* Now Playing: Night Changes by One Direction *
Tumayo si Harry, tumingin sa'kin at nilahad ang kamay nya.
Harry: Can you be my Dance?
Nakangiting sabi nya sa akin. Ibinigay ko ang kamay ko at tumayo. Hinila nya ako sa gitna ng ground. Inilagay nya ang dalawang kamay ko sa balikat nya at nilagay naman nya ang dalawang kamay nya sa bewang ko. Hinila nya ako papalapit sakanya para lalo akong lumapit sakanya. Inilagay ko ang ulo ko sa balikat nya. Ang kalmado ng gabi. Ang romantic ng place. Napangiti ako. Ang higpit higpit ng hawak nya sa akin. Bumulong sya sa akin.
Harry: Ako lang ang sasayaw sayo hanggang matapos ang prom ha?
Tumango ako at hinigpitan nya lalo ang hawak sa akin. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko.
Harry: Kinakabahan ka nanaman?
Ako: Ah, hindi.
Harry: Eh, bakit ang bilis ng pintig ng puso mo?
Ako: Kinikilig kasi ak---
Huwaaaaat!!!??? Nagulat ako sa sinabe ko kaya napahinto ako. Lalayo sana ako ng konti sakanya pero hindi nya inalis ang kamay nya sa bewang ko.
Harry: Kinikilig ka?
Ako: Ah, ano. H-hindi.
Harry: Tayong dalawa lang, walang makakaalam.
Ano ba yung mga pinagsasasabe ko? Para naman akong sira ulo. Nilalaglag ko sarili ko. Pano ba to? Ano ba pwede kong ilusot? Lalong bumilis ang pintig ng puso ko, naramdaman nya lalo ito.
Harry: Lalong bumibilis ah?
Ako: Kinakabahan na kasi ako.
Harry: Hindi mo kelangang kabahan, nandito ako.
Napangiti ako sa sinabe nya. Enebe? Feeling ko tuloy ang ganda ganda ko.
Harry: Ituloy mo yung sinasabe mo kanina. Kinikilig ka?
Ako: A-ano. Oo, kinikilig ako. Ang romantic kasi ng kanta eh.
Harry: Hmmmm.
Naramdaman kong ngumiti sya. Wew! Magiingat na ako sa susunod. Iisipin ko munang mabuti yung mga sasabihin ko bago lumabas sa bibig ko. Patuloy lang kami sa pagsayaw. Ang tahimik. Yung kanta lang ang naririnig ko at lalo naman akong kinikilig. Hindi ba sya nangangawit? Grabe yung paghawak nya sa bewang ko eh. Actually, gusto ko na umupo pero itong kasayaw ko mukang walang balak maupo. Nakapatong pa din yung ulo ko sa balikat nya, ipinulupot ko naman ang braso ko sa leeg nya, parang nakayakap na ako sakanya. Ang bango nya, nakaka-inlove.
Tapos na ang kanta pero hindi pa din ako binibitawan ni Harry.
* Now Playing: You and I by One Direction *
Hala! Wala nga talaga syang balak umupo. Patuloy lang sya sa pagsasayaw sa akin. Ako naman, dinadama ko ang pagyakap sakanya at ang amoy nya--Grabe! Ang bangooooooooo nya sobra! Susulitin ko na tong gabi na to na kasama sya at kasayaw sya. Busy ang mga nasa paligid namin sa pagsasayaw. Nakita ko si Selena, kasayaw si Niall at si Gigi naman kasayaw si Liam. Ano na kaya meron sa dalawang yun? At si Louis naman, kasayaw si Clarizza. Classmate namin. Biglang pumasok sa isip ko yung mga nangyare nung mga nakaraan. Kaya hindi ko naiwasang magtanong.
Ako: Ahm, harry?
Harry: Mm?
Ako: Bakit nga pala bigla kang nawala?
YOU ARE READING
All his Little Things ♥
FanficFirst Time ko magsulat ng Story dito sa wattpad so I hope magustuhan nyo tong First Story ko na inspired by 1D. Enjoy Reading. Don't forget to rate :) Godbless! ^^