Chapter 6: Very Supportive FRIEND?

13 2 0
                                    

Dahil malapit na ang October, simula na ng kaliwa't kanan kong practice. Practice ng umaga para sa Marching Band at hapon naman para sa Cheerdance. Dahil sa hectic sched, di na ako makakapasok sa mga klase ko, hindi ko na din makikita si Harry. Nakakalungkot!

Simula na ng unang araw para sa practice ko. Sa gym ako nagpa-practice. Medyo nahihirapan kasi wala naman akong alam sa pagda-drum major, cheerdance lang alam ko. Pagkatapos ng practice para sa drum major, nagpahinga muna ako saglit bago pumunta sa canteen. Maya-maya, may nakita akong naglalakad na semi-long hair, nang maaninag ko na kung sino, si Harry. Papalapit na sa akin at may dalang paper bag. Ano naman kaya ginagawa nito dito? At ano naman kaya yung dala nya? Paglapit nya sa akin, inabot nya yung dala nyang paper bag sa akin at umupo sa tabi ko.

Harry: Oh! Maglunch ka na.

Ako: Bakit dinalhan mo pa ako? Kaya ko naman pumuntang cafeteria?

Harry: Alam kong pagod ka kaya wag ka ng maarte, kainin mo na yan.

Ako: Mamaya may lason to eh.

Harry: Sana nga pinalagyan ko nalang eh.

Hinampas ko sya at sinabunutan.

Ako: Ang salbahe mo! Lumayo ka nga saakin. Mabaho ako, amoy pawis.

Harry: Wag ka mag-alala, sanay na ako sa amoy mo (Laugh)

Ako: Ang kapal ng muka neto (Inirapan ko sya)

Dahil gutom na gutom na ako, kinain ko na yung dala nya. Pagtapos ko kumain, umalis na sya para pumasok at ako naman nagpahinga at naghanda para sa practice naman ng cheerdance.

Start na ng practice ng cheerdance, tinuturuan ko yung mga member ko ng basic dahil yung iba sakanila, wala pang experience sa cheerdancing. Puro basic lang ang prinactice namin this day dahil ayokong sumabog ang mga kaluluwa ng mga member ko pag nagpractice na kami ng routines. Pinapa-ulit ulit ko lang sakanila yung mga basic. Maya-maya may napansin akong nakaupo sa kaliwang side ng bench, si Harry! Pinapanuod kami. Oh My naman! Nandito nanaman sya. Ang hirap kaya gumalaw pag kinikilig. Pero hindi ko muna sya pinansin dahil ayokong madistract. Tapos na ang practice namin, pinauwi ko na yung mga members ko at ako naman, inaayos na ang mga gamit ko para makauwi. Lumapit sa akin si Harry, binigyan ako ng tubig at pinunasan ang pawis ko. Grabe na ha?! Iba na to! Wag mo akong pinapa-Fall, baka di mo ako saluhin.

Harry: Basang basa ka ng pawis.

Ako: Eh baka nagpractice ako?

Harry: Wala ka bang extra shirt?

Ako: Wala.

Nagbukas ng bag at kumuha ng damit.

Harry: Oh. Pumunta ka sa banyo at magpalit (Inabot ang damit nya)

Ako: Uy hindi na. Uuwi na din naman ako eh.

Harry: Tigas ng ulo! Sige na. Kesa matuyuan ka ng pawis, magkasakit ka pa.

Dahil nakasimangot na sya, kinuha ko na yung damit nya at pumunta na sa cr. Pagtapos ko magpalit, inaya na nya ako umuwi. Hinatid nya ako.

Araw-araw na practice, araw-araw din nya akong dinadalhan ng Lunch at pinapanuod twing hapon. Nakikita ko sakanya na sinusuportahan nya ako. Lage syang nandyan para sa akin. Nakita nya ang improvement ng practice namin para sa cheerdance.

Isang araw ng practice, walang dumating na Harry James Tuazon sa Gym. Medyo nagulat ako. Pagtingin ko sa cellphone ko, may text galing sakanya.

"Hindi kita madadalhan ng lunch ngayon at di din kita mapapanuod. Sorry! May practice kasi kami para sa basketball eh. Punas pawis ha? Wag magpapatuyo. May dala ka bang damit? Susunduin kita mamaya dyan sa school, ihahatid kita sainyo. Galingan mo :)"

Ang sweet nya talaga kaya lalo akong naiinlove sakanya eh.

