Chapter 10: Surprises

13 1 0
                                    

May gumigising sa akin. Ayoko pa sana gumising kaso pagka-kita ko, si Harry nandito sa bahay, ginigising ako.

Harry: Wake up sleepy head!

Ako: Anong ginagawa mo dito? Ang aga aga.

Harry: Namiss kita kaya maaga ako pumunta dito sa inyo. Ako na din pina-gising ni Manang sayo.

Nagulat ako dun sa "Namiss kita" nya. Medyo nag-blush ako kase kinilig ako kaya nagtakip ako ng kumot, kunwari ayaw ko pa gumising. Kaso hinila nya yung kumot. Medyo sumimangot ako tapos tumayo na at dumiretsong banyo. Pagkatalikod ko sakanya, tsaka ako ngumiti. Nakaka-kilig kaya! Umagang-umaga, pagdilat mo ng mga mata mo, sya agad yung makikita mo tapos sasabihan ka pa nya ng namimiss ka na nya? Geeeeeezz!

Pagpasok ko ng banyo, sumigaw sya.

Harry: Hintayin nalang kita sa baba. Bilisan mo ha?

So naligo na agad ako. Pagtapos ko maligo, nag-ayos na ako. Siniguro kong maganda ako syempre. Medyo nahiya nga ako eh, nakita nya yung itsura ko habang natutulog. Bakit naman kasi hinayaan ni Manang na pumasok sya sa kwarto ko? Hmp. Pagtapos ko mag-ayos, bumaba na ako sa kainan. Nagulat ako sa nakita ko sa Dining Table, Sila Mommy at Daddy at si Harry. Tumingin silang lahat sa akin.

Mommy: Anak, halika. Kain ka na. Nagluto si Harry para sayo.

Harry: Maupo ka na dito Ken (Nakangiti)

Medyo nairita ako dun sa Ken pero syempre kinilig ako. Naglakad na ako papuntang lamesa para kumain, gutom na gutom na ako eh. Nung magsasandok na ako ng kakainin ko, may inabot si Harry na plato sa akin na may pagkain na. Grabe na to! Sobra na!

Mommy: Harry, nak. Maupo ka na dyan sa tabi ni Kc at kumain ka na.

Harry: Opo tita.

Tama ba yung narinig ko? Tinawag ni Mommy na anak si Harry? Grabe yung feeling ko. Parang mag-asawa na kami. Good na Good sya kila Mommy hindi dahil sa family friends kami kundi dahil napaka-bait nyang at napaka-sweet. Kumakain na kaming lahat. Grabe! Ang sarap nya talaga magluto. Hanggang loob ng manok malasa. Pwede na sya magtayo ng Restaurant. Pagtapos namin kumain, nagpaalam na sya kila Mommy at Daddy dahil papasok na kami.

On the way na kaming school.

Ako: Grabe ka!

Harry: Bakit?

Ako: Ang aga mo na sa bahay kanina, nagluto ka pa.

Harry: Sabi ko naman sayo, gusto kong pinagsisilbihan ka.

Tumingin sya sa akin ng nakangiti. Hindi ko napigil yung kilig ko kaya tumingin ako sa bintana at ngumiti ng palihim. Ramdam ko na! Hulog na hulog na ako sakanya. Nakakapanghina sya ng mga buto, kaya hindi na ako naka-kapit at nahulog na akong tuluyan sakanya. Sana di sya magbago. Masaya na ako kahit ganito lang kami, basta nasa akin lang yung atensyon nya. So, nandito na kami sa school. Wala kaming klase dahil may meeting lahat ng mga teachers kaya pumunta nalang kami sa Student Garden at dun nagubos ng oras.

Gigi: Kc, lapit na birthday mo. Ano plano? Saan tayo?

Oo nga pala. Birth month ko na ngayon. Parang nung kelan lang, pasukan palang tapos ngayon, November na. Napaka-bilis ng panahon. Ilang buwan nalang, Graduation na at hindi na kami magkikita ni Harry.

Pagkabanggit ni Gigi ng tungkol sa Birthday ko, tumingin lang sakin si Harry.

Harry: Oo nga pala. Malapit na Birthday mo.

Nagulat ako sa sinabe nya. Ibig sabihin alam nya birthday ko? At tanda nya kung kelan?

Ako: Alam mo birthday ko?

All his Little Things ♥Where stories live. Discover now