Lagi na nya akong sinusundo sa bahay para sabay kaming papasok at hinahatid pauwi para masigurado daw nya na safe akong makakauwi ng bahay. Lage nya akong sinasamahan sa school, kulang nalang pati sa cr samahan nya ako. Pag weekends, pupunta sya sa bahay para makita ako, madalas nya akong ipagluto. Ang sarap sa feeling. Prinsesa nya ako kung ituring. Walang araw na hindi ko nararamdaman na special ako sakanya. At dahil dun, lalo ko syang minamahal. Ang bait bait nya at ang sweet nya. Walang dahilan para di ko sya mahalin. PERO, ano ba ako sakanya? Friends lang kami pero parang Boyfriend ko na sya. Ayaw kong bigyan ng meaning lahat ng ginagawa nya sa akin dahil ayokong umasa.
Naglalakad na kami sa loob ng school, dumaan muna ako sa locker room para kunin yung iba kong gamit, pinauna ko na sya sa room. Pagbukas ko ng Locker ko, may nahulog na isang rose at letter.
"Hi! Have a nice day ahead ^^"
Sino kaya to? Pakana nanaman ba to ni Taylor? Hmmm. Kinuha ko ang letter at ang rose. Pumasok na ako sa room. Nakita ni Harry na may dala akong bulaklak. Pagkaupo ko.
Harry: Oh. Kanino galing yan?
Ako: Di ko alam. Nakita ko lang to sa locker ko eh.
Tumahimik na si Harry sabay pasok naman ng teacher namin.
Breaktime. Kasama ko si Gigi sa Canteen kasi nasa school garden sila. Kami na ang bibili ng snacks namin.
Gigi: Wala kang idea kung kanino galing yun?
Ako: Kutob ko kay Taylor. Ayaw nya akong tantanan eh.
Gigi: Tinignan ko reaksyon nya kanina nung pagpasok mo na hawak mo yung rose. Halata sa muka nyang inis sya. So, it means, di galing sakanya yung bulaklak.
Ako: Eh kanino naman to manggagaling?
Gigi: Kay Harry?
Ako: Imposible! Edi sana binigay nalang nya sa akin personal?
Napaisip ako sa sinabe ni Gigi. Pero bakit naman ilalagay pa ni Harry sa locker? Nabigyan nga nya ako ng isang bouquet nun personal, tapos ngayon ilalagay nya sa locker ko? Tapos na kami umorder ni Gigi, papunta na kaming school garden para puntahan sila Harry, pagdating namin, kumakanta si Harry. Tumingin sya sa akin at pinaupo ako sa tabi nya at tumuloy sa pagkanta. Nakatingin lang ako sakanya, feeling ko tuloy hinaharana nya ako kahit hindi naman. Ang ganda talaga ng boses nya. Nakaka-inlove.
Lumipas ang mga araw, araw-araw akong nakakatanggap ng notes at flowers na nakalagay sa locker ko. Ang tagal na nya akong binibigyan ng notes pero ni-minsan hindi nya naisulat yung pangalan nya o kahit initials man lang nya. Papasok na ako ng room. Sakto dating ng teacher namin. Lectures! Nagkaroon ako ng chance na makita yung sulat ni Harry. Habang nagsusulat sya, tinitignan ko sya. Ikinumpara ko yung sulat nya dun sa sulat sa notes. MAGKAIBA! So sino ang nagbibigay sa akin ng notes at bulaklak? Naguguluhan na talaga ako.
Pauwi na kami ni Harry. Hinatid nya ako, dala-dala ko yung mga bulaklak, yung iba lantang lanta na dahil ang tagal ng nasa locker ko. Nakatingin lang sya sa mga bulaklak at parang ewan yung muka nya.
Ako: Ano problema mo?
Harry: Wala!
Ako: Galit ka ba?
Harry: Hindi.
Ako: Eh bakit ganyan ka?
Harry: Wala. Mukang may manliligaw ka na.
Ako: Manliligaw ka dyan?! Ni-hindi ko nga kilala kung sino yun eh, manliligaw?
Nakarating na ako sa bahay. Hindi sya tumingin sa akin nung bumaba ako kaya nagpaalam nalang ako agad sakanya. Pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko. Nakatitig lang ako sa mga bulaklak na hawak ko. Iniisip ko kung kanino to pwede manggaling. Pero wala talaga akong maisip. Binaba ko na yung bulaklak kay Manang at hinayaan ko na sya kung anong gagawin nya.
Pababa na ako sa kainan para kumain, nakita ko yung bulaklak sa flowervase baba ng hagdan namin. Napangiti ako bigla. Hindi ko alam kung kanino galing tong mga bulaklak na to pero natuwa ako nung nakita ko sya. Maya-maya may bumubusina na sa labas ng bahay namin kaya nagmadali na ako lumabas.
