Chapter 1: First Day of School

34 3 0
                                    

First Day of School. Excited pero tinatamad ako pumasok. Hindi ko alam kung Bakit. 4:00 am palang gising na ako, nakaharap lang sa cellphone ko, tinitignan ang picture ng ultimate crush ko since Grade 1. Sobrang taga-hanga nya talaga ako mula mga bata pa kami. Napaka-bait nya kasi, talented, matalino at ang sweet nyang tao. Ay! Hindi pala sya tao, anghel nga pala sya na bumaba mula sa langit. At napaka-gwapo nya pa. Lahat ng babae sa campus namin, baliw na baliw sakanya. Isa na ako dun pero never ako nagpahalata.

*Alarm Clock Rings*

Nagulat pa ako kasi ang lakas. 5:00 am na pala. Kelangan ko na tumayo para makapag gayak.

*After 1 hour and 30 minutes*

Tapos na ako maligo at mag-ayos. Bababa na ako para kumain. Pagbaba ko, nandun na sila Mommy at Daddy sa Dining Table, kumakain na. At si Manang na hinihintay ako bumaba. Nakahanda na yung pagkain. Alam na alam talaga ni Manang kung ano yung gusto ko. Yaya ko na sya simula pagkabata. Sya ang madalas kong kasama dito sa bahay kasi madalas wala sila Mommy at Daddy. Sya na din ang nagpalaki sakin.

Naguusap sila Mommy at Daddy about sa business ng mapatingin sila sa akin.

Daddy: Kc, ano kukunin mo sa college?

Ako: College agad dy? Di pa nga po ako nakaka-graduate?

Daddy: Dapat ready ka na. Set na dapat ang isipan mo sa kukunin mo para sa college. Para maipasok ka namin sa magandang school.

Ako: Sige po, matagal pa naman ang graduation, pagiisipan ko na.

Mommy: Napagusapan kasi namin ng Daddy mo na sa London ka pagaralin for college.

WHAAAAAAATTTT?! London? Madami namang school dito bakit dun pa? Nagulat ako sa sinabe ni Mommy. Pano pag nasa london na ako? Hindi ko na makikita yung crush ko?

Ako: May college naman po sa school na pinapasukan ko my, dun nalang po ako if ever.

Daddy: Maganda ang school mo. Kung ang daddy nga ni Harry, gusto sya pag-aralin sa ibang bansa, may school na sila, bakit ikaw hindi? We just want whats best for you baby.

Wala na akong nasabi. So, nabanggit na ni Daddy si Harry, sya ang ultimate crush ko mula Grade 1. Magkaibigan ang Daddy ko at Daddy ni Harry pero ewan ko ba, bakit hindi kami naging close sa loob ng 11 years na magkasama kami sa iisang school at sa sabay naming paglaki. Naguusap kami pero hindi as friends, as classmates lang. Iba ang kaibigan nya sa mga kaibigan ko. Pero nakakausap at nakakasama ko mga kaibigan nya. Di ko alam kung bakit sya, inilalayo ng tadhana sakin. Hindi ba kami pwede maging friends man lang? *sigh* Lagi kaming magkapartner nun mula Grade 1 hanggang nag-3rd year High school ako pero ni minsan hindi kami naging close.

Papasok na ako. Pagbaba ko ng sasakyan, naglakad agad ako papasok ng campus. Habang naglalakad ako papasok, may humila ng buhok ko. Paglingon ko, ang kaibigan kong si Gigi. Nagulat ako, sa sobrang pagkamiss ko sakanya, napayakap nalang ako agad sakanya.

Ako: Uy! Gi, kamusta ka na? Long time no see. Namiss kita.

Gigi: Okay lang ako. Ikaw! Dalawang buwan lang ang bakasyon, tumaba ka na. Namiss din kita. Pano naman kasi wala ka dito nung bakasyon.

Ako: Oo nga eh, sila mommy kasi eh, sinama pa ako sa states. Pero okay lang, dinalaw din kasi namin si Lolay.

Gigi: Kamusta naman si Lolay? Kelan sya uuwi dito? Namimiss ko na din sya eh.

Ako: Okay naman sya. Dun na sya sa states for good. Di na din sya makakauwi dito.

Gigi: Ay! Bakit naman? Say...

