Chapter 13: The New Year's Eve

8 0 0
                                    


Naalala ko yung sinabe ni Manang na hindi daw dito magbabagong taon sila Mommy at Daddy. Papalapit na ng papalapit ang bagong taon. So, ako lang pala magisa dito? Ay mali pala, kami lang pala ni Manang ang nandito kasi si Manong uuwi para sa makasama ang pamilya nya sa bagong taon. Matagal nang nagpaalam sakin si Manong tungkol dun, wala naman akong karapatan para pagbawalan sya. Si Manang naman, wala naman syang asawa at anak dahil tumanda nalang sya sa pagaalaga sakin kaya kami nila Mommy ang kinikilala nyang pamilya pati na din ang mga kaibigan ko. Kaya naisipan kong tawagan si Gigi.

Ako: Gi. Are you free today?

Gigi: Ahmmmm? Wait. (After few seconds) Yes sweety, why?

Ako: Samahan mo ako sa mall. Please????

Gigi: My bestfriend that can't go alone. Okay, no problem. Hintayin mo nalang ako sainyo. Magtaxi ako.

Ako: Okay. Thankyou sis! Muwaaaa!

At pinatay ko na yung call. Ako naman ay nagayos na. Bumaba ako para magpaalam kay Manang at para hintayin naman ang napaka-ganda kong bestfriend. Maya-maya ay dumating na sya. Kinuha ko na yung sasakyan ko at umalis na kami.

Gigi: Pinagdadrive ka na ni Manong?

Ako: Nope. Pinagdadrive pa din naman nya ako kaso minsan iniinsist ko na ako nalang. Pumapayag naman sya basta magingat lang daw ako.

Gigi: So, ano ba gagawin natin sa mall?

Ako: Mamimili ng pang-media noche.

Gigi: Oh? Bakit ikaw ang namimili?

Ako: Hindi kasi uuwi sila Mommy at Daddy. So kami lang ni Manang sa bahay. Tinanong ako ni Manang kung ano gusto ko ihanda, sabi ko ako nalang ang bibili. Ayaw pa nga pumayag eh, kinulit ko lang. Tsaka bibili din ako regalo kay Manang.

Gigi: Ah, okay sige.

Pagdating namin sa Mall, kumain muna kami atsaka namili sa grocery. Madami kaming pinamili. Mga stock kong pagkain at bathroom ammenities ko tsaka yung pang handa sa new year and some foods na madali lang lutuin. After mag grocery, iniwan ko muna sa grocerry yung mga pinamili ko kasi magiikot pa kami ni Gigi sa mall. Inisa-isa namin ang mga boutique ng damit for women. Naghanap ng damit na babagay kay Manang and then----nakakita na kami at agad binili yun. Sunod naman ay nagpunta kami sa bilihan ng sandals. Size 8 ang paa ni Manang. nakakita naman agad kami ng magandang sandals kaya natapos agad kami sa pagshoshopping. Inaya ko muna mag-starbucks si Gigi para magpahinga then after, pumunta kaming restau para magtake-out.

Pauwi na kami nang biglang tumawag si Harry sakin. Hindi ko masagot kasi nagdadrive ako. Nakailang missed ako sa calls nya. Pagdatingt namin sa bahay ni Gigi, tinawagan ko sya.

Ako: Hey! I'm sorry, I was driving kaya di ko nasagot tawag mo.

Harry: Driving? Why? Where is manong?

Ako: He's here. Kaya lang, ininsist ko na ako nalang ang magdrive. Kasama ko naman si Gigi eh. Sa mall lang kami nagpunta.

Harry: Ah, okay.

Ako: Bakit ka napatawag?

Harry: Kumain ka na ba?

Ako: Oh, yes! Sa mall kanina.

Harry: Good! Sige, aalis lang kami nila Liam.

Liam? Nakooooo! Ang cassanova ng grupo. Saan naman kaya sila pupunta? Hmmmm.

Ako: Ah, sige. Magingat lang kayo ha?

Harry: Okay. Bye.

At binaba ko na yung phone. Di ko maiwasang magisip kung saan sila pupunta. Inaya ko na si Gigi sa kwarto ko para dun muna magstay. Hindi ko muna sya pinauwi. Pumasok na kami sa kwarto at dun na nagkwentuhan at nagpalipas ng oras. Binilin ko na din kay Manang yung mga pinamili bago ako umakyat.

All his Little Things ♥Where stories live. Discover now