* Text Conversation *
Harry: Hey. Kamusta ka na?
Ako: Okay lang naman.
Harry: Ako na humihingi ng pasensya.
Ako: No. You don't have to. Hindi mo naman kasalanan eh.
Harry: Dahil sa akin kaya inaaway ka ni Taylor at ng mga kaibigan nya.
Ako: Okay lang yun. Atleast, wala akong ginagawang masama, nasa kanila kasi ang problema.
Harry: Hindi ko kasi kayang layuan ka eh. Nalayo na ako sayo once, ayoko ng maulit yun.
Ako: Hindi naman kita pinapalayo eh.
Harry: Pangako ko sayo, hinding hindi na ako mawawala sayo. Lagi kitang poprotektahan. Hinding hindi kita pababayaan.
Gigi: So, okay na ulit kayo?
Tumango ako bilang sagot ko. Pinabasa ko kay Gigi yung conversation namin ni Harry last night.
Gigi: Then, wala ka nang dapat na problemahin pa.
Ako: Kilala naman natin si Taylor diba? Hindi titigil yun hangga't di nakukuha si Harry. Remember? Nasa kanya na nga si Harry, pinagsalitaan pa ako.
Gigi: Di kasi nya matanggap na mas maganda ka sakanya. Insecure lang yun sayo, wag mo nalang pansinin. Madami kaming reresbak sakanya pag inaway ka nya. Sabi nga ni Harry diba? Poprotektahan ka daw nya.
Ngumiti lang ako. Biglang dating ng mga kaibigan namin sa School Garden kasama si Harry. Nagbonding lang kami sa Garden. Tumutugtog si Niall at si Harry naman ang kumakanta. Napangiti ako bigla. Ang saya lang kasi naging okay kami ulit ni Harry. Bumabalik na kami sa dati. Araw-araw na nya ulit akong sinusundo at hinahatid pag may pasok. Araw-araw na din kami magkatext mula pag-gising hanggang pag-tulog. Minsan nga, gusto ko syang tanungin kung di ba sya nagsasawa sa akin eh. Walang araw kasi na hindi kami nagkakatext. Masaya ang bonding ng squad ngayon dahil kumpleto na kami. Gusto ko sanang tanungin si Harry kung naging sila ba ulit ni Taylor nun kaso nahihiya ako.
Pauwi na kaming lahat, nasa parking lot kami. Nagpapaalam sa isa't isa. Syempre, ihahatid ako ni Harry. Si Gigi naman ay hinahatid ni Liam at Louis. Si Selena? Si Niall na bahala dun. Sumakay na kami ni Harry sa sasakyan nya. Nagdrive na sya papunta sa amin.
Ako: Sa amin ka na magdinner ha?
Harry: Nakakahiya.
Ako: Hindi. Si Manang din nagsabe sakin na dun na kita pakainin ng Dinner.
Harry: Nandun ba sila Mommy at Daddy?
Ako: Ha? Mommy at Daddy mo?
Harry: Hindi! Mommy at Daddy mo.
Ako: Ah, wala. Nasa States sila ngayon. Kay Lolay.
Harry. Ah. Kayo lang pala ni Manang sa bahay.
Tumango ako bilang sagot. Natahimik kami ng ilang segundo at di ko napigilan na magtanong.
Ako: Bakit kayo naghiwalay ulit ni Taylor?
Harry: (Tumingin sa akin) Hindi naman naging kami ulit. (Tumingin sa harap dahil nagdadrive sya) At wala akong balak na balikan yun.
Ako: Ha? Eh sabi nya sa akin, kayo na daw ulit?
Harry: Naniwala ka naman?
Ako: Oo. Lagi kasi kayong magkasama eh.
YOU ARE READING
All his Little Things ♥
FanfictionFirst Time ko magsulat ng Story dito sa wattpad so I hope magustuhan nyo tong First Story ko na inspired by 1D. Enjoy Reading. Don't forget to rate :) Godbless! ^^