Chapter 28: Last 3 days of School

5 0 0
                                    


Busy ang lahat ng tao dito sa campus. Ang mga di gagraduate ay nagte-take ng kani-kanilang finals examination at ang mga teachers naman namin ay naghahanda sa graduation namin. Kami namang mga gagraduate? Eto, busy din. Kanya-kanyang galaw at lakad. Yung iba hindi na pumapasok, yung iba naman pumapasok para lang tumambay dito sa campus. Ang mga kaibigan ko, nandun sa dean's office at ako naman, naglalakad-lakad dito sa loob ng campus. Sinasariwa at sinusulit ang mga huling araw na nandito ako sa campus na'to. 12years din akong nandito, iiwan ko nalang ng ganun-ganun dahil kelangan ko mag-aral ng college. Nakakalungkot, dahil dito na'ko nag-grow. Ang dami kong memories dito. Dito ko din nakilala ang mga kapatid ko sa ibang magulang at syempre ang long time crush ko na boyfriend ko na ngayon. Mamimiss ko tong lugar na'to.

Nasa gitna ako ng moment ko nang may kumalabit sa'kin mula sa likod ko.

Harry: Saan ka ba pupunta? Kanina ka pa namin hinihintay sa Dean's Office.

Ay! Ang gwapong boyfriend ko pala. Akala ko naman kung sino. Napangiti ako sa nakita ko. Akala ko kasi Anghel eh.

Harry: Hey! Okay ka lang ba?

Ako: Ah! Ako? HAHAHA. Oo naman. Bakit?

Harry: Kanina ka pa namin kako hinihintay sa Dean's Office. May announcement kasi.

Ako: Ah ganun ba? Osige. Tara na.

Pumunta na kami sa Dean's Office. Pagpasok namin, binati agad ako ng mga teacher.

Dean: Okay. Nasa amin na ang rank for top 10 of honors. Sasabihin na namin para yung valedictorian at salutatorian ay makapaghanda na ng speech sa sagraduation. Okay?

Kami: Okay.

Binangit na ni Dean ang mga rank at average namin. Sinimulan sa 10 honorable mention na bali 12th honor. So bali, 12 ang honors samin. Sama-sama na yun mula sa section C hangang sa section namin. Tinawag na ang 5th honorable mention, si Liam. 4th- si Selena, 3rd- si Gigi, 2nd- si Louis. Tatlo nalang kaming di natatawag. Sure naman na valedictorian namin si Niall eh. Ako kaya? Nasa honor pa kaya ako? Naputol ang pag-aannounce ni Dean dahil may sinagot syang phone call. Nagexcuse sya sa'min.

Masaya naman ang mga kaibigan namin dahil nakapasok sila sa honors. Ang hirap kaya. Kelangan maintain na 85 ang average mo para makapasok ka sa over-all rank.

Dean: I'm sorry for the interruption. Okay, nasaan na tayo?

Sir Pangilinan: 1st honorable na po.

Dean: Okay. !st honorable mention, is Mr. Harry James Tuazon.

Napangiti ako dahil pasok si Harry. Masaya din sya sa Rank nya.

Dean: Nagkaroon lang ng problema sa Valedictorian at Salutatorian dahil nag-tie sila. Uulitin namin ang computation. Thats all for now. You may all go now.

Lumabas na kami ng office. Medyo kinakabahan ako dahil baka hindi ako nakasama sa over-all rank. Paano na ang pangarap ng parents ko sa'kin? Nakapasa pa naman ako sa London. They're waiting nalang for my School grades.

Pauwi na ako. Napansin ni Harry na medyo kabado ako.

Harry: May problema ka ba?

Ako: Kinakabahan kasi ako eh.

Harry: Bakit?

Ako: Bakakasi di ako makapasok sa Over-all. Lagot ako kila Daddy at Mommy. (Napayuko ako)

Harry: Ikaw pa? Eh kayo nga ni Niall ang naglalaban sa Top ng klase natin diba? (Nakangit)

Napangiti ako sa sinabe ni Harry. Nagka-lakas ako ng loob kahit papano. Hinatid na nya ako sa'min.

All his Little Things ♥Where stories live. Discover now