Chapter 8: Reel or Real

12 1 0
                                    

Gumising ako ng maaga, naligo at nagayos ng mabilis. Pagkatapos, nagpahatid na ako kay Manong. May dala-dala akong box.

Ako: Manong. May dadaanan muna po tayo ha?

Umoo si Manong. Habang nagdadrive si Manong, tinuturo ko sakanya yung daan. Nandito na kami, sa bahay nila Harry. Grabe! Mansion talaga. Bumaba na ako sa sasakyan, nag-doorbell at lumabas ang katulong nila. Inabot ko yung box na dala dala ko at umalis na ako.

Nagpahatid na ako kay Manong sa school. Pagdating ko sa school, tumatawag si Harry.

Harry: Galing ka dito sa bahay.

Ako: (Tahimik lang)

Harry: Gising na ako nung dumaan ka eh. Sana pumasok ka nalang muna para sabay na tayo pumasok sa school.

Ako: Kasama ko si Manong eh.

Harry: Alam ko. Di ka naman nakakaalis magisa eh. Unless kasama mo ako o si Manong. By the way, thankyou sa bigay mo ha?

Ako: Wala yun. Ubusin mo yan ha?

Harry: Syempre naman. Bigay mo to eh.

Ako: Osige. Dito na ako sa school. Hintayin nalang kita dito.

Binaba ko na yung phone at pumasok na sa loob ng school. Dumiretso agad ako sa Gym.  After 30 minutes. Dumating na si Harry. Pa-start na din yung game kaya umupo na sya sa bench, mga kaibigan ko ang kasama ko.

Natapos na ang Championship Game for Basketball at Volleyball. Champion sila Harry at ang mga kaibigan ko. After i-announce. Pumunta kami ng Cafeteria para kumain. Kwentuhan tungkol sa game ng biglang nabaling sakin ang usapan.

Gigi: Kc, bukas na laban mo diba? For cheerdance.

Ako: Yup.

Niall: Kayang kaya mo yan. Basic nalang sayo ang cheerdance eh.

Liam: Talunin mo si Taylor.

Ako: Ha? Bakit?

Louis: Kasali sya sa cheerdance eh.

Gigi: Sus! Kayang kaya yan ni Kendall no.

Kasali sa cheerdance si Taylor? Eh wala naman syang hilig dun. Mahulog sana sya bukas! Pagtapos kumain, umuwi na kami. Kelangan ko din kasi magpahinga para bukas. Hinatid ako ni Harry. Pagdating namin sa bahay.

Ako: Naaamoy ko luto ni Manang. Tara sa loob.

Harry: Hindi na. Uwi na ako.

Ako: Dali na!

At hinila ko sya papasok ng bahay. Tamang tama at nagluluto na si Manang para sa hapunan. Sinigang ng Baboy, favorite ko. Naghain na si Manang para makakain na kami ni Harry. After namin kumain, nagpaalam na si Harry para umuwi, hinatid ko sya sa gate. Bago sya sumakay sa kotse nya, kiniss nya ako sa noo at nagpaalam na.

OMG! Para akong matutunaw! Kinikilig ako hanggang makapasok sa kwarto ko. Yung tipong ayaw ko maghilamos para hindi mawala yung kiss nya sa noo ko? Grabe! Lamog na yung unan ko sakin kakahampas ko at kakapiga ko dahil sa sobrang kilig ko. Napaisip tuloy ako, ano na ba kami ni Harry? Friends pa din ba kami? Pero hindi naman sya nanliligaw sa akin. Biglang tumunog yung cellphone ko. Pagcheck ko, si Harry nagtext.

Harry: Thanks sa time. Nag-enjoy ako sobra! :) Nakauwi na ako. Magpahinga ka na. Goodnight! See you tom.

Ako: Goodnight! :)

*Kinabukasan*

Tapos na ako maligo at mag-ayos. Pababa na ako para kumain, may nakita akong ibang tao sa kusina. Pagharal nya, nagulat ako dahil si Harry naka-apron at nagluluto! Napatingin sya sa akin. Lumapit sya sa akin at pinaupo na nya ako para kumain.

All his Little Things ♥Where stories live. Discover now