Chapter 5 Part 1: Our Closeness and His Sweetness

16 1 0
                                    

Dumaan ang mga araw na okay ang lahat. Nakikita kami ni taylor at nakikita namin si taylor pero di namin pinapansin. Magkasabay kaming pumapasok, sabay kumakain at sabay umuuwi. Normal ang lahat. Naguguluhan ako. Kasi bakit parang habang tumatagal, di na normal yung nararamdaman ko sakanya. Ang sweet nya kasi. Parang Boyfriend-Girlfriend na yung relationship namin. Lage nya akong sinusundo sa bahay. Lage nya akong dinadalhan ng foods pag nababadtrip ako, para daw mawala inis ko. Hinahatid nya ako sa bahay minsan. Pero ayoko mag-assume. Aral muna. Graduating pa naman kami.

Eto na. Nextweek na ang pasahan ng project namin. Hanggang ngayon konti palang ang nagagawa ko. Pagtapos ng klase namin, pupunta na sana ako ng library para magresearch, tinawag ako ni Harry at inaya kumain kaya kumain muna kami. Pagtapos namin kumain, inaya ko naman sya pumunta ng library. At dun kami ng ubos ng oras.

Pasarado na ulit ang library, pero may kulang pa kami. Nasa parking area na kami kasi uuwi na kami. Dahil kulang kami pa kami para sa project. Napagusapan naming dalawa na sa bahay nalang kami gumawa tutal may laptop at internet naman sa bahay. Pumayag sya at umuwi na kami. Hinatid nya ako sa bahay. Bongga diba? Hatid-sundo!

*Kinabukasan*

Paggising ko, cellphone ko agad ang hinanap ko. Pag-open ko puro text nya.

"Goodmorning Kc!", "Text ka paggising mo ha? :)", "Tagal naman gumising nito!", "Ano gusto mo? Dalhan kita dyan para mamaya sa pag-research natin."

Nireplyan ko sya at bumangon na ako para ayusin ang kwarto ko at para ayusin yung mga kelangan namin. Kumain na din ako at naligo.

Nagsa-soundtrip ako ng may biglang bumatok sakin. Pagtingin ko si Harry! EmGie! Bakit ang gwapo nya ngayon?! Iba yung itsura nya. Lalo akong naiinlove sakanya. At may dala pa syang food. Mga favorite ko pa! Grabe talaga to magpakilig eh. Sagad hanggang buto!

Ako: Pano ka nakapasok?

Harry: Pinapasok ako ni Manang. Nasa labas kasi sya, nakita nya agad ako pagdating ko kaya pinapasok na nya ako.

Ako: Desheng! Oh tara na. Dun sa kwarto ko. Dun tayo gagawa.

Harry: (Tumingin na parang inosente) Ano gagawin mo sakin?

Ako: Sira! Magreresearch tayo (Hinampas ko sya)

Harry: Aray! To binibiro lang eh. Tara na.

At umakyat na kami sa kwarto.

Nagresearch. Nagtawanan. Nagkulitan at nag-Foodtrip! Ang saya nya kasama. Ngayon ko lang sya nakasama ng ganito. At ngayon lang din kami nagkabiruan ng ganto. Yung feeling na parang ang tagal tagal na naming close. Ang sarap sa feeling. Natapos namin ang project namin kaya nagkwentuhan nalang kami. Gusto ko sana syang tanungin tungkol sakanila ni Taylor kaso nahihiya ako kaya random topics nalang napagusapan namin.

Ako: Gabi na. Kumain ka muna dito bago ka umuwi.

Harry: Hindi na. Sa bahay na ako kakain. Uuwi ngayon sila Mommy at Daddy eh.

Ako: Ah ganun ba? Regards nalang kila tito at tita.

Harry: Sige, makakarating. Oh pano? I have to go. Thankyou sa masayang araw. Ang kulit mo! (Hinimas nya yung ulo ko)

Ako: Yung buhok ko naman! Wala yun, thankyou din.

At umalis na sya. Pumasok ako ng bahay ng nakangiti na abot langit! Inasar ako ni Manang! Alam nya kasi na crush ko si Harry mula nung mga bata pa kami. Kumain na ako at natulog.

*Kinabukasan*

Himala! Walang nagsundo sakin? Pero okay lang. Baka masanay din kasi ako. Kaya nagpahatid na ako kay Manong. Pagdating ko ng school, papasok na ako ng Gate, biglang may tumatawag sakin. Si Harry!

All his Little Things ♥Where stories live. Discover now