Papalapit palang kami sa bahay nila Liam, may natanaw na agad akong lalaki sa gate nila. Nakatayo lang at parang may hinihintay. Paglapit namin, si Liam pala. Hinihintay kami.
Liam: Happy New Year Bro! (Niyakap si Harry) Happy New Year Kc (Ngumiti sakin at bumeso) Kanina ko pa kayo hinihintay. Come on in.
Pumasok kami sabay-sabay. Tumambad sakin at mag-boyfriend/girlfriend na si Niall at Selena. Tumuloy ako sa pagpasok, tinitignan ko ang mga tao sa paligid. Papalapit ako sa kaibigan ko. Paglapit ko ay bumeso ako. Agad naman akong binati ni Niall. Ngumiti ako at tinanong ko si Selena.
Ako: Is Gigi here?
Selena: Actually, kanina pa namin sya kinokontak kaso di sya sumasagot. Bago naman kami umalis sakanila, sabi nya susunod daw sya.
Eh nasaan na kaya yun? Umupo na ako sa tabi nila Niall at Selena. Si Harry naman ay kasama ni Liam. Nandito din ang mga classmates namin, binati nila ako at ngumiti naman ako. Kausap naman nila Liam at Harry yung iba naming classmates. Habang iniikot ko ang mata ko sa paligid, may nakita naman akong babae na lumapit kay Harry. Nang makilala ko kung sino--si Gwen at Tj. Mga kaibigan ni Taylor.
Note: Babae po yung TJ. Tamarra Jeremy Villanueva ang name nya. TJ for short.
Hinimas nila ang braso ni Harry at sabay tumingin sakin with a sinister smile! Kung nandito sila, di malabong nandito din si........Si Taylor! Nakita ko syang naglalakad papunta kay Harry.
Taylor: Hi Harry! I missed you!
Nagtangkang ikikiss si Harry kaso umiwas si Harry. Hindi nya pa din tinatantanan si Harry hanggang ngayon, at talagang pinarinig pa nya sakin kung paano nya tawagin si Harry. Ang landi pa ng pagkakatawag nya kaya medyo nainis ako. Habanga inis na inis ako kay Taylor, di ko namalayan na katabi ko na pala si Harry at kinakausap ako.
Harry: Hey! Are you okay?
Nagulat ako sa paghawak nya sa balikat ko. Nang magka-malay ako, napatingin ako sakanya atsaka kila Nialla at Selena. Nakangiti lang yung dalawa.
Ako: Ah! Eh, oo. Bakit?
Harry: Tulala ka kasi eh.
Ako: Ah, may nakita kasi akong aswang eh.
Harry: Aswang?! (Tumatawa)
Hindi ko na sya pinansin. Inalok nya ako ng inumin at kinuha ko naman yun. Tinanong din nya ako kung nagugutom ba ako?
Ako: Hindi. Busog pa ako. Madami ako nakain kanina sa bahay diba?
At sumang-ayon naman sya. Natahimik kaming pareho, nakikinig lang sa malakas na sounds na halos mabingi kami. Nakaramdam ako na tinatawag ako ng kalikasan kaya nagexcuse ako sakanila para pumunta ng comfort room. Pagpasok ko ng comfort room, namangha ako. Kasi ang laki ng cr nila Liam. Nag-cr na ako at pagkatapos ay tumingin sa salamin.
Wag mo sirain ang magandang new year mo kendall. Wag mo pansinin yung mga aswang na nakikita mo.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Pagkatapos ay lumabas na ako. Pagbukas ko ng pinto, naka-abang naman sakin si Taylor at ang mga kaibigan nyang ewan ko ba kung saan pinaglihi ng mga nanay nila. Mapuputi lang naman.
Taylor: Hey B*tch!
Hindi ko pinansin. Tutuloy na sana ako sa paglakad ko ng ---
Taylor: Wag ka masyado magsaya kay Harry ha? Pinapa-fall ka lang nya. Hindi ka naman nya talaga gusto.
Ako: (Humarap ako sakanila at tinignan silang tatlo mula ulo hanggang paa) Well, hindi ako umaasa. Sabihin mo yan sa sarili mo kasi nagmumuka ka nang tanga kakahabol sakanya (Ngumiti ako)
Taylor: hindi ko na sya kelangang habulin dahil naging akin sya before. Naputol lang ang lovestory namin at itutuloy namin yun.
Hindi ko na sya pinansin at dumiretso nalang ako sa paglalakad. Pag-angat ko ng ulo ko, tumingin ako sa direksyon ng mga kaibigan ko at nakita ko si Gigi. Agad akong lumapit at niyakap si Gigi sabay beso.
