Chapter 7: Bitter Taylor

12 1 0
                                    

Unang araw ng intramurals. Nasa school na ako, naghahanda para sa Marching Band ng biglang pumasok si Taylor sa Cr ng mga Girls.

Taylor: You think you're beautiful enough? I don't think so.

Ako: Bakit ba inis na inis ka sakin?

Taylor: Eh bakit kasi ang higad mo kay Harry?

Ako: Hindi ko na kasalanan yun kung lapit ng lapit sakin si Harry. You know what? Nilalamon ka ng ng insecurities mo. Walang gamot dyan Girl! Get well soon.

Lumabas na ako ng Cr at iniwan ko sya dun. Papunta na ako ng Gym ng biglang nagring ang phone ko. Unknown number.

"HINDI PA TAYO TAPOS!"

Obviously, its taylor. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng nagring ulit ang phone ko. Sinagot ko.

Ako: Ano ba? Di mo ba talaga ako titigilan?!

Harry: Ha? Anong ginawa ko sayo?

Pagcheck ko ng phone, si Harry pala.

Ako: Ay sorry.

Harry: May kaaway ka ba?

Ako: Wala. May nangungulit kasi sakin kanina eh.

Harry: Nasan ka ba? Papunta na akong school. Gusto kita makita.

Kinilig ako sa sinabe nya.

Ako: School na. Dito sa gym.

Harry: Sige. Puntahan kita dyan.

At binaba na nya ang phone.

Habang naghihintay ng oras. Nakita ko si na si Harry, papalapit sa akin. Bumalik nanaman yung pakiramdam ko nung First Day. Naninigas at parang mahihimatay. Habang papalapit sya ng papalapit sakin, lalo akong di makagalaw.

Harry: Huy! Okay ka lang? Para kang nakakita ng multo.

Ako: Ah. Oo. Nakakita ako multo, eto sa harap ko.

Harry: (Sumimangot. May inabot sakin) Oh! Pinabibigay ni Mommy. Binake nya kagabi. Ubusin mo daw.

Ako: Wow! Cookies! Say thankyou to tita for me.

Harry: Akina mga gamit mo. Ako na magdadala.

Ako: Ha? Bakit?

Harry: Alangan namang dalhin mo yan habang nagmamartsa ka?

Ako: Sunget neto! Meron ka ba?!

Inabot ko mga gamit ko sakanya.

Nag-aassemble na ang banda sa likod ng gate, nagre-ready na para umikot sa lugar na sinasakupan ng school namin. Lumabas na din ang mga studyante. Pumwesto na ako sa harap. Medyo kabado ako pero kaya ko to.

*Whistles*

Nagsimula ng tumugtog ang banda, nagsimula na din kaming maglakad palabas ng school. Eto na, ang daming tao. Pati yung mga taong nakatira sa labas ng school namin, nanunuod din. Naglakad ako at pinaglaruan ang baton. Martsa. Martsa. Martsa. Nakita ko ang mga kaibigan ko kasama ang mga kaibigan ni Harry, pero bakit wala si Harry at Louis? Nasan yung dalawang yun. Patuloy ako sa pagmartsa hanggang sa naikot namin ang lugar at nakabalik na sa school. Nangalay yung paa ko kaya naupo ako saglit ng biglang tumabi sakin si Harry at inabutan ako ng tubig.

Harry: Galing mo talaga!

Ako: Thankyou sa tubig. Thankyou din sa pambobola.

Harry: Hindi bola yun no. Totoo yun (Nakangiti) Mamaya may laro na kami.

All his Little Things ♥Where stories live. Discover now