Ang bilis ng panahon. Isang buwan nalang, ga-graduate na kami. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ko. Nakaka-relax din kasi yung mga halaman sa labas ng bahay namin eh. Mga tanin yun ni Mommy. Mahilig kasi yung sa mga bulaklak eh.
Maya-maya ay bumaba na ako para kumain. Habang kumakain ako, may tinanong naman sa akin si Manang.
Manang: Hija. Bakit nga pala parang di ko na nakikita si Pogi?
Ako: Sino pong pogi?
Manang: Yung long hair na lalaki? Nakalimutan ko kasi pangalan nun eh. Yung madalas na nagsusundo sayo?
Ako: Ah. Busy po sa school eh.
Ngiting sagot ko kay Manang at tumuloy na ako sa pagkain. Si Harry ang tinutukoy ni Manang. Malaki ang naging epekto ni Harry dito sa bahay dahil madalas syang nandito. Nasanay na si Manang--lalo ako. Pagkatapos ko kumain, hinanap ko na si Manong para magpahatid. Kaso di pala nya ako maihahatid dahil inaayos nya yung isang sasakyan kaya ako nalang ang nagdrive sa sasakyan ko. Pagdating ko sa campus, pinark ko na yung sasakyan at agad pumasok. Habang naglalakad ako sa kahabaan ng T.I.S, biglang pumasok sa isip ko "Ang swerte ni Taylor. Pag sila ni Harry ang nagkatuluyan, may eskwelahan agad syang pamamahalaan at madaming business ang mapupunta sakanila". Bigla akong namulat, bakit ko ba iniisip yung ganung bagay? Zzzzz. Nagpatuloy ako sa paglakad. Bago ako pumasok sa kwarto ko ay dumaan muna ako sa locker ko para kunin ang iba kong libro. Pagbukas ko ng locker ko, may biglang nalaglag na papel.
"Nakaka-kumpleto ng araw yung ngiti mo. Ang ganda mo talaga :) <3"
Kanino naman kaya galing tong note na to? Naalala ko tuloy yung "secret admirer" ko. Kamusta na kaya yun? Di ko man lang sya nakilala. Nagulat naman ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Pag lingon ko, si Louis. Sinrado ko na yung pinto ng locker ko.
Louis: Titig na titig ka dyan ha? (Nakangiti)
Ako: Ah. Ha-ha-ha-ha. Tara, pasok na tayo?
Tumango naman si Louis bilang pag-sang ayon nya at naglakad na kami papasok ng Classroom.
Nang matapos ang klase namin, inaya ako ni Louis na magpunta sa cafeteria, inaya ko naman ang mga kaibigan namin, sabi nila susunod sila kaya nauna na kami. Habang umoorder si Louis, dumating naman ang squad.
Selena: Ano'ng meron? (Nakangiti)
Ako: Saan?
Selena: Bakit di ata kayo nagkakasama ni Harry? Sila na ba ulit ni Taylor?
Ako: Ata? Ewan?
Liam: Eh sainyo ni Louis?
Ako: Ah! Bestfriends kami (Nakangiti)
Sabay namang dating ni Louis at kumain na kami. Pinatabi ni Liam si Louis sakin. Tumingin naman ako ng masama kay Liam at tumawa naman sya. Ang lakas talaga mang-asar neto kahit kailan. Kaya masuntok-suntok na sya ni Gigi eh.
Uwian na kaya agad naman akong nagpaalam sakanila. Malapit na ako sa gate ng bigla kong narinig na may tumatawag sakin, pag lingon ko--si Louis pala.
Louis: Yung libro mo sa history oh (Inabot sakin yung libro) Baka di ka pa makagawa ng assignment mo.
Ako: Ay oo nga. Salamat Louis. Ahm. Free ka ba today?
Louis: Ahmm. Gagawa ako assignment, right?
Ako: Oo nga. Eh, sa bahay na sana kita aayain gumawa ng assignment eh.
Ngumiti sya at sumabay na sa akin.
YOU ARE READING
All his Little Things ♥
FanficFirst Time ko magsulat ng Story dito sa wattpad so I hope magustuhan nyo tong First Story ko na inspired by 1D. Enjoy Reading. Don't forget to rate :) Godbless! ^^