Pagsakay ko ng sasakyan nya. May inabot sya sa aking Hot Choco at Sandwich.
Harry: Goodmorning! Alam kong di ka pa nagbebreakfast kaya dinalhan na kita. Ako gumawa nyan (Nakangiti)
Ako: (Napangiti ako dahil sa ngiti nya) Thankyou!
At nagdrive na sya papuntang school.
Ilang araw ko di nabuksan ang locker ko. Pagbukas ko ngayon, nagulat ako. Punong-puno ng red roses' petals yung locker ko. Hinahanap ko kung may note pero wala akong nakita. Inipon ko yung mga petals at nilagay sa isang paper bag na maliit at nilagay ko sa bag ko. Sino kaya yung naguubos ng oras para lang gawan ako nito? Sana magpakilala na sya dahil gusto ko mag-thankyou sa kanya.
Papunta akong cafeteria ng makasalubong ko ang mga kaibigan ko. Hinila nila ako papuntang Gym. Pagdating namin sa Gym, ang daming petals at ang daming sticky notes. Inisa-isa ko yung mga notes, pero kahit isa man lang dun, wala ang initials or name nya. Napangiti ako sa huling notes na nabasa ko.
"Ang ganda mo talaga pag ngumingiti. Nakaka-laglag ng puso"
Paglingon ko sa likod, nandun si Harry kasama ang mga kaibigan nya. Nakita ko yung itsura nya, naka-kunot ang noo sabay umalis. Ano kaya problema nun? Tinanong ko ang mga kaibigan ko.
Ako: Sino gumawa nito?
Selena: Di namin alam eh. Pagdating namin dito nandyan na yan. Maglalaro sana kasi kami eh.
Gigi: May secret admirer ka sis!
Napangiti lang ako sa sinabi ni Gigi. Kinuha ko yung mga notes at tinabi ko pati yung mga petals.
Pauwi na kami ni Harry pero hindi nya ako iniimik. Ano kayang problema nito? Kinakausap ko sya pero hindi nya ako pinapansin kaya tumahimik nalang ako. Nagulat ako bigla nyang kinabig yung sasakyan at iniba ng way. Natakot ako kaya tinanong ko sya pero ayaw nya pa din ako kausapin hanggang sa nakarating kami sa restaurant na pinuntahan namin nung pinakilala nya ako sa parents nya. Bumaba sya at binuksan nya yung pinto ko. Bumaba na ako. Inaya nya akong pumasok kaya sumunod ako sakanya.
Nasa loob na kami ng restaurant, dumating yung waiter para kunin ang order namin. Umorder na kami. Habang hinihintay yung order, nakatingin lang sya sa akin. Halos matunaw ako sa titig nya. Naalala ko tuloy yung mga titig nya sa akin nung pageant. Hindi ko kayang tagalan yung titig nya kasi lalo akong nai-inlove sakanya kaya umiwas na ako ng tingin.
Harry: Ang ganda mo talaga.
Nagulat ako sa sinabe nya. Nai-speechless ako kaya napayuko nalang ako.
Harry: Hindi na ako magtataka kung bakit madami nagkakagusto sayo.
Ano? Madaming nagkakagusto sa akin? Sayo nga yung madaming nagkakagusto eh. Wag mo nga baliktarin. Nakatingin pa din sya sa akin pero this time, nakangiti na sya. Dumating na yung order namin. Grabe! Ang dami! Gutom ba sya? Mauubos ba namin to?
Harry: Kain na tayo.
Tumayo sya at pinagsilbihan ako.
Ang tahimik lang ng kain namin. Di kami nagpapansinan. Pagtapos namin kumain, hinatid na nya ako sa bahay.
Natatawa ako pag naaalala ko yung reaksyon nya kanina. Kahit inis na sya, ang cute pa din nya. Naisip ko bigla yung sinabe nya sa akin na "madaming nagkakagusto" sakin. Pano naman nya kaya nasabi yun? Ni-isa nga walang nagtangkang manligaw sa akin eh tapos sasabihin nya yun? Tsaka kahit naman may manligaw sa akin, sya lang ang gusto ko. Sya lang at wala ng iba. Bakit kaya ganun sya magreak nung nakita nya yung mga bulaklak dati tsaka nung nakita nya yung sa Gym kanina? Nagseselos kaya sya? O concern lang sya sa akin?
YOU ARE READING
All his Little Things ♥
FanfictionFirst Time ko magsulat ng Story dito sa wattpad so I hope magustuhan nyo tong First Story ko na inspired by 1D. Enjoy Reading. Don't forget to rate :) Godbless! ^^