Ako: Bakit ngayon ka lang?
Gigi: Ahm. Kasi, nakatulog ako.
Selena: Nakatulog?
Gigi: Pagalis nyo kasi ni Niall, pumasok ako sa kwarto para sana magpahinga saglit bago maligo kaso nakatulog naman ako kaya ayun.
Ako at Selena: Ah.
Busy sa paguusap si Niall at Selana. Si Harry naman ay kasama ni Liam. Si Gigi? Eto, busy sa kaka-facebook. Hinahanap ko si Louis pero bakit parang wala pa ata sya dito? Kaya tinanong ko na si Niall.
Ako: Ahm, Niall? Excuse me. Nasan si Louis?
Niall: Ah. OTW na sya. Nalate lang ng konti kasi nakipag-videocall pa sya sa parents nya.
Tumango nalang ako. Maya-maya ay sumigaw na si Liam.
Liam: Guys! Just enjoy the night! Drink and eat as much as you can. Lets party!!!!!
* Now Playing: Mega Mashup by One Direction*
At bigla naman lumakas lalo ang tunog. Tumayo si Selena at Niall para naman sumayaw. Lumapit naman si Liam kay Gigi at tumayo naman si Gigi. Ako nalang ang naiwan sa couch nila Liam. Maya-maya ay nilapitan ako ni Harry.
Harry: Tara dun sa kusina?
Ako: Ano? (Di ko sya marinig sa sobrang lakas ng tugtog)
Harry: Tara kako dun sa kusina. (Pasigaw na sabi nya)
Ako: Ah. Ayoko. Nahihiya ako.
Harry: Bakit naman? Kami lang naman nandun tsaka kilala mo naman yung mga nandito.
Tumayo na ako at sumama kay Harry.
Pinapanuod ko lang ang mga classmates ko sa pagsasayaw. Feel na feel nila ang tugtog at ang ilaw parang nasa Music Video ng Midnight Memories ng One Direction. Ako, umiinom lang ako at kumakain ng nachos na binigay sakin ni Liam. Nagkekwentuhan lang sila. Maya-maya ay may lumalapit na lalaki sa direksyon namin. Nang matamaan sya ng ilaw, si Louis pala. Nagyakapan silang magbabarkada, bineso naman nya ang mga kaibigan ko at nang tumingin sya sakin, ngumiti sya at binati naman ako. Ngumiti ako at bumati din sakanya. At yun, nagkwentuhan na silang magbabarkada. Nakakatuwa silang tignan. Elementary palang kami, magkakaibigan na sila Niall at Harry. Hindi pa nila kaibigan nun si Liam kasi bully si Liam nung elementary kami. Dahil nagmature na sya nung Highschool, napabarkada na sya kila Harry. Si Louis naman ay Transferee nung firstyear sa school namin. Naging kaibigan naman agad sya nila Harry dahil mabait naman tong si Louis. Tawanan, hampasan at kwentuhan--yan ang ginagawa nila ngayon habang ako naman ay nakatingin lang at nakiki-tawa sakanila.
Quarter to 5 na kaya inaya na ako ni Harry umuwi. Nagpaalam na ako sa mga kaibigan nya at sa mga kaibigan ko. Gusto ko na din umuwi kasi gusto ko na matulog. Nagpaalam na din ako sa mga kaklase namin. Bago ako lumakad papalabas, napatingin ako kila Taylor, ang sama nila makatingin lalo na si Gwen, hindi ko nalang sila pinansin at lumakad na kami palabas. Hinatid naman kami ng mga kaibigan namin. Sumakay na kami sa sasakyan at umalis na. Sa sobrang pagod at antok, nakatulog ako sa byahe. Nagising ako nung ginigising na ako ni Harry. Nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin. Agad akong lumabas at nagpaalam sakanya. Ngumiti sya at kumaway at nag-goodnight. Sinarado ko na ang pinto at pumasok na. Gising na si Manang. Pumunta ako sa kusina para ipaalam sakanya na nandito na ako.
Manang: Oh. Minadaling araw ka na.
Ako: Opo. Sorry po, magpapahinga na po ako.
Manang: Ipagtitimpla pa ba kita ng gatas?
Ako: Hindi na po. Antok na antok na po ako eh.
At tumuloy na ako sa pagakyat sa kwarto ko. Hindi ko na nagawang magbihis sa sobrang antok, kaya humiga nalang ako agad at natulog.
YOU ARE READING
All his Little Things ♥
FanficFirst Time ko magsulat ng Story dito sa wattpad so I hope magustuhan nyo tong First Story ko na inspired by 1D. Enjoy Reading. Don't forget to rate :) Godbless! ^^