Pagpasok namin ng room ni Harry, busyng busy ang mga kaibigan namin sa mga kwentuhan nila. Lumapit kami ni Harry at umupo na sa pwesto namin.
Selena: Sis. May damit ka na for prom?
Ako: Wala pa? Sa susunod na ako bibili.
Liam: Pero malapit na yun ah? Aren't you excited?
Harry: Gusto mo ba samahan kita bumili?
Ako: H-hindi na. Baka sila Mommy ang makasama ko sa pagbili ng dress ko. Tsaka ayoko sa mall mamili. Madami kasing tao dun tsaka masyado nang nakita yung mga designs dun.
Pagkatapos ng klase namin. Papunta akong comfort room, nakasalubong ko si Taylor. Nakatingin lang sya sa akin at nilagpasan ako. Kasama nya mga kaibigan nya. Nagulat ako, iba kasi ineexpeect ko. Ineexpect ko, bubungangaan nanaman nya ako pero hindi. Kahit parinig, hindi sya nagparinig sa akin. So, dumiretso na ako sa comfort room. Iniisip ko kung ano nakain nun at hindi ako inaway. Pero okay na yun. Atleast kahit papaano, natahimik na sya.
***
Papalapit na ng papalapit ang Prom namin, wala pa din akong damit kaya naisip kong tumingin sa online shop. Scroll down, scroll down, scroll down then--- PAAAAAAAAKKKK!!!! Nakakita na ako ng pasado sa taste ko. So inorder ko sila agad. Yes! Sila. Dalawa kasi yung nakita ko. So inorder ko silang pareho. Habang papalapit na ng papalapit ang prom, excited naman ako sa mga mangyayare.
***
Ilang araw nalang, prom night na namin. Medyo kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Nakapag-practice na din kami para sa cotillion de honor but sad to say, hindi si Harry ang ka-partner ko; si Liam. Matangakad kasi si Harry kay Liam kaya si Liam ang natapat sakin. Well, okay lang. Okay na din ang lahat para sa magaganap na prom. Sana lang, walang mangyareng hindi maganda. I hope everything will be fine. Pagdating ko sa bahay, agad akong nagpahinga, nag half-bath at natulog.
***
*The Prom Night*
Dito lang ako sa bahay nag-paayos. Tinawagan ko yung kilalang stylist ni Mommy. Nakaprepare na din yung gown na susuotin ko. Binili ni Daddy yung gown sa states. Nakaprepare na din yung dalawang dress na susuotin ko after ng prom program. Mamimili nalang ako sa dalawa kung ano ang susuotin ko. Ako nalang ang hinihintay ni Manong. After akong maayusan, nagbihis na ako at sumakay na sa sasakyan. Yung everest ang dala namin ni Manong para hindi ako mahirapan sumakay at bumaba.
Pagdating ko sa school, puro ilaw. Ang ganda pala ng school pag gabi tsaka pag maliwanag. Open na open ang gate kaya ipinasok ni Manong ang sasakyan, huminto sya sa kinatatayuan ng mga kaibigan ko. May dalawang lalaki naman na lumapit, binuksan ang pinto ng sasakyan at inalalayan akong bumaba. Lumapit naman si Harry. Pagbaba ko ng sasakyan, kinuha nya ang kamay ko at ngumiti.
Harry: You're so pretty (Bulong nya habang nakangiti)
Napangiti ako sa sinabi nya. Lumambot bigla ang tuhod ko sa sobrang kilig kaya bigla akong na-out of balance.
Harry: Hey! Okay ka lang? (Inalalayan nya ako)
Ako: (Habang inaayos ang sarili ko) Ah, oo. Okay lang ako. He-he-he.
Lumapit na kami sa pwesto ng mga kaibigan namin at sabay-sabay kaming umupo sa mga pwesto namin. Nagstart na ang program.
Tinawag na ang mga sasayaw para sa cotillion de honor. Tumayo na kami at nagpunta sa ground. Maya-maya, si Harry ang lumapit sa akin. Nagulat ako dahil hindi naman sya ang partner ko.
YOU ARE READING
All his Little Things ♥
FanfictionFirst Time ko magsulat ng Story dito sa wattpad so I hope magustuhan nyo tong First Story ko na inspired by 1D. Enjoy Reading. Don't forget to rate :) Godbless! ^^