"Goodmorning mahal na prinsesa"
"Goodnight ken. See you in dreamland"
"Kain ka na ha? Wag ka magpapalipas"
"Hi ganda. Miss na kita :)"
Yan ang madalas kong matanggap na text mula kay Harry pag umaga, pag gabi at pag di kami nagkikita at nagkakasama. Ang sweet nya diba? Kahit sinong babae, mahuhulog sakanya. Lalo na sa case ko na mga bata palang kami, crush ko na sya. Naiinis ako sakanya minsan kaso di ko sya matiis, nagiging okay din kami. Tsaka ang kulit nya kasi at ang sweet, napapangiti nya ako sa mga simpleng banat nya. Kahit mga kaibigan namin, hindi ako tinatantanan sa kakatanong kung ano na ba meron sa amin? Kung nanliligaw na ba sya o kung kami na?
Simula din nung naging okay kami, nawala yung lalaking naglalagay ng notes palagi sa locker ko. May isa lang akong iniisip; ano kaya yung nangyare dati sa paglayo nya sa akin? Sabi naman nya, hindi nya Girlfriend that time si Taylor, pero bakit lagi silang magkasama? Hindi na nga nya nakakasama yung mga kaibigan nya dahil lagi syang kasama ni Taylor.
Ano din kaya ibig sabihin nang paglapit nya sa akin ulit ngayon? At yung sinabe nya na "Hindi pa naman ulit kita nililigawan"? yung "ULIT" kasi ang pinagtatataka ko. Eh, alam ko sa sarili ko na hindi pa naman sya nanliligaw sa akin dati. Yung pagiging close at sweet nya sa akin, alam ko naman na kaibigan lang ang turing nya sa akin. Ayoko din kasi mag-assume. Nasaktan na ako once. Nahirapan ako nang sobra dun. Ayoko nang maulit pa ulit yun.
***
Harry: Tagal mo talaga gumayak kahit kelan?
Ako: Eh hindi naman kasi kita inuubliga na sunduin ako palage eh. Ikaw lang yung makulit eh.
Harry: Eh gusto ko kasi lagi mo akong kasama pag papasok sa school at pag nasa school para alam nang mga secret admirer mo na hindi ka na dapat nililigawan.
Ako: Bakit? May nanliligaw ba sa akin?
Harry: Meron!
Ako: Sino? Aber? Wala akong kilala na nanliligaw sa akin!
Harry: So di mo ako kilala?
Natahimik ako sa sinabe ni Harry. Papunta na kaming school para gumawa ng ilang assignments sa library. Sa book lang kasi makikita yung mga sagot sa assignments namin kaya nagdecide kami na sa school gumawa. Naguguluhan na ako sa status namin. Tuloy yung mga kaibigan namin, akala naglilihim kami ni Harry sakanila dahil yung pinapakita ni Harry, kabaliktaran ng sinasabe ko sakanila.
Nakarating na kami ng school. Habang naglalakad kami papuntang library, bigla naman nya akong inakbayan. Nanlaki ang mata ko at agad ko tong tinanggal.
Ako: Ano ka ba?
Harry: Bakit? May problema ba sa ginawa ko? (Tumingin sa akin ng nakangiti)
Actually wala naman. Kaso kasi yung puso ko, bumibilis nanaman sa pagtibok. Parang gusto nanaman nya lumabas. Full force nanaman ang pagtibok nya. Nagpatuloy kami sa paglakad habang naka-akbay sya hanggang sa nakarating kami ng Library.
Librarian: Hello Mr. Tuazon and Ms. Zamora.
Nakangiting bati nya sa amin. Bumati naman din kami at pinascan ang ID namin sakanya. Hinanap ko na ang librong kelangan namin at nagsimula nang gumawa ng assignment. Nakayuko ako habang nagsusulat. Napansin kong nakatingin sa akin si Harry habang nakangiti. Tinignan ko sya ng masama.
Ako: Gagawa ka ba ng assignment o tititigan mo lang ako maghapon?
Harry: Mas trip ko na titigan ka nalang maghapon.
YOU ARE READING
All his Little Things ♥
FanfictionFirst Time ko magsulat ng Story dito sa wattpad so I hope magustuhan nyo tong First Story ko na inspired by 1D. Enjoy Reading. Don't forget to rate :) Godbless! ^^