sa kakasunod niya.

Akala pa nga niya magagalit ako sa ginawa niya pero, no. I'm so glad and happy na palagi niya akong sinusundan at binabantayan. Kasi ramdam ko 'yon eh, kahit na hindi siya nagpapakita. Alam kong safe ako dahil ramdam ko 'yon. Hindi ako kinakabahan sa tuwing nandiyan siya.

Bakasyon na, tapos na christmas party namin. Iyong niregalo ko kay Jeline ay make-up, mahilig kasi siya do'n kaya gumaganda siya. Hehehe. Si Fluffy nga sana 'yon eh, kaso natatakot kaya hindi ko nalang tinuloy. Tuwang-tuwa pa ang baliw na 'yon sa gift ko at napayakap pa sa'kin. Pareho pa kaming nagulat no'n, siya ang unang bumitaw at mabilis na tumalikod. Siguro nahihiya.

---

Today, uuwi ako kina nanay. I want to see her and hug her. I miss her so much and I want to talk to my fake sister. I need to say something to her.

Inayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko sa bagpack ko. Nang biglang tumunog ang phone ko, pagtingin ko sa caller ID. Napangiti ako, si Melvin pala kaya sinagot ko kaagad.

"Good morning my princess."  bati niya kaya napangiti kaagad ako.

"Good morning too, my prince."

"So, how's your sleep ?"

"Okay na okay. And how about you?"

"Sobrang okay. Kasi napanaginipan ko na naman ang mahal ko."  lalo akong napangiti sa sinagot niya. Pinipigilan kong tumili, baka sigawan ako ng kuya ko na sobrang KJ at bitter. Hehehe.

"Asus!"  natatawa kong sagot kaya tumawa din siya ng mahina.

"Ayaw mo ba talaga magpasama princess?"  seryoso niyang tanong kaya natigil ako sa pagtawa.

"Kaya ko na po. Ayaw ko lang na may makarinig sa pagtatalo namin ni Ate Wendy."

"Kahit ako?"  matamlay niyang tanong kaya napangiti ako.

"Kahit po ikaw. Sorry na my prince. Please? Gusto ko kasi na kapag nag-uusap kami, kami lang dalawa or sila nanay at tatay."

"Oo na po. Nagpabebe lang naman ako, baka sakaling pumayag ka. Saka nando'n tatay mo, este fake mong tatay. Baka saktan ka nila."  nag-aalala niyang paalala sa'kin.

"They can't hurt me now. You know what I mean. I can handle this, so stop worrying okay?"  pag-aalo ko sa kanya at narinig ko naman na bumuntong-hininga siya.

"Fine. Fine. Pero kung may gagawin silang masama, tawagan mo ako kaagad. Okay?"

"Noted boss."

"Good. Ingat ka do'n princess."

"Opo. Ikaw din po."

"Sige na princess. Para makaalis ka na. I'll call you again kapag nakauwi ka na."

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon