Chapter 15: Back to School

10 1 0
                                    


Tamad na tamad pa akong bumangon dahil antok na antok pa ako kaso ilang beses na akong ginigising ni Manang. Naaawa naman ako dahil akyat-baba akyat-baba sya dito. Nakakapagod kaya yun kaya naman bumangon na ako at naligo at nag-ayos. Pagkatapos ay bumaba na ako para kumain. Hinanda agad ni Manang ang kakainin ko. Kumain na ako at tinawag si Manong para magpahatid sa school. Pagdating namin ng school, bumaba na ako at pumasok sa campus. Tumingin ako sa paligid. Hayyyy! Namiss ko ang maglakad dito sa Tuazon International School. Habang naglalakad naman ako papasok ng room ay nakasalubong ko si Gigi. Sabay na kaming pumasok sa room. Nasa corridor na kami ng makarinig kami ng malakas na tilian. Nagulat kami at sumilip nang makita namin na naglalakad sila Harry. Slow Motion! Naalala ko yung first day ng 4th year namin. Napangiti lang ako at napailing at pumasok na kami ni Gigi. Umupo sa upuan namin.

Ako: Nasan nga pala si Selena?

Gigi: Naku! Pinauwi ng Las Vegas nila Tita. Pero nagpaalam naman sila kila Dean. Magtetake kasi sya ng entrance dun.

Ako: Oo nga pala. Malapit na tayo grumaduate.

Nalungkot ako bigla dahil naalala ko yung sinabe nila Daddy na sa London nila ako pagaaralin.

Gigi: Ikaw? Saan ka magaaral?

Ako: Gusto nila Mommy at Daddy sa London eh.

Gigi: Good for you. Magaganda daw mga universities dun.

Ako: Ewan ko ba.

Pumasok na sila Harry sa room, tumabi si Harry sakin at si Liam naman kay Gigi. Napatingin ako kila Liam at Gigi nang hawiin ni Harry ang muka ko patingin sakanya.

Harry: Sakin ka lang tumingin.

Ako: Kahit nagtuturo si sir?

Harry: Oo. Ako lang ang titignan mo.

Hinampas ko si Harry at napatawa ng very light lang. Tumawa din sya. Bigla namang pumasok si Taylor kasama ang mga kaibigan nya. Tumingin sila sakin at bago umupo---

Taylor: Hi Babe! See you later.

At nag-flying kiss pa. Ngumiti lang si Harry sakanya at walang sinabe. Fishtea to! Kinilig pa ata sa pagtawag ni Taylor sakanya. Bigla namang pumasok ang teacher namin kaya tumingin na kaming lahat sa harap at nakinig. Tumigil na din sa paghahampasan si Gigi at Liam.

Pagkatapos ng klase ay nauna na kami ni Gigi sa Cafeteria, susunod nalang daw sila Harry. Umorder na kami ni Gigi ng kakainin namin sabay namang dumating sila Liam pero wala si Harry.

Liam to Gigi: Uy! Sarap nyan ah? Penge nga ako!

Gigi: Tss. Bibwisitin mo ba ako maghapon?

Liam: Hindi kita binibwisit. Naglalambing ako sayo!

Niall at Louis: Ayiiiiie! May namumuo!

Gigi: May mamumuo talagang pasa dyan sa muka ni Liam pag di pa ako tinigilan.

Tumawa lang ako at maya-maya ay nagtanong na.

Ako: Nasaan si Harry?

Liam: Ay darling, hindi ko alam eh (Kumindat)

Niall: Kanina lang kasunod namin eh.

Hinampas ko naman si Liam sa pagtawag nya sakin ng Darling at tuloy-tuloy lang sya sa pangiinis kay Gigi. Nasaan kaya yung Long Hair na yon? Kumain nalang ako at nakikinig at nanunuod sakanila. Wala akong makausap kasi busy silang lahat kaya naisip kong itext si Harry. Kaso naisip ko, wag nalang pala kaya pinasok ko na sa bag ko yung phone ko.

All his Little Things ♥Where stories live. Discover now