Tapos na ang Foundation Day namin. Back to normal na. Papasok na ako ng classroom, dumaan muna ako sa locker ko bago pumasok sa room, pagbukas ko ng locker ko, may nahulog na letter.
"Hi! Hindi ako masyado nakatulog kagabe kakaisip sayo. Ang ganda mo kasi eh. Magdamag kang tumatakbo sa isip ko. Pag nabasa mo tong letter na to, puntahan mo agad ako sa rooftop. Hihintayin kita.
- Harry"
Pagkabasa ko ng letter, kinuha ko agad ang books ko at tumakbo pa-akyat ng rooftop. Pagdating ko ng rooftop. May babaeng nakatalikod. Nilapitan ko. Nagulat ako pagharap nya, si Taylor!
Taylor: So, ineexpect mo talaga na bibigyan ka ng letter ni Harry? You wish! Hindi ikaw yung tipo ng babae na gusto ni Harry! At kahit kelan, hindi mo ako mapapalitan sa buhay nya.
Ako: Hindi ako nagexpect! Alam ko naman na pakana mo yung letter na yun. At hindi din ako umaasang magugustuhan ako ni Harry. Hindi ako nakikipag kumpitensya sayo Taylor, dahil matino ako kumpara sayo. May klase pa ako.
Baba na sana ako kaso bigla nya akong hinila.
Taylor: Wag kang bastos! Kinakausap pa kita, wag mo akong talikuran! (Pasigaw na sabi nya)
Ako: Hindi kita binabastos! Wala lang akong panahon patulan ang mga kagaya mo. Kung gusto mo, si Harry ang kausapin mo wag ako!
At tumuloy na ako sa pagbaba. Nakakainis! Sinira nya ang araw ko! Ang saya saya kong pumasok dito tapos sisirain lang nya! Sa sobrang inis ko, sa cafeteria na ako dumiretso. Kakain nalang ako para mawala kahit papano yung badtrip ko.
Pagdating ko ng canteen, nandun si Gigi. Kumakain.
Gigi: Oh? Bakit hindi ka pumasok?
Inabot ko ang letter kay Gigi. Binasa nya at pagtapos.
Gigi: Pero nasa room si Harry kanina. Hinahanap ka nga nya eh. Kinokontak ka namin kaso cannot be reach ka.
Ako: Hindi naman kasi si Harry nagpadala nyan.
Gigi: Eh sino?!
Ako: Edi yung ex nyang may sapak sa utak!
Gigi: Eh ano bang trip nya? Hindi sya maka-move on?
Ako: Naku! Hayaan mo na. Magsasawa din yan.
Umorder na ako para makakain at tumabi ako kay Gigi. Habang kumakain ako, dumating naman sila Harry kasama ang barkada nya.
Harry: Bakit di ka pumasok?
Ako: Nalate kasi ako eh, kaya di na ako tumuloy.
Umupo nalang si Harry sa tabi ko at tumuloy ako sa pagkain. Pagtapos ko kumain, nagpunta akong library para magresearch tungkol sa project namin. Gulong-gulo yung isip ko dahil sa nangyari kanina. Naiinis ako kasi ang kapal ng muka ni Taylor. Kaso di ko maiwasan si Harry. Ngayon pa na close na kami? Ang tagal kong hinintay tong pagkakataon na to tapos dahil lang sa kabaliwan nya, lalayuan ko si Harry?! Ano sya sineswerte? *sigh*
Ang tagal ko sa library pero wala akong nagawa dahil sa iniisip ko. Ayaw ko nang isipin pero bigla bigla nalang sya pumapasok sa isip ko.
Umalis na ako sa library. Umuwi ako ng di nagpapaalam sa kahit na sinong kaibigan ko o kahit kay Harry. Ayoko muna ng may makausap. Gusto ko muna magisa.
Pagkauwi ko sa bahay. Tumatawag si Harry. Di ko sinasagot. Naka-20 calls sya sakin pero diko sinasagot. Nagsawa na siguro kaya tumigil na. Maya-maya, nagtext sya.
Harry: Bigla kang nawala kanina sa school. Pinuntahan kita sa library pero wala ka. Pumunta ako ng canteen, nagbakasakaling nandun ka pero wala. May problema ba? Nandito lang ako para pakinggan ka. Pero kung gusto mo muna magisa, okay lang. Naiintindihan kita. Itext mo lang ako pag kelangan mo ako ha? Goodnight!
YOU ARE READING
All his Little Things ♥
FanfictionFirst Time ko magsulat ng Story dito sa wattpad so I hope magustuhan nyo tong First Story ko na inspired by 1D. Enjoy Reading. Don't forget to rate :) Godbless! ^^