Napahinto si Gigi sa sinasabi nya dahil may sumisigaw sa kaliwa namin. Pagtingin namin, si Selena. Ang isa ko pang bestfriend.

Selena: Gosh! Kanina ko pa kayo hinahanap. Nandito lang pala kayo. Namiss ko kayo!

Ako at Gigi: The feeling is mutal Girl.

Selena: Anong section kayo?

Gigi: A ako.

Ako: Ako din.

Selena: A din ako. Aaaaaaaaahhh! Magkakaklase ulit tayo.

Nagtawanan kaming tatlo dahil hindi na kami nagkahiwa-hiwalay simula Elem. Lagi na kaming magkakasama. Kahit sawang sawa na ako sa muka nila, mahal na mahal ko sila.

Selena: Tara pasok na tayo. Gusto ko na makita mga classmates natin.

Ako: Classmates o si Niall?

Gigi: Kayo pa din hanggang ngayon?

Selena: Oo naman no. Forever to tol. No one can tear us apart!

Ako: (Laugh) Tignan nga natin?

Gigi: Section A din ba si Niall?

Selena: Ewan ko lang dun. Surprise daw nya sakin section nya eh.

At nagtawanan kaming tatlo. Naglalakad na kami papasok ng room ng makarinig kami ng mga nagsisigawan at nagtitiliang babae. Tila mga mamatay at kinikiliti sa kilig. Pagsilip namin sa corridor napa-OMG! nalang ako ng pabulong sa gulat. Si Harry kasama ang mga kaibigan nya. Ang gwapo nya talaga. Gusto ko ding kiligin kaso di ko magawa. Nahihiya ako. Nakatitig lang ako sakanya habang nagsisigawan yung mga babae sa paligid ko. Bigla akong binatukan ni Gigi, at nag-aya na pumasok. Kainis! Panira ng moment!

Pagdating namin sa classroom namin, pumwesto agad kami sa dulo. Lagi kasi kami sa dulo pumepwesto ng mga kaibigan ko. Pagkaupo ko, biglang pumasok sila Niall, Louis, Liam at huli si Harry. Natulala nanaman ako kay Harry, slow motion ang lahat. Habang papalapit sya sa akin, naninigas ako. Feeling ko mahihimatay ako. Pagdating nya sa akin, ngumiti sya at umupo sa tabi ko. Goooooooossshhh! Gusto kong sumigaw kaso di ko magawa. Natunaw ako sa ngiti nya. Sa sobrang tulala ko, di ko napansin na kinakausap na pala ako ni Gigi.

Gigi: Hoy! Okay ka lang?

Ako: Ah.. Eh.. Oo naman. Bakit?

Gigi: Para ka kasing nakakita ng multo eh.

Hindi ako nakakita ng multo. Knight and shining armor ko yung nakita ko. Dahil magkatabi kami ni Harry sa upuan, amoy na amoy ko yung pabango nya na gustong gusto ko. Grabe! Gusto kong magwala sa kilig. Pero kalma lang Ken, wag pahalata. Nagmomoment ako ng biglang pumasok ang teacher namin. Si sir Pangilinan. Kilala ko na sya, sya kasi yung nag-coach sakin nung sumali ako ng pageant para ire-present yung school namin. Mabait sya, may pagka-strikto nga lang. Sya ang adviser namin ngayon.

*Bell Rings*

Okay. Uwian na. Palabas na ako ng room nung nahulog yung panyo ko ng di ko napapansin. Habang naglalakad kami ng mga kaibigan ko, may tumatawag sa akin, pag lingon ko, si Harry, tumatakbo. Paglapit nya sa akin.

Harry: (Hinihingal) Kanina pa kita hinahabol, yung panyo mo kase nahulog mo kanina. (Inabot nya sa akin yung panyo)

Ako: Ay! Salamat! Pasensya na din.

Harry: Okay lang. Sige. (Smile)

At umalis na sya. Pagkauwi ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko. Inamoy ko yung panyo ko, grabe! Kumapit yung amoy nya. Kaya naisipan kong wag na ipalabhan kay Manang yung panyo ko at di ko na gagamitin kahit kelan. Itinago ko yung panyo ko sa box kung saan nakatago mga pictures namin. Oo, namin! Pictures namin mula elementary pag nagkaka-partner kami.

All his Little Things ♥Where stories live. Discover now