Chapter 25: Confrontation

6 0 0
                                    


Fairytale para sa'kin ang nangyare nung Prom Night. Ilang araw na ang nakakalipas pero sariwa pa din sa'kin ang romantic moment namin ni Harry nung Prom Night. Malinaw na din sa'kin ang lahat na wala talaga syang gusto kay Taylor at maliwanag na din sa'kin ang feelings ko para sakanya. Hindi ako umaasang magiging kami, masaya na ako sa relationship namin ngayon. After ng Prom Night, mas naging malapit pa kami sa isa't isa. Magkatext kami palage pag hindi kami magkasama. Magkasama naman kami palage sa school pag may pasok, hatid at sundo pa nya ako. Lalo syang naging sweet sakin at caring. Pag naglalakad kami papasok ng campus, pinagtitinginan kami ng mga studyante dahil kung hindi sya naka-akbay sa'kin, dala-dala naman nya ang bag ko. Sana, walang magbago sa samahan namin. Okay na ako sa ganito.

***

Hindi nya ako sinundo sa bahay, sabi nya may dadaanan daw kasi sya kaya nagpahatid na lang ako Manong. Pagdating ko ng school, dumiretso agad ako sa CR. Nandun si Taylor. lalabas na sana ako dahil ayoko ng gulo nang bigla nya akong hilain.

Taylor: Kc! Wait.

Humarap naman ako sakanya. Okay naman ang itsura nya. Akala ko tatarayan nanaman nya ako pero hindi.

Taylor: Hey. Ahm. Nakakahiya. Pero, pwede ba kitang makausap kahit saglit lang?

Ako: Kung aawayin mo lang ako. Ayoko.

Taylor: H-hindi. Hindi kita aawayin. Ano kasi. Ahm. May gusto lang sana akong sabihin.

Ako: Okay. Go ahead.

Taylor: Ahm. Ilang beses na kitang inaaway. Nasasabihan pa kita ng hindi magaganda pero bakit ang bait mo pa din? Bakit hindi mo ako pinapatulan?

Ako: H-ha? Ah. Ano kasi Tayl, hindi lang siguro ako pala-away katulad mo.

Taylor: Ah. Ahm. Naging selfish kasi ako eh. Masyado kasi akong na-fall in love kay Harry. Hindi ko lang siguro matanggap na masaya sya sayo (Yumuko sya)

Ako: Ah. Hey! Its not a mistake to fall in love with someone, but maybe, you should use it in a nice way. Make it your inspiration not just for your own sake.

Taylor: I know. I know. Sorry if masyado ako naging bad sayo. Kung lagi kitang inaaway. I used to be a witch in your love story.

Ako: No. You didn't. Pero sana, wag mo pilitin ang isang bagay na ikaw lang ang may gusto. And sana, kung maiinlove ka ulit at nalaman mong may ibang gusto yung guy, hayaan mo nalang. Wag ka na mang-away. Di din naman kasalanan nung girl na sya yung nagustuhan at hindi ikaw eh.

Taylor: Yea. Hindi na'ko magiging selfish. May mga natutunan din ako sa mga nangyare.

Ako: Mabuti naman kung ganun. Madami pa dyan, may magkakagusto din sayo. Maghintay ka lang. Di mo kelangan magmadali.

Taylor: (Ngumiti sya) Ahm, Kc. Can I ask you something?

Ako: Sure. What is it?

Taylor: Ingatan mo sya ha? Wag mo syang sasaktan tulad ng ginawa ko sakanya. Alam ko naman na una palang, hindi naman nya talaga ako gusto. Ininsist ko lang. Pero alam kong natapakan ko yung ego nya sa ginawa ko sakanya nun.

Tumango ako. Lumapit sya sa'kin at niyakap ako. Nagulat ako sa inaction nya. Ano kaya nakain nito at naging mabait sya sa'kin.

Taylor: I hope okay na tayo. We may not be friends but atleast, we're not enemies.

Ngumiti sya sa'kin at nagpaalam na. Ako naman ay dumiretso sa banyo para shumiwi.

***

Nasa parking lot kami ng squad, kanya-kanyang mundo. Naglalambingan ang Niallena, binibwisit naman ni Louis at ni Liam si Gigi at si Harry, eto sa tabi ko nakahiga sa balikat ko. Nakaupo kami sa likod ng sasakyan ni Liam.

Ako: Nagkasalubong kami ni Taylor sa banyo kanina.

Nagulat sya at inangat ang ulo.

Harry: Ano ginawa nya sayo?

Ako: Hey! Don't be so OA naman. Kinausap nya lang ako.

Harry: So, ano ang sinabe nya sayo?

Ako: Calm down! Nag-sorry lang sya sakin. Nakipag-ayos. Thats it!

Harry: Sana totoo.

Ako: Totoo naman siguro yun? Ramdam ko ang sincerety nya kanina habang magkausap kami.

Harry: I think, another pakulo nanaman nya to.

Ako: Hindi naman siguro no. Wag ka ngang judgemental. Malay mo nagbago na talaga sya.

Harry: She wants you to be her friend? Wag ka papayag.

Ako: Bitter mo kuya! Hindi naman sya nakikipag-friends no. Nakipag-ayos lang sya. Tanggap na nya siguro na hindi mo talaga sya gusto.

Harry: Mabuti naman. Kasi, may gusto akong iba. Malayong malayo sakanya.

At ihiniga nya ulit ang ulo nya sa balikat ko. Infairness, wala syang kuto. Wala din syang balakubak. Ang bango pa ng buhok nya at ang lambot. Lalaki ba talaga to? Ang haba pa ng buhok nya.

Ako: Ano shampoo mo?

Harry: Bakit? Inggit ka sa buhok ko?

Ako: Hindi no. Kapal ng muka neto.

Harry: (Tumawa sya) Eh bakit mo tinatanong?

Ako: May kuto kas----

Hindi ko pa natatapos ang sinasabe ko ay iniangat nya ang ulo nya. Nagulat ako kaya muntik na ako mahulog sa kinauupuan ko. Sinalo naman nya ako agad kaso ang lapit na ng muka namin sa isa't isa. At syempre, ang puso ko. Rumaragasa nanaman. Napatingin naman ang mga kaibigan namin sa'min dahil sa naging scene.

Liam: Kung ikikiss mo si Kc, ikiss mo na.

Niall: Oo nga. Tinititigan mo pa eh. Baka matunaw yan.

Louis: We're waiting here. Kiiiiiiissss! Kiiiiiiissssssss!

Silang Lahat: Kiss na yan! Kiss na yan! Kiss na yan!

At nagtawanan naman ang mga kaibigan namin. Habang sya nakatitig pa din sa'kin at hinatak na ako para hindi na ako mahulog.

Harry: Okay ka lang?

Ako: Oo. Nagulat lang ako sayo kaya muntik na'ko mahulog. Bwisit ka eh.

Harry: Sabi mo kasi may kuto ako eh (Pinagpag ang buhok)

Ako: Hey! Mamaya sa'kin lumipad yan!

Harry: Meron nga?

Ako: Ang OA mo talaga! Wala. Binibiro ka lang. Masyado ka namang patola!

Tumawa ako dahil sa reaksyon nya. Nakita ko naman ang muka nya na naiinis sa'kin.

Harry: Ah ganun?

Umambang sya na kikilitiin ako pero tumalon ako sa sasakyan at tumakbo. Hinabol naman nya ako. Iniikot-ikot lang namin ang sasakyan ni Liam. At tawa naman ng tawa ang mga kaibigan namin kasi para kaming mga bata.



All his Little Things ♥Where stories live. Discover now