Okay na kami sa Cheerdance, nakakagawa na kami ng stunts at may step na din ang mga sayaw namin. Konting linis nalang, perfect na. Marching band nalang ang problema ko.

Tapos na ang practice namin. Nagpalit na ako ng damit at nakapag-ayos na din. Dumating na din si Harry, halata sakanyang pagod sya, nag-aya na syang umuwi. Nasa bahay na kami, pababa na ako ng sasakyan nya.

Harry: Magpahinga ka na agad ha?

Ako: Oo. Ikaw din. Salamat! Ingat ka.

At umalis na sya. Nasa kwarto na ako, ready to sleep na. Naisip ko bigla si Harry. Bakit kaya sya ganun sakin? Ganun lang ba talaga sya kasi babae ako at kaibigan nya ako? O baka dahil friends ang parents namin? Sobrang sweet nya kasi sakin. Nakatulog nalang ako kakaisip sakanya.

Habang papalapit ng papalapit ang Intramurals, lalo akong kinakabahan. Paayos na din ng paayos ang pagpapractice ko. Nakukuha ko na ang tamang paghawak at pagbato ng baton at maganda na ang ginagawa ng mga ka-cheerdance ko. Excited ako! Pero may konting lungkot dahil naging busy kami ni Harry pareho, di na kami masyado nagkikita at nagkakausap. Pero naiintindihan ko naman. Alam ko naman na pagkatapos neto, babalik ulit kami sa dati na madalas naguusap at nagkikita.

Last week para sa practice. Everything is perfect. At nandun ang mga kaibigan ko sa Gym pati ang mga kaibigan ni Harry para panuorin ako. Teka! Bakit wala si Harry? Nasaan kaya sya? Bakit wala sya dito para manuod? Baka busy lang sya. So, tuloy ang practice hanggang last day.

Sir Pangilinan: Perfect! I told you, you can do it!

Ako: Thankyou sir for trusting me.

Sir Pangilinan: No! Thankyou for not disappointing me.

Ang sarap sa feeling. Tapos na ang 1 month and 2 weeks na practice. 2 days na pahinga bago ang Intramurals. Bago umuwi, nagka-ayaan muna kami magkakaibigan na kumain sa malapit na cafe sa school.

Gigi: Galing mo talaga sis! Grabe! Sobra hanga ko sayo habang pinapanuod kita nung practice mo.

Selena: Iba ka sis! Maganda na, matalino na, talented pa! Wala ng hahanapin pa si Harry sayo.

Gigi: I second the motion.

Ako: Mga baliw! Bakit naman nasali si Harry dito?

Gigi: Umamin ka nga samin. Nililigawan ka ba ni Harry?

Ako: Hindi no! Magkaibigan lang kami. Wala ng higit dun.

Selena: Friends? Pero kung gumalaw kayo, parang kayo.

Ako: Malabong mangyare yun.

At tinuloy ko na ang pagkain. Pagkatapos namin kunain nagaya na agad ako umuwi kasi late na masyado. Hindi ko na inistorbo si Manong, hindi ko din naman kasama si Harry kaya nag-taxi nalang ako pauwi. Pagdating ko sa bahay, nagshower agad ako at nahiga. Walang text si Harry sakin 3 days na. Ano na kaya nangyari dun? Gusto ko syang itext kaso ayokong mauna ako. Kaya tinignan ko nalang mga pictures namin. Masaya ako sa mga nangyayare saming dalawa. Yung pagiging malapit namin sa isa't isa. Yung pagiging sweet nya sakin na may halong kasungitan. Lahat yun, masaya ako. Namimiss ko na sya. Nasanay ako na lagi kong nakikita pagmumuka nya. Yung lagi kaming magkasama. Lagi nya akong sinusundo at hinahatid dito sa bahay. Yung pagiging supportive nya sakin. Ano kaya para sakanya yun? Naguguluhan na ako.

Sa kakaisip ko sakanya, nakatulugan ko nalang ang pagtingin sa mga pictures namin.

All his Little Things ♥Where stories live. Discover now