Chapter 12: Back to Philippines

8 0 0
                                    


Its so good to be back! Hinatid na ako ni Harry sa bahay para makapagpahinga. Nakakapagod yung byahe. Masyado nanaman kasi akong nalula. Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ni Manang at ibinaba nila ni Manong ang mga gamit ko, ako naman ay dumiretso sa kwarto ko para magpahinga.

Manang: Ma'am, kumain muna po kayo.

Ako: Mamaya nalang po. Matutulog muna po ako.

Sabi ko kay manang habang naglalakad paakyat sa kwarto ko.

***

*Kriiiiing Kriiiing*

*Kriiing Kriiiing*

Gigi Calling ....

Nagising ako sa lakas ng ring ng cellphone ko. Nakakabulabog. Sinagot ko agad to. Di pa ako nagsasalita, biglang---

Gigi: Kc! Kelan ka pa nakabalik dito?

Ako: Kaninang tanghali lang. Bakit? (Boses ng kagigising lang)

Gigi: Namiss kita! Ilang linggo kita di nakita. Free ka ba tonight?

Ako: Ha? Bakit? Anong meron?

Gigi: May bagong bukas na Cafe, dinner tayo.

Ako: Sige. 7pm sharp. Prepare lang ako.

Gigi: Sige. Dun na tayo magkita. Bye!

Tinignan ko ang orasan ko. 6pm na pala? Mahaba-haba din ang tulog ko. So, tumayo na ako at nagpunta sa banyo para maligo at magayos. Pagtapos ko magbihis, bumaba na ako para magpaalam kay Manang.

Ako: Manang, alis lang muna po ako. Magkikita kami ni Gigi.

Manang: Miss, kumain muna po kayo. Kanina pa po kayo di kumakain.

Ako: Dun na po ako kakain. Kayo nalang po ni Manong ang kumain. Wag po kayo papagutom (Nakangiti)

Manang: Ay ma'am. Tumawag nga po pala ang Mommy mo. Tinatanong po kung nakauwi na kayo. Pinapasabi din po nya na kunin mo nalang po yung allowance nyo sa bangko, baka daw po di sila makauwi bago mag bagong taon.

Wala naman bago dun eh. Sanay na nga ako magisa dito sa bahay eh. Sanay ako na ang kasama sa bahay pag pasko at bagong taon ay sila Manang at Manong pano laging wala dito sila Mommy.

Ako: Ganun po ba? Sige po Manang, salamat po. Mauuna na po ako.

Manang: Tawagin ko po ba si Leo?

Si Leo ay si Manong, sya ang driver ko.

Ako: Hindi na po. Magtaxi nalang po ako okaya ako nalang po ang magdadrice nung sasakyan?

Manang: Sige po, eto po ang susi ng sasakyan nyo Ma'am. Ingat po kayo (Nakangiti)

Lumabas na ako ng bahay at nagpunta sa garahe. Pinaandar yung sasakyan at umalis na. Tinext ko si Gigi na papunta na ako at tinanong ko kung saan ba banda yung Cafe na sinasabe nya. Nung magreply sya ay madali naman akong nagpunta. Pagkadating ko, nandun na sya.

Ako: Early bird sis!

Tumayo sya at bumeso sakin.

Gigi: Namiss kita eh. Hindi ka man lang kasi nagsabi sakin na hindi ka pala dito magpapasko.

Ako: Biglaan eh. Kahit ako di ko alam.

Alam nya kaya na si Harry ang kasama ko buong linggo na wala ako dito sa pinas? Alam din nya kayang yun ang kasama kong sumalubong sa pasko?

All his Little Things ♥Where stories live. Discover now