Eto ang pinaka-hihintay ng lahat. Pag Foundation day dito sa school namin, madaming events ang nagaganap. Singing, Dance, Acad Contest at ang Mr. and Ms. T.I.S.
Habang naglalakad ako papasok ng classroom, ang dami kong nakakasalubong na students from every year na busy sa paghahanda para sa founding anniversary ng school. Hindi pa ako nakakapasok ng classroom, may lumapit sakin from 1st year High school. Pinapapunta daw ako ni Sir Pangilinan sa faculty. So, pumunta naman agad ako.
Pagbukas ko ng pinto, may nakita agad akong semi-long hair na lalaki, nakayuko. Pagpasok ko, tumingin sya sa akin at ngumiti. OMG! Si Harry. Bakit kaya sya nandito sa Faculty? So, nakita na ako ni Sir Pangilinan at pinaupo sa tabi ni Harry. Kilig much talaga.
Sir Pangilinan: Okay, Mr. Tuazon and Ms. Zamora. This month is our Founding Anniversary. Aware naman kayo sa Mr. and Ms. T.I.S diba? So, me and all the faculty members decided na kayo ang magiging representative ng 4thyear Roma para sa pageant. So, mag-ready na kayo for this event, okay? As your adviser, gusto ko kayo ang the best. Kabugin nyo ang ibang year. Alam ko namang kaya nyo yan dalawa. I trust both of you.
Nakakataas talaga ng Self Confidence yung mga words ni Sir Pangilinan. After ko marinig ang balita na yun, gusto kong tumalon. Kasali ako sa pageant at si Harry ang Partner ko. So, lumabas na kami ni Harry ng Faculty, habang naglalakad kami papasok ng room, tumingin sya sa akin.
Harry: Nakasali ka naman na ng pageant ilang beses na diba?
Ako: Ha? Oo. Bakit?
Harry: Tulungan mo ako ha? Hindi kasi ako makatanggi kay Sir lalo nalaman ko na ikaw yung partner ko.
Ako: (Nag-blush ako sa narinig ko) Ha? Bakit naman di ka nakatanggi?
Harry: Alam ko kasi na kaya mo akong dalhin sa stage. (Ngiti sabay kindat)
Ano ba? Masyado mo na akong pinapakilig eh! Sabay kaming pumasok sa room. Pagpasok ko, nakita ko si Taylor, ang sama makatingin sa akin. Akala mo lalamunin ako ng buhay. Pero dedma lang. Ang ganda ko masyado para pansinin sya. So, pumunta na kami ni Harry sa pwesto namin.
Breaktime na namin. Mag-isa lang ako. Dahil yung mga kaibigan ko pupuntang library para sa research project namin. Habang naglalakad ako papuntang cafeteria, sinalubong ako ni Taylor kasama ang mga kaibigan nyang di ko alam kung saang gubat nya nakuha.
Taylor: So, Kendall Caitlyn Ayala Zamora. Ang ganda mo.
Ako: Alam ko. Di mo na kelangan pang sabihin.
Taylor: Kapal din ng muka mo no?
Ako: Ano bang problema mo?
Taylor: Layuan mo si Harry kung ayaw mong masira ang buhay mo.
Ako: So matatakot na ba ako? For your information, hindi ako ang lumalapit kay Harry, sya ang lumalapit sa akin. Kaya sya ang sabihan mo wag ako. Tsaka diba? Ex ka nalang ni Harry? Bakit nangingialam ka pa sa kanya? Move on na te. At kahit anong gawin mo, hindi mo kami mapaglalayo ni Harry dahil bata palang kami, magkasama na kami. So please, excuse me! Wala akong panahon sa kadramahan mo sa buhay mo.
At iniwan ko na sila ng mga kaibigan nyang nakawala sa zoo. Ang kapal naman ng muka nyang sabihan akong layuan si Harry. Si Taylor ang transferee sa school namin nung first year kami, sya din ang unang naging girlfriend ni Harry.
Nasa canteen na ako, pa-order na ng pagkain ng dumating mga kaibigan ko kasama sila Harry.
Selena: Ngayon ka palang oorder?
Ako: Oo, may humarang kasi sakin kanina dyan habang papunta ako dito.
Selena: Sino?! Sabihin mo! Susuntukin ko!
YOU ARE READING
All his Little Things ♥
FanfictionFirst Time ko magsulat ng Story dito sa wattpad so I hope magustuhan nyo tong First Story ko na inspired by 1D. Enjoy Reading. Don't forget to rate :) Godbless! ^^