It's a new beginning for me. Nasa Tuazon Int. na ako, naglalakad papuntang locker ko. Kalat na kalat sa mga puno, hallway at sa buong T.I.S ang mga designs na puso. Sabagay, malapit na ang Valentine's Day. Bigla ko namang naalala nung New Year's Eve. Yung paputok na may shape heart. Aaahhhrrrrr! Stop flashing it back! Narating ko din ang locker ko. Pagbukas ko ay may bumagsak nanamang papel.
Ako: Note again.
Mahinang sabi ko. Pinulot ko ito at binasa.
"You're so perfect! Alam kong di mo ako mapapansin. Basta, masaya na akong nasisilayan ka at ang mga ngiti mo araw-araw"
Araw-araw? So nakikita nya ako kahit sabado at linggo? Sino kaya to? Isang linggo na din akong nakakatanggap sakanya ng mga notes. Sana man lang ilagay nya yung initials nya sa dulo. But, anyway. Kelangan ko nang pumasok. So, kinuha ko na ang mga libro ko, sinarado ang locker at dumiretso na sa room. Pagpasok ko ng room, diretso ang paningin ko sa mga kaibigan ko. Hindi ako tumitingin sa direksyon nila Taylor. Umupo ako at napansin nila ang green colored paper na hawak ko. Inigaw naman to ni Liam sakin at binasa.
Liam: Secret Admirer again?!
Malakas nyang sabi. Grabe naman to! Iannounce daw ba sa buong klase? Napatingin ako sa mga classmates ko na nakatingin sakin, napatingin din ako kay Harry at nakatingin sya sakin. Geez! Bakit ko ba sya tinignan? So, iniwas ko na ang tingin ko sakanya at kinuha ko ang notes na hawak ni Liam.
Ako: Akina nga yan! Ano ka ba? Kelangan ba isigaw?
Nagtawanan naman silang lahat.
Liam: Sorry. Nabigla lang kasi ako.
Gigi: Selos ka siguro eh.
Liam: Magseselos ako kung sayo may nagbigay nyan.
Hinampas naman ni Gigi si Liam dahil nagiging clingy nanaman sya.
Niall: Any idea who's that secret admirer?
Ako: Wala eh. Last week palang ng January, may natatanggap na akong ganito eh.
Kinuha ko ang physics book ko, kinuha yung ibang notes at ipinakita sakanila.
Niall: Tyaga nya ha? Lagi ka sigurong tinitignan nyan?
Louis: Maybe? Maybe that admirer, admires you that much.
Ako: Well, ewan. Sana lang makilala ko sya para makapag-pasalamat.
Uwian na. Nagdecide ako na pumunta ng Library para magbasa-basa. Habang naglalakad ako, nakita ko si Harry at Taylor. Mukang nagtatalo sila, hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso ako sa paglakad. Pagdating ko sa library ay nagpunta agad ako sa section ng history at kumuha ng libro at nagbasa. Nasa kalagitnaan nako ng pagbabasa ko, biglang nagring yung phone ko. Si Gigi tumatawag.
Gigi: Hey. San ka?
Ako: Library.
Gigi: Sama ka samin. Sa mall.
Agad kong pinatay ang phone call at nagmadali pumunta sakanila. Oh! Dala ni Liam yung sasakyan nya, at yun ang gagamitin namin papuntang mall.
Ako: I guess. Pupunta tayo ng mall para lang bumili ng frappe sa starbucks.
At nagtawanan naman sila. Pagdating namin sa mall, nagpunta kami sa World of Fun at naglaro, kumanta, nagparamihan ng ticket. Pagkatapos ay inipon nila ang mga ticket namin at pinapalitan sa cashier. Isang teddy bear ang kapalit. Maganda yung teddy bear, malaki tapos kulay pink. Kinuha yun ni Louis at inabot sakin. Nagulat naman ako. Nakatingin lang silang lahat sakin.
YOU ARE READING
All his Little Things ♥
FanfictionFirst Time ko magsulat ng Story dito sa wattpad so I hope magustuhan nyo tong First Story ko na inspired by 1D. Enjoy Reading. Don't forget to rate :) Godbless! ^^