March na. Ang bilis talaga ng panahon. At nakakatuwa naman kasi very updated ang mga decorations dito sa campus. May mga nakasabit na graduation cap sa bawat puno at may mga dummy diploma pa. Ano ba meron ngayong araw na to? Ah! Practice para sa graduation. Dali akong nagpunta sa ground ng school. Habang naglalakad ako, may biglang umakbay sa'kin.
Liam: Kamusta naman ang Girlfriend ng Anak ng may-ari ng school na'to?
Ako: Ah. HAHAHAHAHA. Baliw. Ano nanaman ba?
Liam: Wala naman. Namimiss lang namin kayo. Simula kasi nung maging kayo, may sarili na din kayong mundo parang si Niall at Selena.
Ako: Ah. Hindi naman. Alam nyo naman yung kaibigan nyo, sobrang clingy.
Liam: HAHAHAHAHA. Ang clingy nya sayo.
Nagtawanan kaming pareho, sakto naman na nakarating na kami sa ground. Nandun ang mga kaibigan namin pati ang BOYFRIEND KO! Ang sarap sa feeling ng may Boyfriend. Nakita ko si Taylor na nakatingin sa'kin, ngumiti sya at ginantihan ko naman sya ng ngiti. Okay din to, bago kami maka-graduate, naging okay kaming dalawa kahit papano. Lumapit sa'kin si Harry at hinalikan ako sa pisngi. Grabe! Yun lang yung nabago sa pakikitungo nya sa'kin. KUng pano nya ako tinatrato dati, ganun pa din. Sumobra nga lang ng very light tsaka kinikiss na nya ako lagi sa pisngi twing nagkikita kami at sa noo naman twing maghihiwalay kami.
Okay seniors. Let's start the practice. Fall in Line according to your section.
At nagsimula na ang graduation practice namin.
***
Tapos na ang practice namin. Naguusap-usap pa ang mga kaibigan namin, nagexcuse ako sakanila para pumunta ng comfort room. Malapit na ako sa CR nang makasalubong ako ng mga lalaki mula sa section B (Verona). Sila Jak, Ahron at Carlos. Sila ang mga ingit na ingit sa magbabarkadang sila Harry. Mga nakatambay sila sa labas ng CR.
Jak: Look pare oh.
Carlos: Ang syota ng sikat na lalaki dito sa campus.
Ahron: Bakit hindi mo ata kasama ang prince charming mo ha? Miss?
Sabi nya sa'kin habang lumalapit at nilapit ang muka sa'kin.
Ako: Excuse me. Mag-CCR ako kaya pwede? Padaanin nyo ako.
Ahron: Eh kung ayaw namin?
Jak: May magagawa ka ba?
Ako: Wala ako sa mood makipag-trip sainyo.
Carlos: Eh pano ba yan, trip ka namin?
Aba! Aba! Bwisit tong mga to ah? Inirapan ko sila at lumakad papuntang cr nang bigla akong hablutin ng lalaking kulay mais ang buhok. Si Jak.
Ako: Ano ba? Bitawan mo nga ako!!
Pumipiglas na'ko pero ayaw pa din nila akong bitawan. Ihing-ihi na'ko. Bwisit naman tong mga to. Habang nagpupumiglas ako ay biglang may humablot sa'kin.
Harry: Bitawan nyo ang Girlfriend ko!
OMG! Si Harry. Dumating ang prince charming ko para i-save ako. Kinuha ako ni Harry mula sakanila at itinago ako sa likod ko. Biglang lapit naman sila Louis at Liam.
Harry: Alam nyo mga pare, hindi kami nananakit. Ayaw kasi namin na madumihan ang mga pangalan na inaalagaan ng mga magulang namin. Pero sa susunod na bastusin nyo ang Girlfriend ko. Di na'ko magdadalawang isip.
Nakatingin lang silang tatlo sa tatlong lalaki na kasama ko.
Jak: Wag mo kaming tinatakot Tuazon.
YOU ARE READING
All his Little Things ♥
Fiksi PenggemarFirst Time ko magsulat ng Story dito sa wattpad so I hope magustuhan nyo tong First Story ko na inspired by 1D. Enjoy Reading. Don't forget to rate :) Godbless! ^^